Indie actor Coco Martin gaining renown for his edgy roles

"Naiintindihan ko yung ginagawa ko. Dapat aywala nang isyu sa mga ganyan. Kung nagawa ko yun para sa pelikula, yun na 'yon.Katawan lang naman 'yan, e. After that, makakalimutan din ng mga tao. Angimportante, tumatak sa kanila yung kabuuang pelikula at yung pagganap moroon," says Coco Martin about the frontal nude scene hedid in the indie film "Serbis."


Nagbubunga ang pagkakakilanlan kay Coco Martin sa indies dahil sa mainstreamTV, napapakinabangan ang husay niya sa Ligawna Bulaklak ng ABS-CBN. At least, marami na ang nakakakilala talaga sakanya. Sa latest Cinemalaya indie hit na Jay,hindi rin nakaligtas sa marami ang husay na ipinamalas ni Coco, kahit si BaronGeisler talaga ang totoong napansin doon.

"Masaya ako para kay Baron, at sa buongpelikula, dahil parang nanalo na rin ako sa awards na napanalunan ngmovie," sabi pa ni Coco nang makausap ng PEP (Philippine EntertaimentPortal).

EXTREMECOCO. Boytoy na naman ang papel na ginampanan ni Coco sa Jay, at walang takot ang aktor nama-typecast na nang husto sa ganitong klaseng papel.

"Hindi naman ako basta boytoy lang doon. Ako yungex-boyfriend ng murder victim. Bale pangatlo ko pa lang naman ito sa ganoongklaseng role, pero may pagkakaiba naman. Una, sa Masahista, then, doon sa Daybreak.

"Nangyayari lang na ganoon ang impression, naparang boytoy na lang ako ng gay sa pelikula, kasi, tumatatak. Pero, I honestlybelieve, iba-iba pa rin ang ginagawa kong roles," sabi ni Coco.

Sa indie film na Nars,siya naman ang gumanap na gay roon. In other words, sa indies, Coco goesextreme. Iba't ibang klaseng roles ang naibibigay sa kanya na karamihan ayvery edgy.

"Hindi ako natakot. Nakaganap na ako ng role nabading, and it's just a role. I enjoy doing any kind of role. Walang problemaroon," banggit na lang niya.

FRONTALNUDITY. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nagingconflict daw sa kanila ni Direk Dante Mendoza kaugnay ng frontal nudity niya saSerbis.

"Mayroon talagang frontal nudity, pero kontingmisunderstanding lang yun with Direk Dante," sabi pa ni Coco.

"Okey naman kami. Napag-usapan na namin ‘yannoong nasa Cannes pa kami. Gusto ko pa ring makatrabaho siya. Nagkaroon ngpersonal talk sina Noel [Ferrer, his manager] at Direk Dante tungkol sa bagayna 'yan, at naayos na 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman yung frontal nudity na nakunan, forinternational na lang yun, at huwag nang ipakita sa commercial run.Napagkasunduan talaga 'yun," sabi pa ni Coco.

NOTA BIG DEAL. Pero, may posibilidad na kumalat pa angmga eksenang 'yan sa pirated tapes. Mas mabuti na yung ipinalabas na lang sacommercial run.

"Kung mangyayari yun, ano rin ba ang magagawako? Kasi, yung frontal na yun, it's not really a big deal. Ang importante roonay yung buong pelikula. Gaya roon sa ginawa ni Baron sa Jay, di ba? Hindi yun dapat ang big deal doon," napapailingna sabi ni Coco.

Bahagi raw yun ng trabaho niya bilang artista. Hindisiya nagpakita ng maselang parte ng katawan niya dahil lang sa point nakailangang magpakita siya.

"Naiintindihan ko yung ginagawa ko. Dapat aywala nang isyu sa mga ganyan. Kung nagawa ko yun para sa pelikula, yun na 'yon.Katawan lang naman 'yan, e. After that, makakalimutan din ng mga tao. Angimportante, tumatak sa kanila yung kabuuang pelikula at yung pagganap moroon," katuwiran niya.

CONSERVATIVEPINOYS. Sa rami ng nagawang magagandang pelikula ni Coco,sa pagtanda niya, may mga makita man sa kanya roon na maselang bahagi ngkatawan niya, magiging proud pa rin siya.

"Hindi lang naman ako ang gumawa ng ganoon. SaHollywood nga, ang daming magagaling na artista na nakagawa ng ganoon, at hindinaman big deal yun. Ako pa kaya?

"Masyado lang na conservative na ewan angmaraming Pinoy. Porke may nakita, hayun, big deal na. Hindi naman ako matineeidol na may wholesome image. Kung ano ang realistic na pupuwedeng ipakita sapelikula hindi ko na dapat katakutan pa," pahayag ng binata.

MOVIEWITH ROSANNA. May pinaplanong isang pelikula kasamasi Rosanna Roces. Sana nga raw, matuloy ito.

"Digital film yun. Nakaka-excite, kasi, RosannaRoces pa rin yun. Para makatrabaho ko ang isang mahusay na artista.

"Kung may umaatikabong sex scenes 'yan, okeylang. Iba-iba naman kasi ang naipapagawa sa mga gaya naming artista. Dapatsigurong asahan 'yan, kasi, kami lang yung kokonting matatapang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aba, e, kung mawawala pa kami, puro wholesomena lang ang mapapanood! Hindi naman din dapat ganoon. Dapat ay may choices dinang mga manonood," sabi ni Coco habang natatawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN