Diether Ocampo can't see himself marrying again after Kristine Hermosa

"Sa tanang buhay ko, isang babae lang ang papakasalan ko.Nagkataon na siya [Kristine] naman, di ba? Hindi ko na nakikita ang sarili kona magpapakasal ulit ako, e. Kaya nga iisa pa lamang ang pinakasalan ko," saysDiether Ocampo when asked about an update on the annulment case filed byKristine Hermosa.



Tinupad ni Diether Ocampo ang pangakong birthday treat parasa entertainment press kahapon, July 22, sa Pizza Hut sa Tomas Morato and TimogAvenue circle, Quezon City. Nag-splurge daw talaga siya para sa celebration niya this year of his birthday, which was actually last Saturday, July 19.

Bukod sa birthday presscon niya, nauna na siyangnagpa-dinner with his showbiz friends na dinaluhan ng ABS-CBN Star Magic headna si Johnny Manahan. Nanggaling na rin siya sa Philippine Orthopedic Centerwith his KIDS (Kabataan Inyong Dapat Suportahan) Foundation team na nagpakain,namigay ng regalo at mga libro sa mga kabataan.

"Kasi may isang bata doon na nag-celebrate ng birthday,sinabay ko na doon. Nagpunta kami doon nung Martes, July 15," panimulangkuwento ni Diether.

"Itong taon na ito, medyo magaan. ‘Tsaka maganda ang pasokng ano...kahit sa KIDS Foundation minsan parang wala na kaming pondo bigla nalang may lalapit na kumpanya, magbibigay ng malaking donasyon."

EFFECTIVE ACTING. Malaki rin ang pasasalamat niDiether sa entertainment press dahil sa lahat ng tulong na ibinigay sa kanyang career at sa magandang review sa performance niya sa bago nilang teleseryeni Claudine Barretto na Iisa Pa Lamang.

"Ang ganda naman kasi ng role. Perfect yung project. Akonaman kung ano ang binibigay sa akin, kung ano ang required yun ang ginagawako. Walang sobra. Kung ano yung binibigay ko, tamang timpla lang. Maganda yungcharacter.

"Natutuwa naman ako. Siyempre kung hindi ka mapupuna, di kanaman [effective]...di ba? Paano mo mapagbubuti ang trabaho mo kung walang pupunasa ‘yo. Hindi naman parating papuri ang sasabihin sa iyo."

Hindi naging madali para kay Diether ang kilalanin siyabilang mahusay na aktor ngayon. In fact, he was once listed as one of the so-called"ham actors."

"Hindi ko naman sila kailangang i-convince, e. Unang-una,kapag nagtatrabaho ako, hindi koiniisip na kailangang may papalakpak. May bibilib. Paano ‘pag inisip mo? Wala,mali yung gagawin mong trabaho. Ang iniisip mo na lang kung ano yung masasakitna nangyari sa buhay mo, magagamit mo dahil minsan mahirap ang eksena, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRISTINE HERMOSA. On a personal note, binati ba siyani Kristine Hermosa noong birthday niya?

"Oo, bumati, bumati. Nung birthday ko mismo.

"Okey naman. Nag-e-enjoy siya doon dahil bakasyon, e. NasaL.A. na siya ngayon. Galing siya NewJersey, diretso siya sa L.A."

Nagpaalam ba sa kanya si Kristine sa pagpunta nito sa L.A.?

"Hindi naman niya kailangang magpaalam. Pero mga kaibiganniya doon ang kasama niya. May mga kamag-anak din siya doon."

Wala doon si Oyo Sotto, ang natsitsismis na boyfriend niKristine?

"Hindi ko alam. Hindi ko inaalam," sabay tawa ni Diet.

Anong naramdaman niya noong tinawagan siya ni Kristine onhis birthday?

"Hindi ko ine-expect yun kasi may taping kami ng Iisa PaLamang noon, e. Biyernes ng madaling-araw. Oo, siya ang first caller kothat day."

May kakaibang feeling ba?

"Na-touch ako," birong seryoso ni Diet.

GREETING FROM ANDREA. Bukod kay Kristine sino pa angbumati sa kanya?

"Yung mga kaibigan ko. Mga malalapit na kaibigan ko."

Binati rin ba siya ng dati ring na-link sa kanya na siAndrea Bautista na misis na ngayon ng isang government official?

"Pinabati niya ako kay Paul Cabral. Si Paul yung commonfriend namin. ‘Tsaka palagi silang nagkakasama ni Claudine [Barretto]."

Ano nga pala ang regalo sa kanya ni Kristine?

"Sabi ko nga kung nandito siya, yun na sana ang pinaka-okeyna gift, e. E, wala siya. Kung nandito siya inimbita ko na siya ng dinnerdate."

ANNULMENT CASE. Ano na angdevelopment ng pagpapawalang-bisa ng kasal nila ni Kristine?

"Hindi ko alam. Sila [Kristine] ang nakakaalam ng statusnoon dahil sila ang petitioner. Ako, hindi naman ako nakikipag-cooperate.Non-participating ako. Si Kristine lang ang puwedeng mag-asikaso kasi siya yungnagsampa ng kaso. Kaya hayaan mo sila. Kayo na ang bahala."

Gusto ba niya na tuluyan nang ma-annul ang kasal nila niKristine?

"Hindi, kahit ano pa ‘yan, kung ikaloob ng Diyos na mataposna ngayon o hindi muna, ayaw kong maano, e... Pero sa lower court kasi,wala na, tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, nasa Court of Appeals na. Dahil umapela yungsolicitor general. Trabaho lang ng solicitor general yun. May technicality ‘atasiya na nakita. Pero approved na sa lower court, e. Null and void na [angkasal]. Pero nag-appeal ang solicitor general. Trabaho ng solicitor general nai-preserve ang sanctity ng marriage.

"Lahat [ng annulment] dumadaan sa solicitor general. ‘Paghindi umapela yung solicitor general, ibig sabihin kumbinsido siya sa lower courtpa lang na walang bisa talaga. Or nakikita niya na talaga baka pinapalabas langna walang bisa, aaralin niya yun.

"Mahabang proseso ‘yan. Sabi ko nga, sa tanang buhay ko,isang babae lang ang papakasalan ko. Nagkataon na siya [Kristine] naman, diba?"

Ibig sabihin hindi na siya magpapakasal ulit?

"Hindi ko na nakikita ang sarili ko na magpapakasal ulitako, e. Kaya nga iisa pa lamang ang pinakasalan ko," tapos ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN