OMB Chairman Edu Manzano on Senator Bong Revilla: "Wala kaming problema."

"Magandang konsepto ang politika if it is sincere. Idon't believe sa concept of spending P100 million para manalo ‘tapos sasabihinmo gusto mong tumulong sa tao. E, gagastos ka ng P100M sa kampanya? E, diibigay ko na lang sa tao," says OMB Chairman Edu Manzano on whether he'll run again.



Dumating pareho sina Optical Media Board (OMB) Chairman Edu Manzano at Senator Bong Revilla sa birthday party ni Cristy Ferminnoong July 22. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Edu sataping ng kanyang game show sa ABS-CBN, ang Pilipinas, Game KNB?, sinabi niya na hindi raw sila nagkita ni Bong sa party.

"Actually, hindi ako nagtagal kasi I had to go to DaddyDolphy... Sorry I call him Daddy kasi kung meron isang tao na dapat natingma-appreciate at tularan pagdating sa pagiging makatao, it's Daddy Dolphy, yungkanyang people's skills. Nobody is perfect. I'm sure meron din siyang ilang mgabagay that we don't have to elaborate that he is not proud of. Pero ‘pagnakikita mo pagdating sa tao, I love the way he takes care of people," umpisani Edu.

Dahil kay Dolphy kaya siya umalis ng party ni Cristy?

"No, kulang kami sa Umagang Kay Ganda kaya hindi puwedengmag-absent. That's why umuwi agad ako. Makita ko lang, makabili ng libro, andbalik agad ako, I went home."

OPTICAL MEDIA LAW. Labis bang nasaktan si Edu noon sa mga sinabi sa kanya niBong tungkol sa performance niya bilang OMB Chairman?

"No, there's no problem with that," sabi ni Edu. "As amatter of fact now, we're going to be bring back to... Yung both houses kasi,well, gusto sana naming maamendahan yung batas, yung Optical Media Law. Kasikailangan nang baguhin, e, dahil dati-dati, hindi nagiging liable ang mga mallssa piracy. Ibig sabihin, yung mall kahit nagbebenta ng drugs, hindi mo... You cansay that, puwedeng magbenta sa malls ng drugs at ibang illegal na bagaysasabihin mo, ‘Hindi ko alam, e.' So, walang provision na ‘yan, e. Like yungQuiapo, wala na ‘yan, e. Dati yun ang mecca; ngayon hindi na. Bakit ka pupuntang Quiapo?

"Wala na rin ang Greenhills. Yung Virra Mall, sarado na. Butthere are pocket places now, e. Mga maliit na tindahan, may mga maliliit namall. Bakit ka babiyahe to Quiapo para bumili when you can find it inother places na madali lang parking, may aircon, hindi marumi, di ba? Hindirisky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ang problema naman, like yung piracy today, hindina yung bilog, e. Computer-internet downloading. Yun ang pinakabago. ‘Tsaka masmaganda ang kopya. Mas malinaw. So, why will you, bakit ka pa lalabas ng bahaymo? Puwede kang kumuha ng music, pwede kang kumuha ng pelikula sa computer. So,bakit ka pa magbabiyahe? Magta-taxi ka, magbu-bus, gagastos ka pa?" lahad niEdu.

Willing ba siyang makipagkasundo kay Bong?

"I don't have a problem naman, e. Wala kaming problema," maiklingtugon ni Edu.

IS EDU RUNNING IN 2010? May balita na tatakbo si Edu for senator sa 2010. Totoo baito?

"Magandang konsepto ang politika if it is sincere. Idon't believe sa concept of spending P100 million para manalo ‘tapos sasabihinmo gusto mong tumulong sa tao. E, gagastos ka ng P100M sa kampanya? E, diibigay ko na lang sa tao.

"I would rather na if possible, I don't mind working asa staff. I don't mind working as a researcher. Gusto ko pa rin sapolitika but I don't really have to be a candidate. Pero gusto ko makita talagathat everybody is working towards a common goal at hindi puro sariling intereslang."

Tuloy ba ang pagtakbo niya bilang senador sa 2010?

"No, it's not yung ano... Every election naman, diba, lagi nilang sinasabi, they always have yung kanilang surveys and meronsila yung gusto nila? Pero normal lang yun."

What about him?

"I never declared that I will run. I mean, sa dami ngproblema natin, magdedeklara pa ako?"

Ayaw ba niyang tumakbo sa 2010 election?

"No naman," sagot ni Edu. "Sinabi ko naman na, youknow, maganda sana kung... Ang naging problema lang naman natin dito, kasithere's too much partisan and politics. You know, maganda yung may mga criticalcollaboration. There will always be an opposition. Kahit anong bansa mayopposition and then also yung critical collaboration or yung pagtutulong. Buthopefully...I don't know."

Paano kung siya ang mapili ng kanyang partidong Lakas paramaging isa sa kandidato nila sa pagka-senador?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ganun kadali, e. But it is to be expectednaman, e. Kaya lang, ang problema yung kuwan, kailangan gumastos ka and Icannot... Hindi ko pa rin matanggap yung klase nga, kung magkano ang kailanganggastusin para lang manalo. I mean, ang dami kong natutulungan sa show na ito [Game KNB?]. So, if I really want tohelp, why would I spend?" rason ni Edu.

Kung sakaling tumakbo siya bilang senador, paano na angdalawang daily shows niya sa ABS-CBN?

"Ano, I will stop. I don't believe na you can serve twomasters. You know, you're elected to help provide a future for your electorate.I mean, you cannot serve two masters. Ako, masuwerte ako dahil hindinaapektuhan ang OMB kasi malapit lang dito and I'm there every morning pagkataposng UKG and I stay till one."

Pero kung may magbibigay ng pondo para tumakbo siyang bilangsenador, tatakbo ba siya?

"You know, nasanay na ako sa mga nagsasabi na maymagsu-support-support. Pero when the time comes, sometimes they are not there.Ilan na ang naipit doon? It's not just the ano, e... Ako lang, I value my vote,e. I will not vote for anybody kasi he's my kumpare. I will not vote foranybody because magkasama kami sa TV show. Ang pinag-uusapan dito angkinabukasan ng pamilya. You're talking about the future of your childrenand your grandchildren if you‘re lucky to have."

LET THE PEOPLE DECIDE. Ano naman ang masasabi niya sa balitang tatakbo si Bongbilang vice president sa 2010?

"It's a free country naman, e," maikli niyang tugon.

Sa tingin ba ni Edu ay qualified si Senator Bong to run as vicepresident?

"You know, the people should decide. That's why, I mean siJinggoy [Estrada], kahit saan ka magpunta, people say Jinggoy is hardworking,you know. He knows what he's doing, nag-aaral sa Senado. But even...nag-usap nakami ni Vilma [Santos, Edu's ex-wife] before. She, too, if ever she decides torun, she likes to go before the people and present her platform of government.Let the people decide."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May naririnig ba siyang feedback on how Senator Bong worksin the Senate?

"No, yung akin, in my circle because we talk about Erap[former President Joseph Estrada], so they talked about Jinggoy, that's why.Yung akin, I don't care who you are. Kahit driver ko, puwede namang tumakbongvice president, e, you know. I can run for President if I want. But see, I wantto make it easier for people to decide kung sino ang karapat-dapat. I willgo to the people and present your platform of government," pahayag ni Edu.

May balita rin na tatakbo ang dating asawa ni Edu atgovernor ng Batangas na si Vilma as vice president. Ano ang reaksiyon ni Edurito?

"I would ask her also. Ano ba ang plataporma mo? You know,right now, I look at somebody like, personal ko ‘to ha, it's my vote. I canvote for whoever I want. Hindi dahil kaibigan kita, kumpare kita, orkatrabaho kita. Me, I want to look at what's wrong with the Manny Pangilinansof PLDT? You know these are people who have been successful their wholelives. You know, why must it always be about politics? Why can't we bring atrue economist? A true businessman? Government should be run like a business, acorporation. Manny Pangilinan I think will make a great vice president,"tahasang sabi ni Edu.

EDU ON SON LUIS. Napunta naman ang usapin namin sa anak ni Edu na si LuisManzano. Ano ang masasabi niya na successful din ang kanyang anak tulad niya sacareer nito?

"You know, I stopped worrying Luis a long time ago. Tingnanmo siya, napaka-balanced na bata. Hindi na nga bata, he's already 28."

Handa na ba siyang magkaroon ng manugang ngayong may balitana sila na ni Angel Locsin?

"Hindi, kailangan kong magkaroon ng apo," sabi ni Edu.

Ayaw muna niyang mag-asawa si Luis?

"You know, masuwerte ang magulang na magkakaron ng anak nakatulad ni Luis, e. Because so far, he' s been making the right choices in hislife. So if ever he comes to that point where he says, ‘Dad, gusto kongipakilala ko kung sinuman ‘yon,' I know pinag-isipan niyang mabuti. Kasi verydeliberate ng batang ‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya ba si Angel na ang babaeng pakakasalan niLuis?

"I like the effect she has on him. I haven't seen them allthat much together. But when I do see them together, I like the effect that shehas on him."

QUIET LOVE LIFE. What about his own love life?

"It's quiet," diretsong sagot ni Edu.

Magkasama raw sila kamakailan sa U.S. ng nababalitanggirlfriend niya ngayon na si Pinky Webb?

"Ay, we... I had to to dahil nahulog ako dito [Pilipinas, GameKNB?] di ba? Lumusot ako sa step ng stage. But I have a history already.Naaksidente ako sa pelikula ni Bong Nung binangga ako ng motor atkinaladkad ako ng sasakyan, ‘tapos nahulog ako sa isang mataas na bodega. So,every time na nagkakaroon ako ng compression dito sa aking likuran, I have togo for a rehabilitation. So, I have a doctor who took care of me in the Statessa California. Mga ten days ako doon. Ang ginawa, I had rehab and then binigyanako ng programa na dito gagawin.

"Si Pinky's family is also in the States, e. May family siPinky doon and every year kung napapansin ninyo, the whole family all go to theStates, e."

Nauna raw siyang umalis papuntang U.S. kesa kay Pinky.Pero si Pinky ba ang nag-aalaga sa kanya ngayon?

"Hindi na kailangan, e. Actually ngayon, ayoko na ngmagulong buhay."

Naghahanap pa ba siya ng babaeng makakasama niya ngayon?

"No, not anymore," sagot ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN