Bench owner Ben Chan shrugs off intrigue about favoritism in "Blackout"

"All of them had their moment. So, there's nothing that youcan...walang favoritism, nothing like that. So far, all of them naman are verycooperative," says Bench owner Mr. Ben Chan about giving equal exposure to celebrity endorsers.

More photos.



Every two years lang kung idaos ng Bench ang inaabangangdenim and underwear fashion show ng naturang clothing line sa AranetaColiseum. Tulad na nga lang ng Blackoutna ginanap last Friday night, July 25, sa Araneta Coliseum, kung saan halos lahat yata ngtaga-industriya ay nagnais na mapanood ang naturang event.

Marami pa rin ang gustong makapanood in and outside showbiz,pero limitado ang mga tickets at talagang wala rin namang mabibili dahil magingsa mga Bench outlet ay halos nagkaubusan na.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angmay-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan ilang minuto bago magsimula ang Blackout.Siyempre pa, larawan ng kasiyahan si Mr. Chan dahil sa tagumpay na naman ngBench denim and underwear fashion show.

"Siyempre, pasasalamat ko ‘yan sa mga supporters ko, sa mgaimage models namin. Without them, I'm sure half of this [AranetaColiseum] will be empty. So, I'm really happy that they are supportingBench."

Aniya, maging siya raw ay excited sa mapapanood sa gabing‘yon.

"Sa totoo lang, pati ako excited, e," pag-amin niya."Napanood ko rin kasi yung ibang rehearsals nila and as a matter of fact, Imyself supervised it to make sure that everything is okay."

Every two years lang daw talaga ang Bench underwear show, soang susunod na Bench fashion show ay sa 2010 na. Ayon kay Mr. Chan, siguradoraw na matutuloy pa yun and that they have to sustain it dahil naumpisahan nanilang every two years ang pagdadaos nito.

Tinanong din ng PEP si Ben Chan kung bakit "blackout" angnaisipan nilang theme sa ika-apat na pagdaraos ng fashion show ng Bench?

"We really thought of blackout kasi, you know, when thelight is off, that actually starts... so don't miss that," natatawang pagbibigayclue pa niya sa amin.

Hindi na namin halos nabilang ang celebrity models narumampa kagabi sa Araneta Coliseum. Wala pa rito ang iba pang Bench endorsersna hindi rumampa. So, we asked Mr. Chan kung paano ang ginawa nilang exposureng bawat isa. Hindi kaya pagsimulan na naman ito ng intriga among their celebrityendorsers?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All of them had their moment. So, there's nothing that youcan...walang favoritism, nothing like that. So far, all of them naman are verycooperative," sabi ni Mr. Chan.

Walang duda rin na isang bagay kung bakit masarap dinpanoorin at kaabang-abang ang Bench denim and underwear fashion show ay dahilito lang yata ang event na napagsasama ang halos lahat ng malalaking pangalanng magkalabang networks dahil ang celebrity endorsers ng Bench ay parehonggaling sa ABS-CBN at GMA-7.

"I guess they both love me!" ang masaya at natatawa lang naone-liner ni Mr. Chan.

More photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN