Dingdong Dantes's hard work to attain great form pays off at "Blackout"

"I want to make the most out of the momentbecause I want to work so hard for it. Alam ko na importante ito para sa akinat gayundin sa mga tao sa Bench dahil napakalaking produksiyon ito atnagpapasalamat nga ako na isinama nila ako rito," says Dingdong Dantes about joining Bench's Blackout.



Nagbunga ng maganda ang lahat ng hard work ng Bench Bodymodel na si Dingdong Dantes dahil sa napakagandang response ng halos lahat ng nanood ng Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show saAraneta Coliseum kagabi, July 25.

Paglabas pa lamang ni Dingdong sa stage para rumampa, kungsaan nakasuot pa siya ng pants at topless sa umpisa, dinig na dinig nasiya ang nakatanggap ng pinakamasigabong palakpakan at pinakamalakas nahiyawan mula sa mga manonood. Lalo pang lumakas ang hiyawan nang ibaba niya angkanyang pantalon hanggang sa matira na lang ang brief niya.

Nakangiti si Dingdong at halatang masaya sa naging outcomeng kanyang pagrampa nang magpaunlak ito ng interview sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) at iba pang entertainment press pagkatapos ng event sa loobmismo ng the Big Dome.

"Actually, wala akong naririnig, e, dahil focus ako namalakad ko nang diretso ang rampa after having a few shots of brandy parapampalakas ng loob!" natatawa niyang pag-amin. "Kasi ganoon ako sa isang bagaykapag gusto kong mag-concetrate talaga, to the point na nasusungitan ko minsanang lahat ng tao sa paligid ko. Pasensiya na po sa inyo, pero bukas hindi na."

Bukod sa magandang reception ng mga tao sa kanyang pagrampaat pagpapakita ng magandang katawan, obviously ay maganda rin daw ang exposurena ibinigay sa kanya sa naturang fashion show ng Bench. Sa finale kasi kung saan lahat ng mgacelebrity models ng Bench ay sama-samang lumabas, isa si Dingdong sa hulinglumabas bago ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez and, ofcourse, Bench owner Mr. Ben Chan. Pero si Dingdong na mismo ang nagsabing hindiraw niya iniisip yun.

"Sa akin lang, I want to make the most out of the momentbecause I want to work so hard for it. Alam ko na importante ito para sa akinat gayundin sa mga tao sa Bench dahil napakalaking produksiyon ito atnagpapasalamat nga ako na isinama nila ako rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tamang-tama lang, they gave me the opportunity at ginawa kolang kung ano ang nararapat. At the same time, wala rin naman akong idea kungano ang sa iba. Ang sa akin lang, yun lang ang mahalaga para sa akin,"pahayag ng young actor.

Nakapagbigay rin daw ng lakas ng loob sa kanya ang makitaang mga kaibigan at pamilya niya na sumusuporta sa kanya, maging ang girlfriendna si Karylle na naroron kagabi para panoorin siya.

"Yes, yes, ‘yang si Karylle, ‘yan ang isa sa mga best criticko kaya nagpapasalamat naman ako na nagustuhan niya," sabi ni Dingdong."Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko na nagpunta rito, yung ibapinuntahan pa ako sa stage para bigyan ako ng lakas ng loob. That makesthis event more memorable because of them, also my cousins. Napakaramingang nanghihingi ng tickets, pero hindi ko na nabigyan lahat dahil limitedmasyado, kaya pasensiya na po yung iba."

Hindi ba niya inaasahang manonood ang leading lady niya saDyesebel na si Marian Rivera?

"Well, ang alam ko, pagod na pagod na siya ngayon. Yun angalam ko kaya't hindi na siya makakarating. Galing kasi siya sa taping kayahindi na talaga niya kakayanin pa," paliwanag ni Dingdong.

Obvious ang pagpapaganda ng katawan ni Dingdong. Makikitatalaga ang laki ng pagkakaiba ng kanyang katawan nang nakausap siya ng PEP lastweek at sinabi nga niyang magsisimula na siyang mag-prepare for Blackout.

Anu-ano ang mga preparation na ginawa niya?

"Inayos ko lang ang pagkain ko, mas healthy. Jogging atkahit noong nasa Amerika kami, nakapag-jogging din ako kahit paano. Pero yungpagkain doon, hindi ko maiwasan, napakasarap! Kapag kinain mo, ang laki ngserving, so challenge sa akin yun. Kaya pagkatapos ngayong gabi, medyopapataba naman ako ng konti."

Hindi rin daw totoo na days before the event ay muntik nasiyang mag-backout for some reason.

"Hindi, e," tanggi niya. "Kasi ako, kapag may commitment akosa isang bagay, natutuloy at natutuloy talaga ‘yan no matter what. Hindi ako yungnagba-backout at the last minute. So, kahit ano pa ang status, kahit ano pa anglagay, basta ako, ready'ng-ready."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago siya um-exit sa unang pagrampa niya, sa pinakamalayongpart ng stage ay hinubad niya ang suot niyang pants kung kaya't saglit aynakitang naka-brief lang siya. Yun ba ang pinaka-highlight ng Blackout?

"Hindi siya highlight, " saad ni Dingdong. "That's just partof it. It's part of the show. At maraming salamat sa challenge na ibinigay nilasa akin."

Click here for more photos from Blackout.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN