ABS-CBN issues official statement to clear reported rift between Claudine Barretto and Angel Locsin

Claudine Barretto (left) and Angel Locsin met each other in a meeting called by ABS-CBN to settle their reported rift. "Natapos ng maganda at positibo ang meeting at naniniwalaang mga nakasaksi na ito ang magiging simula ng pagkakaibigan ng dalawa.Naniniwala ang ABS-CBN sa maayos na dayalogo at paglilinaw ng mga issues sa mgatalent ng kumpanya," states ABS-CBN in an official statement sent to the media.



Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nginilabas na official statement ng ABS-CBN tungkol sa naganap na insidente sapagitan ng mga contract artists nitong sina Claudine Barretto at Angel Locsin.Ang paglabas na official statement na ito ay bunsod na rin ng mga usap-usapansa kung ano talaga ang naganap sa pagkikita nina Claudine at Angel sa isangsalon.

Bagamat walang nais magsalita sino man kina Claudine at Angel, hindi rin napigilan ng kani-kanilang kampo ang magpahayag ng kanilangsaloobin sa pangyayari. Sa parte ni Claudine ay unang nagsalita angnakatatandang kapatid niya na si Gretchen Barretto samantalang sa kampo naman niAngel ay nagsalita ang kanyang manager na si Becky Aguila. As expected,ipinagtanggol ng magkabilang kampo ang kanilang kaanak at alaga.

Narito ang nilalaman ng official statement na inilabas ngABS-CBN:

"Marami na ang nasabi tungkol sa pagkikita nina Ms.Claudine Barretto at Ms. Angel Locsin nung July 4, 2008.

"Dahil dito, nagkaroon na ng meeting noong Miyerkyules,July 23, sa pagitan nina Claudine at Angel kasama ang ilang ABS-CBN executivesna sina Ms. Malou Santos, Ms. Cory Vidanes, Mr. Roxy Liquigan, Ms. MarioleAlberto ng Star Magic, ang manager ni Angel na si Ms. Becky Aguila, si Mr.Raymart Santiago [mister ni Claudine], at ilan pang malalapit sa kanila.

"Sa naganap na pagkikita noong July 4, nagkausap sinaClaudine at Angel tungkol sa ilang mga isyu na sa kasamaang palad ay napalakiat naging eksaherado base sa kuwento ng ibang kampo.

"Sa naganap na meeting, nilinaw ang mga isyung ito, kinilalaat naintindihan ang nararamdaman at emosyon ng bawat isa. Naging malinaw anglahat at nagkaroon ng kapatwaran.

"Natapos ng maganda at positibo ang meeting at naniniwalaang mga nakasaksi na ito ang magiging simula ng pagkakaibigan ng dalawa.Naniniwala ang ABS-CBN sa maayos na dayalogo at paglilinaw ng mga issues sa mgatalent ng kumpanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN