FIRST READ ON PEP: Sharon Cuneta explains missed encounter with ex-hubby Gabby Concepcion

"That will bring a lot of crazythings in the show, and I mean CRAZY, as in! And probably will makeme crazy too, kaya huwag naman. Huwag niyang gagawin yun, please lang!" replies Sharon Cuneta when asked, what if Gabby Concepcion goes to her concert?



Pagdating sa anak na si KC Concepcion, ipinagmamalaki ngMegastar Sharon Cuneta na "groovy and cool mother" siya. Naniniwala si Sharon na kaya na ni KC, at 23, na pangalagaan ang sarili, lalona pagdating sa mga isyung boyfriend, career, at ultimo pagbubuntis.

Ilan lamang ito sa naibahagi ni Sharon nang makapanayam siyang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanyang Megathirtyconcert na gaganapin sa August 8. Isa si KC sa makakasama ni Sharon sa kanyangshow, along with Concert King Martin Nievera and Mr. Pure Energy Gary Valenciano, sa kanyangconcert sa Araneta Coliseum.

"Aside from [her being] more talented than I was at her age,she is a very decent lady. Natapos niya ang pag-aaral niya nang hindi niyaako binigyan ng kahit na anong problema, kaya't I really don't worry aboutthose stuffs," saad ng Megastar.

Sa katunayan nga raw, kahit na sabihin ni KC na mag-aasawana siya ay okey lang sa kanya for as long as "ang lalaking makakasama niyaay yun talagang mahal niya at mas mamahalin pa siya."

MEGATHIRTY. Hindi mailarawan niShawie ang kanyang kaligayahan sa nalalapit niyang concert. According to her,she has invited all her good friends in the industry, mula sa Viva Films, StarCinema, at mga nakasama na niya gaya nina Aga Muhlach (na ayon sa Megastaray takot nang sumampa at mag-perform nang live sa stage after mag-guest saconcert ni Lea Salonga), Robin Padilla (according to Sharon, "on and off" angginagawang pag-commit sa naturang show), Richard Gomez, at marami pang iba.

"Isa na naman po itong natatanging okasyon na gustokong ihandog at ialay sa lahat ng gusto akong samahan in going down the memorylane dahil tunay namang super-blessed po ako talaga dahil na rin sa inyo,"sabi ni Sharon.

WHAT IF... May mganaglakas loob ding magtanong kay Sharon ng ilang mga "what if"questions, lalo pa't napag-usapan ang ginawa niyang pag-iwas kay GabbyConcepcion noong birthday party ni Cristy Fermin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una, sinabi ni Shawie na maaga pa lang ay nagpasabi nasiya sa may okasyon na hindi siya siguradong makakarating dahil mayroonsiyang commitment. Pero dahil mahal niya ang kolumnista at dahil napag-usapannila ni Piolo Pascual na i-good time si Cristy, "talagang pumuntaako."

"'Tapos, ganun na nga. May nakapagsabing dumating nasiya [Gabby], and so I decided na rin to leave dahil, again, may pupuntahan akongtaping, plus ‘tapos na rin yung pagkanta ni Piolo. Nag-enjoy naman kami ni AteVi [Vilma Santos], at nabati na namin si Nanay Cristy. Huwag na tayongmag-emote pa. For sure kasi ay para na namang piyesta yung issue kaya ako naang nagkusang umalis," paliwanag ni Sharon.

Then she went on to say na talagang iniiwasan na niyangmapag-usapan ang anumang isyu with Gabby.

"That was twenty years ago pa, never naman akongnagsalita dahil kay KC. He has his own life, we have ours. Pabayaan na natin ngganun, please. Basta never ko kailanman inalis sa kanya ang karapatan na siyaang ama ng anak ko, period. Kung dito sa 30-year anniversary ko ay may mga fansng naging love team namin, then let's all be happy na kahit papaano ay naratingnatin ito. I too was a fan of the team at hanggang dun na lang yun,"deklara ni Sharon.

Sa hirit ng isang writer na, what if Gabby goes to herconcert at manood? Sagot ni Sharon: "That will bring a lot of crazythings in the show, and I mean CRAZY, as in! And probably will makeme crazy too, kaya huwag naman. Huwag niyang gagawin yun, please lang!"

FUTURE MOVIES. Ipinagpapatuloy ni Sharon ang pagdidiyeta niya dahil afterher concert ay nakatakda rin siyang gumawa ng mga pelikula.

Mayroonsiyang binanggit na pagbabalik-tambalan nila ni Richard Gomez, a possible moviewith daughter KC at ang kanyang sinasabing ultimate dream na makasama si Gov.Vi ay sa next year na raw uumpisahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"I'm more than thrilled. You know how a big fan I am of Ate Vi. Wala akonginiisip na maging role o anumang gusto dahil kahit titigan ko lang siya ay okeyna ako. Pagsisilbihan ko pa siya! It is going to be a very well-meaning experienceto learn. Vilma Santos ‘yan. Kahit sinong artista, gusto siyangmakatrabaho," sabi ni Sharon.

Naitanong naman ng PEP kung bakit ganun na lang ang sobrangpaghanga at respeto niya sa Star For All Seasons.

"Sobra siyang disenteng tao," mabilis na sagot niSharon. "Since I was a child, wala pa ako sa showbiz, fan na niya ako. When Ientered show business, mas lalo ko siyang minahal. Never, as in never, as Godis my witness, na nagkaroon ako ng masamang experience sa kanya. Hindi niya akopinakitaan ng kahit na anumang pambabastos, di gaya ng iba diyan. Alam n'yobang nabawasan ako ng iniidolo dahil sa mga ganyan?

"Kaya nga with the current crop of young superstars today, Isee to it na pakisamahan at makatrabaho sila nang maayos dahil ayokong mangyarisa kanila ang minsan kong naranasan. Kaya nga ako, nagsikap para lalong magingpropesyonal sa aking ginagawa dahil sa mga kagaya ni Ate Vi. She is a wonderfulperson, a very respectable actress, an icon, now a decent public servant, avery, very dear friend, an inspiration... Ano pa ang hahanapin mo?

"Tsaka malaking factor din yung mga humahanga at rumerespetosa kanya. Yung mga Vilmanians, ibang klase. Mahal nila ang mga Sharonians, kayamahal na mahal din namin sila," pagtatapos ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN