Richard Gutierrez and KC Concepcion arrive from filming "For The First Time" in Greece

Richard Gutierrez and KC Concepcion arrived from filming "ForThe First Time" in Greece. It was not all work for the young stars though. Theyalso had the chance to explore the island of Santorini, where they shot thescenes via speedboat and ATV's (all-terrain vehicle). "It was such a beautifulplace," says Richard of the island.



Lulan ng eroplanong naglipad sa kanila from Dubai papuntangMaynila, bumaba at magkaakbay pang lumabas ng lobby ng Ninoy AquinoInternational Airport (NAIA) airport sina Richard and KC Concepcion. Nag-stopover kasi ang flight nila sa from Greece to Dubai, boarding another plane backhome.

Natapos na kasi ang shooting nila sa Greece ng ilangeksenang kinunan sa pelikula nilang For The First Time ng Star Cinema.Sweet na sweet at iisipin talagang may espesyal nang namamagitan sa dalawa, iftheir actions speak louder than words. Very obvious na mukhang nauwi na talagasa mas malalim na unawaan ang samahan ng dalawa.

EXPERIENCING GREECE. Sa magkasabay na panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa kanila, nagkuwento naman agad sina KC andRichard kung gaano sila nag-enjoy nang husto sa kanilang Greece trip at kunggaano mas lumalim ang kanilang bonding sa 10 days na pagsasama nila dito.

"Siyempre, island yun, ibang lugar talaga ang makikita modun, ako most of the time, gusto ko lang tingnan yung iba pang mga naroon napuwedeng makita. Kahit gumagawa kami ng mga eksena , parang di akomakapaniwala na nagkaroon kami ng mga kinukunang scenes sa ibang bansa. Masarapkasama sina Direk Joyce, sobrang respetado namin siya, kaya ang ganda ng mganagawa namin. It was realy a nice experience for me kasi first time kong gumawang film and maganda ring makita for the first time na gumawa ng film si Richardwith Star Cinema and I can say na ang ganda ng kinalabasan ng project,"masayang pagkukuwento ni KC sa PEP.

"It was such a beautiful place, talagang maganda siya,talagang maganda yung mga eksenang kinunan namin dito, we really enjoyed theplace," ayon naman kay Richard.

SIGHT-SEEING IN SANTORINI. Kinuhanan ang ilan sa mgaeksena nila sa Santorini Island, na ayon kina Richard at KC ay isa palangsumabog na bulkan bago naging isang island.

"Volcano before yung buong island na sumabog bago siyanaging island kaya ang daming interesting dun. Ang ganda-ganda nung lugar.Isang araw, nag-speedboat kami all around kasi series of islandsiya. Kumuha kami ng speedboat, umikut-ikot kami, ang ganda talaga. Kumaindin kami sa mga carinderia dun, ang babait ng mga tao," pagpapatuloy sa amin nganak ni Megastar Sharon Cuneta..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In the first couple of days na stay namin, we were able togo around. Nakilala namin yung island, inikot namin yung buongisland. Nag-rent kami ng ATV [all-terrain vehicle], ng mga 4x4, in-enjoynamin talaga yung place in a couple of days," kuwento naman ng binata ninaEddie Gutierrez at Annabelle Rama.

CARING ADVENTURERS. Spending more timestogether na sila-sila lang, aminado naman sina Richard and KC na mas lalo pasilang naging close sa isa't isa at may mga ugali silang higit na na-discoverwith each other.

"Yeah, of course, mas naging close kami, coz we spend a lotof time together. We really enjoy each other's company. Basta ang na-discoverko lang mas maalaga si KC," papuri pa ni Richard sa kapareha.

"Masaya si Richard na kasama, adventure talaga ‘yanaraw-araw. Alagang-alaga ka niya and there's no dull moment ‘pag kasama mosiya," sabi naman ni KC.

NO SIGNAL. Kamakailan ay lumabas ang kuwento nasobrang nag-worry daw si Tita Annabelle kay Richard dahil for the first time ayhindi raw sumasagot sa mga tawag niya ang anak. Ikinuwento naman sa amin niRichard na nag-usap na sila ng mommy niya tungkol dito at ipinaliwanag naman saamin ni KC na mahina talaga ang signal doon kaya kahit nga siya ay hindi rinmakatawag sa kanila.

"May trabaho kami dun. Minsan talaga yung telepono ko,iniiwan ko, di ko nasasagot yung mga calls niya pero tine-text ko namansiya. Nag-worry lang si Mommy and normal lang yun. Nag-usap na kami ngayon,in-explain ko sa kanya ang nangyari and okey naman," paniniguro sa amin ngaktor.

"Actually, di rin ako makatawag sa bahay, sa signalsiguro," dagdag na esplika sa amin ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN