Sharon Cuneta says only daughter KC Concepcion has the right to revive her songs and movies

"Siya [KC Concepcion] lang ang may karapatan. Selfish ako ‘pag para sa 'kin! Songs ko,movies ko, siya lang ang may karapatan. Kasi lahat ‘yon, bahagi ngimportant moments in my life," declares Megastar Sharon Cuneta about reviving her songs and remaking her old films.



New look angMegastar na si Sharon Cuneta nang pumasok sa Ruby Ballroom ng Crowne Plazakahapon, July 25, para sa presscon ng kanyang Megathirty concert. Gaganapin anganniversary concert ni Sharon sa Araneta Coliseum sa August 8, kung saaniti-trace ang mga kaganapan sa buhay niya in 30 years magmula nang pumasok siyasa showbiz.

Isa sa ups ng buhayni Sharon for 30 years ay ang pagkakaroon ng anak na tulad ni KC Concepcion. Isa raw itosa ipinagmamalaki niya kahit kanino. Kuwento pa ng Megastar, "verytouching" ang duet na gagawin nila ng anak sa concert niya.

Sinagot din ni Sharon ang lahat ngtanong tungkol sa kanyang 23-year-old daughter na pinasok na rin ang showbiz.Isa sa itinanong sa kanya ay kung ano ang ibibigay niyang rating kay KC as arecording artist. Ang debut album ni KC na a.K.a. Cassandra mula sa SonyBMG aynasa top sales ng Odyssey Records, ayon sa reports.

"Eleven?" sagotni Sharon. "Her whole album, siya mismo ang nag-conceptualize; kahit ang musicvideo, siya ang nag-shoot noon. Siya rin ang namili ng lahat ng songs.She's very, very creative, innovative, and very talented. I think nakuhaniya iyon on her papa's [Gabby Concepcion] side. Her greatgrandfather is an Arellano. She gets her artistic side from that side, Iguess. The musicality and everything else, it's on my side," atnapahalakhak si Sharon.

"No, butreally, she's artistic, much more talented than I am," pahabol niya.

Marami nangnagre-revive ng mga awiting pinasikat ni Sharon. Alin sa mga ito ang gustoniyang i-revive ni KC sa mga susunod nitong album?

"Lahat!"bulalas niya. "Siya lang ang may karapatan. Selfish ako ‘pag para sa 'kin! Songs ko, movies ko, siya lang ang may karapatan. Kasi lahat ‘yon, bahagi ngimportant moments in my life.

"The early parts ofmy life, kahit bugbog ako, emotional and kahit financially, when the marriage[with Gabby] broke up, it was just really me and KC. Siya ‘yong without herconsent, without her knowledge even. Parang she was just born into a celebrityparent. She had no choice, and it was a tough time, a hard time for me tobalance things for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang she wasdragged into all the gulo," this time medyo seryoso na si Sharon. "You know when youseparate, people think you know exactly what's happening. At mali lang angiba na if you just keep quiet, it doesn't mean it's a yes. Kung disente ka,ayaw mo naman nung washing your dirty linen in the public. Hanggang ngayonnaman wala pang nakakaalam kung ano talaga ang dahilan ng paghihiwalay naming[ni Gabby], at kung may pagkakamali man akong nagawa sa pag-aasawa ko nangmaaga, napakaganda naman ng ibinigay niyang anak sa akin."

SHARON IN FAVOR OF RICHARD FOR KC. Tinanong na rin si Sharonkung payag ba siyang maging boyfriend ni KC si Richard Gutierrez, na katambalngayon ng anak sa first movie nilang For The First Time ng Star Cinema?

"Oh, yes, heimpresses me," mabilis na sagot ni Sharon. "He's very decent. I always adorenaman Tito Eddie [Gutierrez] and Tita Annabelle [Rama] dahil maganda nilangnapalaki ang mga anak nila.

"Basta ako, kungsinuman ang makapagpapaligaya sa anak ko, kung sino ang magmamahal talaga nanghusto sa kanya at mamahalin din ng anak ko, hindi ako tututol. She became23 naman na wala akong naging problema sa kanya, walang negative na bagaysiyang nagawa. Hindi siya nasasangkot sa iskandalo, no drugs, hindinaglalasing... Oh, yes, minsan she drinks, social drinking, kapag may socialfunctions na kasama kami ni Kiko [Sen. Kiko Pangilinan, Sharon's husband]. And most of all, talagangtinapos muna niya ang college niya bago siya pumasok sa showbiz," very proud nasabi ni Sharontungkol sa panganay na anak.

Paano kung isangaraw, sabihin ni KC sa kanya na "Mommy, buntis ako?"

"Okay lang,pero siguro sasabihin ko sa kanya, naging 23 years old ka na, bakit ngayonlang?" napahalakhak si Sharon.

"Ako naman,ibinigay ko lang sa kanya ang lahat ng ikagaganda ng buhay niya in the future.Kaya kung mabuntis siya, wala na akong magagawa. But no, I think hindiniya gagawin ‘yon. Minsan nga na magkausap kami, sinabi niya sa akin, ‘I'mnot so sure I'm the marrying kind.' Pero siguro dahil marami pa siyang gustonggawin, marami siyang commitments kaya wala pa sa isip niya ang mag-asawa agadkung may boyfriend na siya, na wala pa naman siyang sinasabi sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me, siguro,i-enjoy muna niya ngayon ang pagiging single and I'm praying na bigyan siya ngisang partner na mahal na mahal siya at mamahalin din niya. I want her toend with the real love of her life," saad ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN