Rhian Ramos vows never to cry again over intrigues

"Basta malinis ang konsensiya ko. Wala akong tinatapakangtao. Kung sisiraan lang nila ako for whatever reasons na wala naman akongginagawang kasalanan sa kanila, karma na lang nila 'yan. In the first place,hinahamon ko naman sila na harapin ako. Kaya lang, halatang duwag sila, athindi nila mapangatawanan yung mga ibinibintang nila sa akin. Idinadaan langnila sa text," says Rhian Ramos.



Sumalampak sa lounge sofa ng Music 21 Plaza Timog si RhianRamos nang katagpuin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) doon.Tinext lang namin si Rhian at nagkataong katatapos lang ng dubbing niya for I.T.A.L.Y.(I Trust and Love You), hayun at pinuntahan na niya kung nasaan kami.

"Ang layo kaya ng inuuwian ko, sa Alabang pa,"sabi ni Rhian. "Kung may time na rin lang ako at naririto sa Quezon Cityang kausap ko, pupuntahan ko na lang. That way, I can also save gasoline.

"Anyway, sa October pa naman mae-air ang La Lola namin.Si JC de Vera na ang ipina-partner sa akin, pero natutuwa nga ako, kasi ngayonpa lang ay pinapaingay na ng GMA-7 ang series. It has to be that way becausethey know it's my very first starrer. Ako na talaga ang bida sateleserye."

Everything is turning rosier for her career. Pagpapatunay namay dalang suwerte kay Rhian ang pagwawagi niya ng Breakthrough Performanceby an Actress sa nakaraang Golden Screen Awards for her performance in Ouija.

"Ay, totoo 'yan!" bulalas niya. "Nagpapasalamat talagaako sa Golden Screen, and after that, parang sumasabay naman yung mga project,which only proves, kahit paano, that I'm deserving of the award.

"Kasama pa ako sa Codename: Asero. It's something newnaman ang pinapagawa sa akin doon na may pagka-mysterious na action-action.Lalo na sa stage na ito na inaalam ko pa rin kung saan talaga ako nababagay, atkung saan ako mas magugustuhan ng mga tao, sa kung anong klaseng role, or show."

Sa isang pelikulang ipo-produce ng GMA Films, isa si Rhiansa napipisil na maging kapareha ni Robin Padilla. Nakahanda na ba siya sa mgaintriga sa kanila ni Robin kung sakali?

"Ano pa ba ang gagrabe sa mga nararanasan kongintrigues lately?" natatawang sabi ni Rhian. "I promised myself, yun naang huling pag-iyak ko sa mga intriga, and I will bravely face anything. Ganoonnaman talaga sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta malinis ang konsensiya ko. Wala akong tinatapakangtao. Kung sisiraan lang nila ako for whatever reasons na wala naman akongginagawang kasalanan sa kanila, karma na lang nila 'yan. In the first place,hinahamon ko naman sila na harapin ako. Kaya lang, halatang duwag sila, athindi nila mapangatawanan yung mga ibinibintang nila sa akin. Idinadaan langnila sa text.

"Malaman ko lang kung sino talaga sila, I willdefinitely file charges. Pero mahirap lumaban sa mga taong hindi mo nakikilala,at wala ring guts to face me, para malaman kung ano ba talaga angproblema," napapailing na sabi ni Rhian.

GABBY & DENNIS. Nanghihinayang din pala si Rhian sa hindi pagkakasali ni GabbyConcepcion sa I.T.A.L.Y. Pero, on second thought, mahirap na ring basta isipinito lalo na't napakahusay rin ni Dennis Trillo na siyang sumalo sa naiwang roleni Gabby.

"Kasi yung My Only Love, remember? Nang gawin naminang remake sa teleserye sa GMA-7, I only knew na si Gabby Concepcion angoriginal na bidang lalaki doon. It will be very nice siguro if I get to knowhim, kasi kilalang-kilala pa rin siya kahit ng bagong generation, kahit matagalna siyang nawala.

"Pero natutuwa ako sa rushes, nang mapanood ko sadubbing, Dennis did very well in his portrayal. Light lang siya, na very romantic,na bumagay rin kay Dennis. At least, sa cast, halos hindi nagkakalayo ang agenamin. We really had a good time while doing the film, and we have experiencedthe cruise abroad," kuwento pa ni Rhian.

MODELING OFFERS. As of now, dinaragsa ng modeling offers si Rhian after shehad a bit of training in Singapore. Lumahok sa Asian Supermodel si Rhian saChina, and was able to land on the Top 10.

"Magandang pambalanse ang modeling," sabi niRhian. "At least, hindi ako masyadong naiintriga sa ganyan, and when I wasin China, I was able to be on my own. Hindi ko naramdaman na artista ako doon,and I was really like a normal teener trying to make a name as a model."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling kaiinggitan si Rhian sa dalawang malalakingendorsements na natanggap niya, at ilulunsad na ang mga ito sa mga susunod naaraw. Ayaw magdetalye ni Rhian tungkol sa mga ito. Hintayin na lang daw angpagpapalabas ng mga commercial na nagawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN