Comelec picks Robin Padilla to endorse automated polls in ARMM

"Kailangan ituloy na natin ang ARMM elections ngayon. Hindina natin ito dapat ipagpaliban dahil ito lang ang paraan para magkaroon ngpagbabago at progreso sa lugar," says Robin Padilla.


Ang action star na si Robin Padilla ang napiling endorser ngComelec (Commission on Elections) para sa Optical Map Reader (OMR), ang bagongtechnology na gagamitin para sa automation ng August 11 election sa AutonomousRegion in Muslim Mindanao (ARMM).

Si Robin ang kinuha ng Comelec para tumulong sa informationdrive para sa darating na 2010 elections.

Gusto ni Robin, na isang Muslim convert, na mabago ang imaheng ARMM, lalo na raw ‘pag election ang pinag-uusapan. Kaya suportado niya angplano ng Comelec na automation ng election.

Ayon pa sa action star, karaniwan daw na sinasabi na sa ARMMregion nagaganap ang "dagdag-bawas." O kaya naman sinasabi na walang electionna naganap kundi binayaran lang ang mga tao.

"Sa pagtanggap ko ng endorsement na ito, gusto kong makatulongna mabago ang imahe ng ARMM pagdating sa mga bagay na may kaugnayan saelection," wika ng bida ng katatapos lang na GMA TV series na Joaquin Bordado.

Ang mukha ni Robin ang gagamitin sa mga posters at komiks nailalabas ng Comelec para sa kanilang information driver. Gagawa rin siya ngradio ads.

Two-million pesos ang talent fee ni Robin para sa kanyangendorsement na ibinigay niyang donasyon sa Liwanag ng Kabataan Foundation parasa edukasyon ng 53 mahihirap na bata.

Suportado ni Robin ang desisyon ng Comelec na ituloy angelection sa ARMM kahit na isinusulong ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo naipagpaliban ito.

"Kailangan ituloy na natin ang ARMM elections ngayon. Hindina natin ito dapat ipagpaliban dahil ito lang ang paraan para magkaroon ngpagbabago at progreso sa lugar," pahayag ni Robin sa contract signing niya kahapon, July 24, sa tanggapan ng Comelec.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN