Lani Mercado has no more problems with Ruffa Gutierrez and Gretchen Barretto

Actress-TV host Lani Mercado clarifies issues involving Ruffa Gutierrez and Gretchen Barretto. The wife of actor-politician Bong Revilla says that she has resolved her conflicts with them.



Usap-usapan ang hindi pagdating ng aktres na si Lani Mercadosa The Buzz last Sunday, July 20, kasama ang kanyang mister na si Senator BongRevilla para personal na batiin ang co-host ng programa na si Cristy Fermin sakanyang birthday celebration.

Iniintriga kasi na kaya hindi pumunta sa The Buzz si Lani ay dahil iniiwasanniya ang isa pang co-host na si Ruffa Gutierrez. Matatandaan na nagkaroon ngisyu sina Lani at Ruffa dahil sa pang-iisnab diumano ng misis ni Bong sa datingbeauty titlist sa isang birthday party.

Nagpaliwanag naman si Lani rito nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Cristy sa Metro Barnoong July 22.

"Hindi, kasi ang dinig namin sa phone, ang special guestsni ‘Nay Cristy, si Willie [Revillame] na lang at saka si Bong. So, hindi na akokasama. I took advantage of the time to fix Inah's [Lani's daughter] babyshower na magaganap sa Sabado [July 26]. ‘Tapos, all of a sudden, Bong calledme nung mga five o'clock in the afternoon kasi ipo-phone patch ako. Sabi ko,‘Ano'ng nangyari?' Akala ko hindi na ako kasama, e. ‘Hindi, hindi. Kailangan kapala.' ‘Tapos tawa siya nang tawa," paliwanag ni Lani.

If ever ba ay handa naman siyang makipagkita kay Ruffa saThe Buzz?

"I was ready," sagot ni Lani. "Actually, nagte-text na ngaako. Nagpaayos na ako ng buhok ko. Nag-text na ako kay Miss Nancy [Yabut,executive producer ng The Buzz] kung anong call time namin. ‘Tapos we find out,sabi ni Bong, ‘O, huwag na raw.' Ang guest daw talaga si Willie at si Bong. So,yun ang pagkakaintindi naming pareho ni Bong."

Wala na ba silang problema ni Ruffa?

"Wala naman," sabi ni Lani. "Nagbati na kami ni Ruffa noongburol ni Daboy [Rudy Fernandez]. Wala namang kaso. Ang sabi ko pa nga noon,ayaw ni Daboy ang nag-aaway."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PROBLEM WITH GRETCHEN. Nagpang-abot din si Lani at si Gretchen Barretto sa birthdayparty ni Cristy. Nagkaroon naman ng kaugnayan noon si Gretchen sa mister niLani na si Bong.

"Oo, nandito siya ngayon. Kausap ko siya nung burol niDaboy. Wala namang problema. Nag-usap na kami noon. Yun nga lang, hindimatagal. Kasi marami rin namang tao doon," lahad ni Lani.

Bumati ba sa kanya si Gretchen?

"Wala pa. Napadaan lang."

Wala bang problema sa kanya kung mag-besohan sina Bong atGretchen?

"Wala namang problema. E, di mag-smile."

Biro namin, baka "kindat-kindatan" ni Gretchen si Bong?

"Pagmasdan mo!" tawa niya.

Hindi ba siya nag-alala na baka kindatan din ni Bong siGretchen?

"Bahala na. Matatanda na tayong lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN