Judy Ann Santos spearheads Canister Drive for Aeta kids

"Special sila saakin mainly because nakatrabaho ko na rin ang ilan sa kanila. Remember na nagkaroon ako ng soap drama noong bata ako na Ula? Mgakatrabaho ko that time ay mga Aeta talaga. So, nakita ko na ang way of livingnila. Hindi madali at very self-sufficient sila sa paghanap ng pagkain, tubig,at pag-alaga ng pamilya nila," says Judy Ann Santos about the Aeta children.



Bilang patunay namay ginintuang puso si Judy Ann Santos, hindi niya nakakalimutan na mag-shareng kanyang blessings sa mga alam niyang kailangan ng tulong.

Kabilang sa mganabibiyayaan ng tulong ni Juday ay ang ilang bata at ang kanilang pamilya saisang Aeta community sa Zambales. Juday's charitable deed is made possible viaTouch A Heart Foundation na limang taon nang nagbibigay ng serbisyo sa ilangkomunidad tulad nga ng mga Aetas.

Kuwento ni Juday sa PEP (PhilippineEntertainment Portal), nagsimula ang kanyang pag-share ng blessings five yearsago nang mag-alay siya ng community service sa mga special children sa ElsieGaches Village sa Alabang, Muntinlupa at ilang out-of-school youth sa Tondoarea.

"Noon pa naman, batapa lang ako, gusto ko nang maka-extend ng tulong sa ibang tao. Kasi nga artistana tayo noon, kung saan-saan ako nakakarating na lugar. Siyempre, naoobserbahanko ang iba't ibang mga tao. Karamihan sa kanila ay kailangan ng tulong talaga.Kaya ipinangako ko sa sarili ko nakapag dumating ang time na maganda na ang estado ko sa buhay, ang pagtulong sakapwa ang gagawin ko.

"At nangyari na nga,pero paunti-unti. Nagsimula kami sa mga special children nga sa Elsie Gaches.Nagbigay kami ng mga pagkain, gamut, at ilang mga regalo para matuwa naman silasa pagpunta namin. ‘Tapos sumunod ang mga bata sa Tondo area hanggang samag-reach out na kami sa Aeta community in Zambales."

Espesyal para kayJuday ang Aeta community na tulungan dahil alam niyang mas kailangan nila ngmaraming tulong since sa malalayong lugar sila nakatira at kapos sila sa basicnecessities at umaasa lang talaga sila sa donasyon ng ibang tao.

"Special sila saakin mainly because nakatrabaho ko na rin ang ilan sa kanila," sabi ng youngsuperstar. "Remember na nagkaroon ako ng soap drama noong bata ako na Ula? Mgakatrabaho ko that time ay mga Aeta talaga. So, nakita ko na ang way of livingnila. Hindi madali at very self-sufficient sila sa paghanap ng pagkain, tubig,at pag-alaga ng pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sila angnaramdaman ko na kapag binigyan mo sila ng tulong, maa-appreciate nila nanghusto. As in, makikita ko sa mga mukha nila na masayang-masaya sila dahilnaaalala mo sila. Kaya kami sa Touch A Heart, we try our best na buwan-buwan aymapadalhan namin sila ng tulong. Kahit na manggaling pa ito sa sarili kongbulsa."

In-extend ni Judayang kanyang Touch A Heart Foundation sa pamamagitan ng pagkakaroon ng CanisterDrive sa Tutuban Mall sa Manila kahapon, July25. Nagpamigay si Juday ng 1,000 canisters sa stalls ng Tutuban Mall paramapunuan ng mga loose change na siyang kukulektahin para makalikom ng fundspara sa mga tinutulungan ng foundation.

"Malaki angpasasalamat ko sa Tutuban Mall dahil hindi sila huminde sa request namin parasa pet project namin na ito. Sila lang talaga ‘yung nagbigay ng sagot sa aminna interesado silang tumulong sa amin. Kaya naman natuwa kami because masmarami nang mga tao ang tutulong sa mga proyekto namin.

"Ang maiipon namingmga barya mula sa Canister Drive ang ipambibili namin ng mga damit, gamot,pagkain at pangpondo namin sa magiging scholarship grants ko sa ilang bata saAeta community. Mahalaga ang edukasyon at gusto kong makatulong sa pag-aaral ngmga batang gustong mag-aral talaga."

Bilang ganti niJuday sa magandang gesture ng Tutuban Mall, pumayag si Juday na suportahan angmagaganap na Mr. & Ms. Tutuban Mall via her foundation. Isa rin si Juday sauupo sa panel of judges.

"Iyon naman angpangako ko sa VP for sales and marketing ng Tutuban Mall na si Mr. DingEspiritu. In exchange sa tulong na binigay nila sa amin, susuportahan ng TouchA Heart ang contest nila na magaganap on November 30. Yung winners ay parangmagiging spokesmodel para sa foundation namin."

For more details onMr. & Ms. Tutuban Philippines Mall Contest, log on to www.mmtutubanphils.com.Or call Tribe Hauz at 384-4484 or e-mail application and pictures to tribehauz@yahoo.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN