Ynna Asistio makes claim to fame by her stellar acting in "Concerto"

"Hindi ko kasi iniisip, kung may nagpaparamdam man.Kasi, naka-focus ako sa studies. Sa totoo lang po, nakakapagod ang ganitongtrabaho, 'tapos I still have to go to school. Pero talagang gusto kong makataposng pag-aaral, and at the same time, ayoko rin pong i-give up ang pag-aartistang ganoon lang," explains Ynna Asistion about having no suitors.



Sa wakas, may claim to fame na ang young actressna si Ynna Asistio dahil napansin siya ng marami sa indie film na Concerto sanakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Mahusaysa pagganap ni Ynna sa Concerto, bilang isa sa pinakabata sa isang may kayang pamilyasa Davao noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa bansa. Ngunit ang nakahuli rin saatensiyon ng mga manood ay ang pambihira niyang ganda talaga sa big screen.

Kung tutuusin, ilang taon na ring nagsisikap na gumawa ngsariling pangalan sa showbiz ang anak nina dating Caloocan City Mayor Macario Asistioat Nadia Montenegro. Pero mukhang ngayon lang mabibigyan ng partida si Ynna dahilnagmarka na nga ang pagiging artista niya sa pamamagitan ng isang magandang indie film.

"Tuwang-tuwa talaga ako sa positive feedback,"sabi ni Ynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kahit po hindimasyadong napansin ng judges ang pelikula, still, nakatataba ng puso na maramipa rin ang nakaka-appreciate sa pinagpaguran namin.

"Dumaan pa pokami ni Jay [Aquitania] sa auditions para lang sa roles na na-assign sa amin.Kaya talagang very fulfilling ang experience namin sa paggawa ng indiemovie," nangingiting dugtong niya.

FULL-TIME STUDENT. Nakatutok ngayon sa pag-aaral si Ynna. Nasa first-year college siya sa Centro Escolar University, taking up MassCommunications.

"Hindi pa rin po ako pupuwedeng mag-full blast sashowbiz. Ang regular exposure ko lang, yung sa Bubble Gang. Isang araw lang fora week ang taping namin doon, at madali lang gawin yung gags. Talagang anggusto ng parents ko, pag-aaral ang atupagin ko.

"Enjoy na akosa ganoon dahil lumalabas ang pagka-komedyante ko doon [Bubble Gang]. IbangYnna naman ang mapapanood doon. At saka alanganin din kasi ang age ko,napakabata pa kung magma-mature roles na ako, kaya ganoon lang ang pupuwedekong gawin sa ngayon," lahad ng young actress.

BEING LINKED TO MARK. Sa dating soap opera ng GMA-7, Mga Mata ni Anghelita, na-linksila ng kapareha niya ritong si Mark Herras. Hanggang ngayon, hindi namamatayang tsismis sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Mark, parang kuya ko na 'yan," paliwanag niYnna. "Hindi 'yan makakapunta sa bahay namin kung alam ng dad ko nananliligaw siya sa akin. As in, wala talaga. Hindi naman din lulusot sa mommyko yung ganoon.

"Kung manliligaw sa akin ang kahit sino, naku, he hasto face the wrath of my dad! Not for anything else, pero istrikto kasi talagasiya. Ito ngang pag-aartista ko, hindi niya ako papayagan kung nag-suffer lang yunggrades ko at hindi ako naka-graduate sa high school.

"Okey sa dad ko angpag-aartista ko, for as long as nakakapag-concentrate pa ako sa pag-aaral. Oncena pumalya ako sa school, tapos na ang maliligayang araw ko sa showbiz."

Nagulat kami nang sabihin ni Ynna na wala talagang nanliligawsa kanya, kahit pagpaparamdam lang.

"Hindi ko kasi iniisip, kung may nagpaparamdam man.Kasi, naka-focus ako sa studies. Sa totoo lang po, nakakapagod ang ganitongtrabaho, 'tapos I still have to go to school. Pero talagang gusto kong makataposng pag-aaral, and at the same time, ayoko rin pong i-give up ang pag-aartistang ganoon lang," pahayag ni Ynna.

Sa Starbucks ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN na-interview ng PEP siYnna. Kagagaling lang daw niya sa Wowowee!, at doon daw kasi ang meeting placenila ng isa sa mga kapatid ni Nadia.

"Maaga lang kasi ang labas ko sa school. Mga 2 p.m. palang, labasan na namin. Kaya dito ko na lang hinihintay ang auntie ko, atsabay na kaming umuuwi.

"Kaya lang, talagang Kapuso ako. May time na parangnagugustuhan na rin nila ako dito bilang Kapamilya sana, pero nasanay na ako saGMA-7. Parang doon na ako lumaki. Kung dito kasi, baka mahirapan din akongmag-adjust. But that doesn't mean sarado na ang doors ko sa ABS-CBN. Hindi namannatin alam ang pupuwedeng mangyari. But so far, masaya na po ako bilangKapuso," pagwawakas ni Ynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN