Richard Gutierrez and KC Concepcion became closer in Greece

"Ang ganda-ganda! Isang arawnag-speedboat kami all around. Series of islands siya kaya kumuha kami ngspeedboat. Half-day umikot lang kami doon," narrates KC Concepcion about her island-hopping with Richard Gutierrez in Greece.



Umuwi na mula sa nine-day shoot nila sa Greece sina RichardGutierrez at KC Concepcion para sa first movie nila together, ang For The FirstTime ng Star Cinema.

"Eto, umitim kami nang bonggang-bongga. Sunog ang balat. Itwas nice. It was a fantasy island din. Maganda ang naging experience namindoon," kuwento ni KC sa Entertainemnt Live.

Unang pasalubong na rebelasyon nina KC at Richard angkakaibang closeness na nabuo sa kanila habang nasa Greece.

"Yeah, of course," pag-amin naman ni Richard. "We were ableto spend a lot of time together and in such a beautiful place, it's a paradise,maganda. Maganda ang na-share naming experience with each other and filming themovie together. It was just an amazing journey for us."

Sumunod na pasalubong na rebelasyon nina KC at Richard anghindi raw nila pinalampas ang chance na magkasama in one of the most romanticplaces in the world.

"In-enjoy talaga namin yung lugar, umiikot-ikot kami sabuong island, nag-rent kami ng mga ATV, 4X4. Umikot kami sa island, so na-enjoynamin yung first couple of days," kuwento ni Richard.

Ayon naman kay KC, "Ang ganda-ganda! Isang arawnag-speedboat kami all around. Series of islands siya kaya kumuha kami ngspeedboat. Half-day umikot lang kami doon."

At sa sobrang pagka-enjoy nga raw nila together, naintirgapang hindi na raw sinasagot ni Richard ang phone niya everytime tinatawagansiya ng mommy niyang si Annabelle Rama.

"Talaga?" gulat na sabi ni Richard.

"Nagtatrabaho kasi," singit naman ni KC.

Dagdag ni Richard, "Nagtatrabaho kasi kami dun so minsansiyempre, telepono ko talaga iniwan ko. Hindi ko nasasagot minsan, perotini-text ko naman siya. Nagwo-worry lang talaga yun. Normal lang yun."

"Hanggang text lang kami dun. Actually, hindi ako makatawagsa phone. Sa signal siguro," sabi naman ni KC.

Ano pa ang na-discover nila sa isa't isa habang nasa Greece?

"Mas maalaga si KC," sabi ni Richard.

"No boring moment," sabi naman ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas maalaga, mas maalaga ‘to," turo ni Richard kay KC.

"Asus!" reaksiyon naman ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN