Katrina Halili being eyed by Robin and Pacman as their leading lady

"Naku, hayaan n'yo na po silang apihin ako nang apihin!Marami naman akong blessing na natatanggap. Mabuti na rin na inaapi ako paramagdusa ako sa blessing. At magdusa sila dahil wala akong tigil at panonoorinpa rin nila ako!" says Katrina Halili about her detractors.



Pagkatapos pumirma ng multi-picture contract si KatrinaHalili for OctoArts Films, diretsuhang sinabi ng young sexy actress nasi Robin Padilla ang isa sa mga gusto niyang makatambal in the future.

"Para ibang level naman!" natatawang sabi ni Katrina sa PEP(Philippine Entertainment Portal). "E, kasi nakasama ko na sina Dingdong Dantes,Dennis Trillo, Alfred Vargas... halos lahat na ng mga taga-GMA-7, so si Mr. RobinPadilla naman."

Nagkasama na raw sila ni Robin nang minsang maimbitahan siyani Manny Pacquiao sa General Santos City dahil si Katrina raw ang request ngmga kababayan ni Manny na gusto nilang makita. Pero dahil dito, tila iniintriganaman siya kay Pacquiao.

"Wala naman pong intriga sa amin ni Mr. Manny Pacquiao,"iwas ni Katrina. "Actually, inimbitahan po nila ako. Kasi ang pagkakaalam konga po, ni-request nga raw po ako ng mga tao doon sa kanila. E, si Mr. MannyPacquiao, sobrang mahal na mahal niya ang mga kababayan niya kung kaya't dinalaniya kami ro'n. Pero wala po kaming isyu."

Natuwa naman daw si Katrina kay Manny noong nasa GenSan siladahil sobra raw ang pag-aasikaso sa kanya ng boxing champ.

"Sobrang natuwa po ako! Sobrang feeling ko, girl na girlako. Kasi sobrang bait niya. Siyempre,first time ko lang naman po siyang makasama. Nakita ko siya sa GMA, peromalayo, ang daming kasama. Pero noong makasama ko siya, ang bait-bait niya atsuper-asikaso niya ko.

"May time man na hindi niya ako maasikaso dahil meron siyangibang kausap, pinapaasikaso niya ako sa mga kasama niya. Sobrang gentleman po,"papuri ni Katrina sa boksingero.

LEADING LADY IN DEMAND. May gagawin daw na TV series sina Robin at Manny namagkasama. Sinabi na nga raw ni Manny na sana ay makasama nila sa movie siKatrina. Ano ang masasabi ni Katrina rito?

"Happy ako!" sambit niya. "At saka, yun nga po, noong bagokami maghiwalay sa airport, sabi po ni Robin, ‘Sana naman this time, huwag mona kong i-turn down. Kasi, dalawang beses na kitang gustong makasama. Sabi konaman, ‘Ay, hindi ko po alam... Oo naman po! Bakit ko naman po hinditatanggapin?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang may magtanong kung baka madala raw si Katrina sasobrang lambing at gentleman ni Robin, sinabi ng young sexy actress na alamnaman daw niya kung hanggang saan lang.

"Siyempre, sino ba naman ang hindi madadala sa ganoon, diba? Pero ako po kasi, trabaho lang talaga. At saka alam ko naman kung ano angdapat kong katayuan. So, trabaho lang talaga."

"MISTERYOSO"DENNIS. Pagdating naman sa leading man ni Katrina sa Magdusa Ka nasi Dennis Trillo, diretsuhan sinabi ni Katrina na "purely work" lang talagasila, pero mas close na raw sila ngayon.

"Hindi na kaminagkakailangan sa set. ‘Tapos kulitan... Pero hanggang doon lang po," saad niKatrina.

Aminado si Katrina na dahil sa ugali ni Dennis na tahimiklang, siya raw talaga ang mas gumagawa ng effort sa kanilang dalawa.

"Kung hindi ko po siya kakausapin, hindi po niya akokakausapin. May time pa nga minsan hindi ko na siya pinapansin kasi naba-badtrip na ako sa kanya. Minsan, nagdadabog na ako. May time na nagdabog akongayong araw na ito, kinabukasan, okey na ako, ‘tapos sasabihin niya, ‘Bakit kanagdadabog?'

"So, sabi ko sa kanya na, ‘E, kasi naman, minsan feeling ko,ginagawa ko na ang lahat para maging okey tayo sa isa't isa. Pero minsanpagpasok ko ng set, hindi mo ako papansinin. Parang ako, ano ba ‘yan, kailanganna lang ba palaging ako? Ako? Ako?' So, parang nagsawa na ako sa kanya, sige nanga, dedma na nga lang, bahala ka na sa buhay mo!"

Ngayon ba ay may nakikita na siyang effort kay Dennis afterniyang sabihin ang mga yun?

"Well, siguro po ganoon na lang talaga siya. Tahimik langtalaga. E, parang nagsawa na lang ako. Parang feeling ko, baka ang kulit-kulitko na at maasar na lang siya sa akin!" natatawa niyang sabi.

Nakikita ba niya ang possibility na puwede rin pala siyangma-in love kay Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, parang hindi ko alam!" tawa ni Katrina.

Hindi kaya iniiwasan lang ni Katrina na magkaroon siya ng conflictwith Cristine Reyes, na balitang girlfriend ni Dennis?

"Oo naman po, alam ko naman po kung ano ang katatayuan ko,"pag-amin niya. "Ang akin lang naman po, gusto ko po na maging at ease kami saisa't isa. Kasi medyo ano siya, e, medyo misteryoso. Alam n'yo naman pongtahimik lang siya. So, kapag hindi n'yo siya pinansin, tahimik lang talaga."

Ayon kay Katrina, binibiro lang daw niya si Dennis kapagtinatawag niya itong ‘baby.'

"Wala naman po talaga. Hindi ko siya tine-text. Nagte-textlang kami kung minsan kapag, ‘Congrats, ang taas ng rating natin.' Pero neverkaming nag-text na, ‘Uy, kumain ka na ba?' Hindi rin kami lumalabas, wala pongganoon."

BACK TO PRIMETIME. May balitang ang team-up nila ngayon ni Dennis sa Magdusa Kaay magpapatuloy raw hanggang sa primetime. May nakarating kasing balita sa PEPna si Katrina ang magiging leading lady ni Dennis sa Gagambino.

"Well, meron po akong primetime show after Magdusa Ka. Peroayoko muna pong magsalita tungkol doon kasi hindi pa naman po sila nagsasabi.Pero meron po, malapit na po nila akong mapanood," nakaiintrigang sagot niKatrina.


Nangingiti ito at halatang maingat sa pagsagot about her new primetime series.

"Basta po, malapit na po yun kaya abangan na lang po nilaako. Alam ko nga pong miss na miss na po nila ako sa primetime dahil apat nataon po ako ro'n," saad niya.

Posible bang magkaroon ng rivalry sa pagitan nila ni Mariansa pagbabalik ni Katrina sa primetime?

"Well, magkaiba naman po kami ni Marian," sagot niya. "Atsaka magkaibigan po kami ni Marian. Nagte-text kami, nag-uusap kami. So, walanaman po sigurong magiging problema."

Pero totoo bang leading lady na siya this time?

"Basta, ang masasabi ko lang po, hindi na po ako kontrabidangayon!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe ring nais iparating si Katrina sa kanyangdetractors.

"Naku, hayaan n'yo na po silang apihin ako nang apihin!Marami naman akong blessing na natatanggap. Mabuti na rin na inaapi ako paramagdusa ako sa blessing. At magdusa sila dahil wala akong tigil at panonoorinpa rin nila ako!

"Gustung-gusto ko na ayaw nila akong tantanan dahil gusto kong naapi. At kapag naaapi ka, tuloy-tuloy ang blessing mo at tuloy-tuloy angpagdurusa nila dahil hindi sila nagwawagi!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN