Author Bibeth Orteza discovers Dolphy's greatness while writing his book

"Sana sa pamamagitan ng librong ito, malaman ng sambayanangPilipino kung sino talaga si Dolphy at kung ano talaga ang nagawa niya saPilipinas. Para sa akin, isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy kongikinararangal na isa akong Pilipino despite of the ups and downs ng atinglahi," says Bibeth Orteza about the autobiographical book of Comedy King Dolphy (in photo).


Sa mga panayam ng King of Comedy na si Dolphy, paulit-ulitniyang sinasabi ang pangalan ng anak na si Eric Quizon at ni Bibeth Orteza nasiya raw naghirap para maging posible ang libro niya, Dolphy, Hindi Ko ItoMararating Mag-isa.

Sa nakaraang book launching at 80th birthday celebration ngace comedian na ginawa sa NBC Tent, dumating ang mga kilala at malalapit na taokay Dolphy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayBibeth, na may-akda ng libro, sinabi niyang ang presence ni Mang Dolphy saindustriya ang isa sa dahilan kung bakit sa kabila ng mga problema at mgapinagdadaanan ng ating bansa ay ipinagmamalaki pa rin niya ang pagiging isangPilipino.

"Sana sa pamamamgitan ng librong ito, malaman ng sambayanangPilipino kung sino talaga si Dolphy at kung ano talaga ang nagawa niya saPilipinas. Para sa akin, isa siya sa mga dahilan kung bakit patuloy kongikinararangal na isa akong Pilipino despite of the ups and downs ng atinglahi," pahayag ni Bibeth.

Sa mga papuring tinanggap ng isinulat niyang libro, nagbiro pa sa amin siBibeth na sa sobrang saya niya sa mainit na pagtanggap dito, pakiramdam niya aytinubuan siya uli ng panibagong boobs pagkatapos itong alisin sa isangoperasyon. (Si Bibeth ay isang breast cancer survivor.)

"Sa dami ng mga pumunta at nakisaya sa amin ngayong gabi,natutuwa ako dahil ibig sabihin nito na maraming bibili ng libro, marami angmakakaalam ng kuwento ng buhay ni Tito Dolphy. Ang kuwento ng buhay niyaay kuwento rin ng buhay ng Maynila, nakaktuwa na maraming makakabasa."

Sa pagsusulat niya sa autobiography ng Comedy King, marami raw nadiskubre siBibeth na higit na nagpataas ng respeto at pagtingin niya sa hinahangaangkomedyante.

"May mga bagay na talagang consistent siya tulad ng huwagmanakit ng kapwa, ayaw niyang sabihin kung sino particular ang mga natulunganniya. Ayaw niya ring sabihin kung sinu-sino ang mga nakaniig niya kasi disiya kiss and tell, gentleman siya all throughout," pahayag ni Bibeth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN