Jolo Revilla's heart still beats for Lovi Poe

"Siguro kailangan muna nating maghintay. Bata pa naman siLovi. I can wait," says Jolo Revilla about Lovi Poe. The two met at a birthday party, Jolo was with his mother, Lani Mercado.



Nagpang-abot sina Jolo Revilla at Lovi Poe sa birthday partyni Cristy Fermin noong July 22 sa Metro Bar sa West Avenue, Quezon City. Iyonang unang pagkakataon na parehong nandun sa isang showbiz affair sina Jolo atLovi. Pero hindi pa rin nagkaroon ng chance ang dalawa na makapag-usap.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayJolo, tinanong namin siya kung tumigil na ba siya sa kung anuman angnararamdaman niya para kay Lovi.

"Actually, tumitibok pa rin," ngiti ni Jolo.

Sila pa rin ba?

"We're good friends," maikling tugon ng binatang ama.

Ayon sa mga balita, hindi lang daw sila sila good friends niLovi. Takot lang ba si Jolo na umamin sa tunay nilang relasyon dahil sa ina niLovi na si Rowena Moran?

"Basta masasabi ko, malaki ang respeto ko sa mommy niya.Alam ko, walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanyang anak."

Ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Lovi ngayon?

"Siguro mas maganda kung sa kanya mismo manggaling."

May reports din na nakita silang magkasama ni Lovi saisang mall. Totoo ba ito?

Tumawa muna si Jolo bago sumagot. "No comment. Ah, bastamalaki ang respeto ko mommy niya."

Paano kung ayaw talaga sa kanya ng mommy ni Lovi, pipigilanba niya ang kanyang puso na magmahal?

"Siguro I can't do anything about it but wait, di ba?" sagotni Jolo.

Sa tingin ni Jolo, ano ang dahilan kung bakit ayaw sa kanyang mommy ni Lovi?

"Siguro para sa akin, kung anuman ako, di ba? Siyempre taolang din nagkakamali din. Pero hindi na mauulit yung pagkakamali na yun dahilnatutunan ko na yung mga pagkakamali ko," sabi ni Jolo, na ang tinutukoy ay angpagkakaroon niya ng anak sa pagka-binata sa murang edad.

Ano ang gagawin niya to prove his worth sa ina ni Lovi?

"Basta papatunayan ko na hindi ako ganun."

Takot na takot ba si Lovi sa mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, malaki rin ang respeto niya sa mommy niyadahil nanay niya ‘yon."

Wala rin daw planosi Jolo na ilihim ang relasyon nila ni Lovi para lang ipagpatuloy kung anumangrelasyon meron sila.

"Hindi, kasi para sa akin siguro, malaki ang respeto ko sananay."

Consistent naman si Jolo sa pagsasabi na handa niyangipaglaban ang pagmamahal niya kay Lovi.

"Sinasabi ko naman yun lagi."

Nag-react naman si Jolo sa comment na siya raw ang sisira sacareer ni Lovi.

"Bakit naman ako ang makakasira?" tanong niya. "Hindinaman. Siyempre natutunan ko na yung mga pagkakamali ko. Hindi ko na uulitin."

Ano ang assurance ang pwede niyang ibigay sa ina ni Lovipara mapayagan siya sa kanyang intensyon sa dalaga?

"Siguro kailangan muna nating maghintay. Bata pa naman siLovi. I can wait."

Hanggang kalian naman siya willing maghintay?

"Only time will tell. Only God knows. Kakayanin ko."

Anong meron si Lovi na kaya niyang maghintay ng ganunkatagal?

"Basta nakikita ko sa kanya yung nanay ko."

So, si Lovi yung tipo ng babaeng pakakasalan niya?

"Sa ngayon, masasabi ko, oo."

Magtatambal pa rin ba sila ni Lovi?

"Actually, hindi ko pa alam. Wala pang sinasabi sa akin.Pero si Nanay Lolit [Solis, Jolo's manager] naman ang kinakausap nila, e."

Paano kung hadlangan na ng mommy ni Lovi na magkasama silasa mga proyekto?

"Siguro hindi naman mapipigilan kung magkatrabaho kami."

Magseselos ba siya kapag itinambal na si Lovi sa ibangartistang lalaki?

"Siyempre work lang naman ‘yon ‘tsaka wala naman kamingrelationship," pagtatapos ni Jolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN