Piolo Pascual wants rift between leading ladies Claudine and Angel settled

"If there's anything I'd like to say, gusto komagkaaayos sila kasi napakaliit ng industrya, more so ng ABS-CBN, parahindi sila magkita. So, ang wish ko lang, ang prayer ko is talagangfor them to patch things up and sana magkapatawaran and magkabati kasimahirapding lumugar. Dahil nga kung may isyu nagkakaroon ng ilangan," says Piolo Pascual about the reported rift between Claudine Barretto (inset, top) and Angel Locsin (inset, bottom).



Nagmamadaling umalis si Piolo Pascual sa birthday party ngcolumnist-TV host na si Cristy Fermin sa Metro Bar last Tuesday, July 22. Sakabila ng hindi magkamayaw na fans na nagpapa-picture at bumabati sa aktor thatnight, pinaunlakan pa rin ni Piolo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngmaikling interview. Humingi na lang ngpaumanhin ang aktor sa aming pagsunod sa kanya hanggang sa kanyang sasakyan nacolor silver na Hummer sa labas ng Metro Bar para ma-interview.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa kay Piolo at tinumbok nanamin ang isyu tungkol sa away diumano ng dalawa sa pinakamalalapit na aktressa kanya na sina Claudine Barretto at Angel Locsin. Si Claudine ay nakatambalni Piolo sa pelikulang Milan at sa teleseryeng Walang Kapalit samantalang si Angel naman ay nagingleading lady ng aktor sa katatapos lang na Lobo at sa isang pelikula na sisimulan pa lang nila.

"Wala akong sasabihin kasi mahirap magsalita because gayanga ng kasabihan, mahirap maipit sa dalawang bato. And, hindi ko po alam, e.Wala naman akong alam sa nangyari. Wala rin akong nakakausap sa kanilaregarding the incident. So, I don't think I'm in the position to comment.

"But if there's anything I'd like to say, gusto komagkaaayos sila kasi napakaliit ng industrya, more so ng ABS-CBN, para hindi sila magkita. So, ang wish ko lang, ang prayer ko is talagangfor them to patch things up and sana magkapatawaran and magkabati kasi mahirapding lumugar. Dahil nga kung may isyu nagkakaroon ng ilangan," maingat napahayag ni Piolo.

Willing ba siyang maging mediator para magkabati sinaClaudine at Angel?

"If there's kinda help I can extend, yeah. I'm willing kungkinakailangan po talagang makatulong, gagawin ko kasi pareho silang malapit saakin," sagot ng aktor.

May nagkuwento ba sa kanya tungkol sa tunay na pangyayari ngawayan diumano nina Claudien at Angel?

"Ah, I heard so many things about it."

Knowing the two of them, sa tingin ba ni Piolo ay maynagkamali nga ba sa dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let's just say may point sila siguro pareho."

May mensahe ba siya na nais iparating kina Claudine atAngel?

"Sana magkapatwaran na. Let us humble ourselves. Isantabimuna natin ang pride. And let's be giving and compassionate."

Sa pagkakilala niya sa dalawa, naniniwala ba si Piolo naposibleng may nangyari talaga na engkuwentro sa salon sa pagitan nina Angel atClaudine?

"Hindi ko po alam," sagot niya. "Seriously, hindi kopapaniwalaan ang kuwento hanggang walangnagsasabi sa akin."

May lumabas na kuwento na ipinagtanggol daw niya si Claudinenang nagkaroon sila ng away ni Angel? Totoo ba ito?

"I'd rather not comment about that," sabi ni Piolo. "Angeland I are good friends, so with Claudine. So, I don't think na kailangan pangpalakihin ‘yon. Si Clau, mas matagal kong kaibigan; pero si Angel nagingkaibigan ko rin, so ayaw ko nang makisawsaw doon. Ayoko nang mag-comment pa ifthere's anything else."

Ang huling balita na nakarating sa PEP ay nagharap na sina Claudine at Angel sa isang undisclosed meeting upang ayusin ang anumang gusto na namagitan sa kanila.

Tinanong na rin namin si Piolo tungkol sa movie na gagawinnila ni Angel sa Star Cinema.

"Ma-gstart na kami ng shooting next week. We will be in Bukidnonfor a couple of weeks. Then, diretso na kami sa Australia mga middle ofAugust."

Balita na kailangan nilang mangabayo sa movie ni Angel.Naga-aral ba siya mangabayo?

"I'm training every other day. And tomorrow training ulitako at 8:00 a.m. Angel is also training with me," saad ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN