Karylle shocked by the impact of Dingdong's exposure in "Blackout"

"I'm proud of theshow because it was done in good taste and I'm proud of Dong because he reallyworked out for this show. Nakakatuwa naman that the whole Araneta Coliseumreally cheered for Dong. I am so happy for him talaga," says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes after Blackout.



Hindi mawala angngiti sa mga labi ng girlfriend ni Dingdong Dantes na si Karylle nang makausapsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) right after ng pagpapakitang-gilasni Dingdong sa Blackout: The Bench Denim and Underwear Fashion Show lastJuly 25 sa Araneta Coliseum.

"I was shockedtalaga! Hindi ko alam na ganito ang magiging impact ng pagsampa ni Dong sastage," masayang sabi ni Karylle.

"I was here din saBig Dome during his rehearsal and I've seen him work out talaga to look hisbest. Alam ko na ninenerbiyos siya but I told him na relax and have fun. It'shis first time to do it kaya kailangan memorable ang lahat ng gagawin niyangayong gabi."

Hindi rin dawmatanggal ni Karylle ang kanyang titig kay Dingdong, lalo na noong tanggalin nang boyfriend niya ang mga bling-bling sa leeg para makita ang magandang hubogng katawan niya, lalo na nang alisin ni Dong ang kanyang jeans.

"I'm proud of theshow because it was done in good taste and I'm proud of Dong because he reallyworked out for this show. Nakakatuwa naman that the whole Araneta Coliseumreally cheered for Dong. I am so happy for him talaga," saad ni Karylle.

Nag-celebrate sinaDingdong at Karylle after ng show sa Big Dome. Wala naman daw kasingafter-party kaya kasama na lang daw nila ang ibang mga kaibigan nilang nanood.

"Ecstatic pa kasi siDong sa nangyari kaya we want to celebrate. Ilang weeks din siyang on a diet kayafeeling ko kakain siya ng marami tonight! Okey lang naman kasi reward na niya ‘yan for himself for working sohard para sa show na ito. He deserves to give himself a break tonight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN