John "Sweet" Lapus wants to adopt a Caucasian baby

"Gusto ko kung mag-aampon ako, Caucasiansiya, ‘yong blue eyes, para kapag tinanong siya kung sino ang tatay niya,sasabihin niya si John Lapus!" says John "Sweet" Lapus.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angcomedian-TV host na si John "Sweet" Lapus sa taping ng GMA-7 primetime series na Ako Si Kim Samsoon saCanyon Woods, Alfonso, Batangas last Thursday, July 24. Pinansin namin naparang tumaba siya.

"True!" nakatawang sagot niSweet. "Kaloka nga dahil last February, nagpa-lipo ako, pero ngayonnag-gain na naman ako ng five pounds dahil lagi kaming sagana sa pagkain dito.Five times yata akong kumakain lalo na kapag inaabot ang taping namin ng 4a.m.

"Madalas din kasing nagdadala ng niluto niyang pagkain siRegine [Velasquez] at noong isang beses naman, nagpadala ‘yong boyfriend niNadine Samonte ng lechon. Hay naku, hindi ka talaga makakaiwas kumain! ‘Yongpuyat at pagod ko, dinadaan ko sa pagkain. Lately, sinasabayan ko si Ms.Carmi [Martin] sa pagkain dahil mapapahiya kang kumain ng marami kapag kasabaymo siya dahil konti-konti lang siya kumain. Kaya tingnan mo naman ang katawanniya, ang ganda-ganda pa rin."

HAPPY TO BE A KAPUSO. Biniro tuloy si Sweet kung saan ba mas masarap magtrabaho,sa GMA-7 o sa ABS-CBN. Siyempre pa ay ayaw niyang mag-comment.

"Ganito na lang, gusto ko ang ginagawa ng GMA Networkna concern sila sa mga artista nila," paliwanag ni Sweet. "Like,dahil ang taping namin straight ng Wednesday, Thursday, and Saturday, hindi nakami bumababa ng Manila. May hotel na kami rito, na siyempre to our advantagedahil less gastos sa gasolina.

"Ako nga, kung mayroon akong commitment sa Manila at bababaako after ng taping, umuubos ako ng three thousand pesos sagasolina. Tipid din kami ng energy namin dahil hindi kami mapapagod sapag-akyat at pagbaba ng Manila, kasi almost two hours din ang biyahe lalo nakung ma-traffic.

"Maganda rin ‘yong kahit one scene lang ang kukunan sa akin,same pa rin ang talent fee ko, plus pahinga pa ako. Kaya okey lang kung sasusunod na araw, mas marami naman akong eksenang gagawin. At ang isa pangmaganda sa pagte-taping namin dito, hindi kami pinapawisan dahil malamig lagiang panahon dito. Kahit umuulan, tuloy pa rin kami ng taping na ini-enjoy dinnamin, maliban na lang kung talagang buhos ang ulan, humihinto rin kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy ba siya sa Kapuso Network?

"Oo naman, and I'm very thankful. Sa ngayon,technically, inaayos ang new contract ko sa Showbiz Central," nakangitingwika ni Sweet. "Sa soap, per project ako at ang maganda pa,pinapayagan nila akong gumawa sa iba, like ‘yong weekend show namin simula saNovember hanggang February 2009, na produced ng ASAP Live, ang Rock The Boat:SONA (Spoof of the Nation Address). Makakasama ko sina Jon Santos, CandyPangilinan, Pooh, and Pokwang.

"Ngayon pa lang, I'm honored na ako ang ipadadala namansa October, para sa launch ng GMA Pinoy TV sa Australia. Hindi ko palamang alam kung sinu-sino ang makakasama ko. Pero usually raw ay isangcomedian, isang matinee idol at isang singer ang ipinadadala ng GMANetwork. As much as possible, ayaw nga akong payagan ng Showbiz Central nawala ng Sunday, pero since sa GMA Network pa rin namin ‘yong GMA Pinoy TV, silana bahala sa schedule."

ASKING TO BE PART OF A SHOW. May susunod na ba siyang project pagkatapos ng Ako Si KimSamsoon?

"Wala pa akong alam, pero sana may kasunod agadito. Hindi talaga ako nahiya sa mga kaibigan kong direktor dito na magsabikung puwede akong isama sa kanilang soap. Nagsimula ito sa Zaido kay Direk Dominic Zapata. Sabi ko sa kanya, bata pa ako ay pinapanood ko naang Shaider at kayang-kaya ko ‘yong role ng bading doon. Nag-sorry siDirek Dom sa akin dahil nalaman niyang nakausap na raw ng production si PaoloBallesteros, na tinanggap ko naman na mas ‘maganda' siya sa akin. Kahit saDyesebel, hiningi ko sana ‘yong role ni Teri Onor, pero nakuha na pala nila siTeri kaya okey lang.

"Kaya natuwa ako nang sabihin nilang kasama ako sa AkoSi Kim Samsoon na si Direk Dom din ang magdidirek. Nang mapanood ko ‘yongoriginal, na-touched ako nang malaman kong ‘yong role ko ay dati palang babaeang gumaganap pero ako ang pinili nilang gumanap. Plus, kasama ko pa angbest friend ko si Uge [Eugene Domingo] sa first soap din niya dito sa GMA-7, atsi Songbird [Regine] na ilang pelikula na rin kami nagkasama. Nalolokalang kami kay Songbird dahil kinakausap naman niya kami lagi kapag kaeksenaniya kami ni Uge, pero ‘pag nandoon na, hindi siya talaga makapigil tumawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginagawa ko ito dahil gusto ko namang makabili ngsarili kong maliit na lote na patatayuan ko ng sarili kong maliit na bahaydahil ako lamang naman ang titira doon. Ang mommy [Mrs. Salud Lapus] konaman ay may sarili nang bahay at lupa, kaya para sa akin naman ang iniisip kongayon. Somewhere pa rin in Quezon City kasi doon na ako nasanay tumira, kayalang, wala pa akong makitang medyo mura-murang lote," pagbabahagi ni Sweet.

ADOPTING A CHILD. Wala ba siyang balak mag-adopt ng baby?

"Puwede," aniya. "Gusto ko kung mag-aampon ako, Caucasiansiya, ‘yong blue eyes, para kapag tinanong siya kung sino ang tatay niya,sasabihin niya si John Lapus! Pero babae ang gusto kong ampunin, kasi ano baang ituturo ko kung lalaki ang aampunin ko? Mangyayari lang ‘yan kapagnatapos ko nang pag-aralin ang lima kong pamangkin. Nakapagtapos na ‘yongisa ng college sa deaf and mute school at ‘yong iba, nasa high school pasila."

Kung hindi ba siya nag-artista, ano kaya ang trabaho niyangayon?

"Siguro sa isang restaurant or hotel, kasi taposnaman ako ng HRM, o di kaya sa isang art department. Kaya lang, napasok naako sa teatro na sinimulan ko sa Teatro Tomasino, sa UST, kung saan akonagtapos ng college, at ‘yon nagtuluy-tuloy na ang pag-aartista ko," pagtataposni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN