Luis Manzano has no restrictions for rumored girlfriend Angel Locsin

"We never ano naman, we never confirmed or denied din anything din naman. Basta, you know, we have this good bond na it's not about the anniversary date, that's not anything else. Basta kumbaga, we have a bond. We don't need to go into details naman about what we have," says Luis Manzano about his relationship with Angel Locsin.


Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis Manzano tungkol sa isyung kinasasangkutan ng nababalitang girlfriend niya na si Angel Locsin at si Claudine Barretto. Noong Miyerkules, July 23, ay nagharap na sina Claudine at Angel sa conference room ng Star Cinema para linawin ang isyu sa pagitan nila. Kasama ni Claudine that time ang kanyang asawang si Raymart Santiago.

"I know, I know... Well, one siguro is they're married. That's one thing naman na Claudine and Raymart, they are married. Pero ayoko nang dugtungan ‘yon. Pero kumbaga, the whole time I knew what was happening na rin naman na... I mean sa kanya [Angel], I know what's happening naman."

Nagkita ba sila ni Angel pagkatapos ng paghaharap nila ni Claudine?

"I was taping Dyosa. Natapos na ako mga 5 a.m. na kanina [Thursday]."

RELATIONSHIP WITH ANGEL. Sa ngayon ba mas tumitindi na ang pagmamahal niya kay Angel?

"You know, kasi nakasama ko siya when I first met her sa States. Sa bahay ni Tito Al [Chua] sa L.A. ‘ata. ‘Tapos I was there for shows and she was there bago siya pumunta ng London. So from that day, yung bond namin na ‘yon na umalis siya ng ibang bansa and we would chat sa Internet, definitely, kung ano meron man kami, they developed na mula sa una naming pagkikita," lahad ni Luis.

Kailan ang anniversary nila ni Angel?

"Ng?"natatawang sagot na patanong din niya sa amin. "We never ano naman, we never confirmed or denied din anything din naman. Basta, you know, we have this good bond na it's not about the anniversary date, that's not anything else. Basta kumbaga, we have a bond. We don't need to go into details naman about what we have."

NO RESTRICTIONS. Hindi ba nagbibigay ng restrictions si Luis kay Angel sa mga ginagawa niya sa telebisyon at ngayong may pelikula ring ginagawa ang young actress with Piolo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I never had or will have a say sa trabaho niya. Di ba, trabaho niya ‘yon bago pa man kami naging malapit sa isa't isa," saad ni Luis.

Hindi sila nagse-set ng limitations para sa isa't isa?

"No, no, no. Artista siya bago ko siya nakilala. So definitely, hindi ko siya papakialaman sa ginagawa niya and she knows. Matalino si Angel. She knows right from wrong."

Hindi ba siya na-bother man lang ng matinding kissing scene ni Angel with Piolo sa ending ng Lobo?

"Sabi ko nga sa interviews, this may sound wrong pero kung ganun ako kababaw mag-isip, e, di sana ang sama na ng tingin ko sa mommy ko. E, kasi more than 30 guys na or at least na-kissing scene ni Mommy, di ba? Ilan na ang naka-kissing scene ni Mommy, di ba? Ilang bed scenes ang nagawa ni Mommy?"

Napanood ba niya ang mga movies ng mommy niya?

"Hindi, pero alam ko lang. Kung ganun ako ka-shallow mag-isip, e, di sana ang sama na ng tignin ko sa mommy ko?" rason ni Luis.

''NAKED" SCENE. Naghubad si Angel during her transformation sa teleserye nila ni Piolo Pascual na Lobo. Kakabugin ba ni Luis ang ginawa ni Angel sa Dyosa nila ni Anne Curtis?

"Nagawa ko na nga yun," ngiti ni Luis. "Hindi, actually sa Dyosa, meron nga akong isang ‘naked' scene...hindi naman naked pero exposure ‘yan. Kasi isa ako doon, may pagka-merman ako, e. So, may transformation."

Naghubad din siya?

"Well, basta they have to see it. Kumbaga, sa Cute Ng Ina Mo nga, nagpakita na ako ng puwet, e."

Biro namin, this time ba may frontal siya?

"We'll see. Hindi naman namin kailangan ng ratings, e!" tawa niya. "Masaya. I mean, based on the story naman na merman ako. So, may transformation. Wala pa akong nakikitang nagta-transform na may suot. Abangan natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-plaster ba siya?


"No," matipid na sagot ni Luis.


Paano siya napapayag?


"Basta panoorin na lang. Siyempre ano namin style namin ni Direk Wenn [Deramas] ‘yon. Even yung kung paano yung treatment na ginawa niya kay Anne. So, parang it's something to look forward to."


Kinunan daw ang transformation scene niya sa dagat.


"Ah, oo, sa beach talaga. Wala naman akong itinatago sa mga ganyan. ‘Tsaka hindi ano...basta. Si Direk Wenn naman hindi naman sasabihin, ‘O, maghubad ka. Lakad ka diyan.' Hindi, of course, iingatan niya talaga ang artista niya."

After ng eksena niya, ano ang ginawa niya?

"Kumuha ako agad ng tuwalya lang naman. Basta they have to see kung paano nila in-execute yung eksena."


DEFENDING SENATOR RECTO. Noong Huwebes ng umaga, July 24, lang nalaman ni Luis na in-appoint ang kanyang stepfather at dating senador na si Ralph Recto bilang bagong NEDA Chairman. Ito ang sinabi ng panganay na anak ni Batangas Governor Vilma Santos at OMB Chairman Edu Manzano sa PEP.

"May isa akong kaibigan na nag-text today. You know Tito Ralph, kasi siguro naipit lang siya sa bad publicity. Pero I'm sure he has a purpose. Yung pagktabo niya bilang congressman for how many terms, naging senator siya pero hindi nga lang na-reelect. Pero I believe sa napakita niya he has a purpose in this government," bungad ni Luis sa PEP bago siya pumunta sa taping nya for MYX.

Understandable naman daw kung papurihan man niya ang kanyang stepfather habang ang iba naman ay sinasabi na kabayaran yun kay ex-Senator Recto ng ginawa niyang utang na loob ng administrasyon ni President Gloria sa kanyang batas on E-VAT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"You know, in politics and in showbiz, there is no right thing. You can never do right, I think. Kahit gawin mo ang tama, may huhusga pa rin sa ‘yo," saad ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN