Nursery room of Jennylyn Mercado's baby is now complete

"Halos kumpleto na po sa mga gamit, inilabas ko na rin sabox at saka lahat ‘yan, wala akong binili kahit isa. Lahat ‘yan, galing sa mgakaibigan ko, sa mga nagmamahal sa akin, sa mga tumutulong at sumusuporta saakin. Yung iba, galing sa Startalk," says Jennylyn Mercado about the nursery room of her coming baby.



Ilang araw bago isugod sa hospital ang young actress na siJennylyn Mercado dahil sa pre-term labor, nakausap muna siya ng Startalk. Saunang pagkakataon, ipinakita ni Jennylyn sa telebisyon ang magiging nursery ngkanyang baby boy. Sa ngayon, wala pa raw pangalan na naiisip si Jennylyn parasa kanyang baby.

Ayon kay Jen, hindi pa raw niya naiaayos nangmabuti ang kanyang nursery, pero halos kumpleto na raw sa gamit ang magiginganak.

"Halos kumpleto na po sa mga gamit, inilabas ko na rin sabox at saka lahat ‘yan, wala akong binili kahit isa. Lahat ‘yan, galing sa mgakaibigan ko, sa mga nagmamahal sa akin, sa mga tumutulong at sumusuporta saakin. Yung iba, galing sa StarTalk," banggit ng young actress.

Sa naturang baby room, kapansin-pansin na merong drum set,guitar, at iba pang musical instruments. Natatawang sabi ni Jennylyn, "Kapagmalaki-laki na siya, tuturuan ko na siyang mag-drum, mag-guitar, mag-violin."

Mukhang importante sa first-time mom na magkaroon ngdalawang crib ang kanyang baby.

"Kasi yung crib niya, dalawa. Isa sa kuwarto ni Mama [Mrs.Lydia Mercado] at isa sa kuwarto, rito. Kasi kapag gabi, doon siya sa kuwartoni Mama, lalo na kapag may trabaho ko. Kapag hapon or wala siyang ginagawa,dito siya sa room na ito."

Dagdag niya, "Yung stroller, yung isa, hindi pa langdumarating, pero kumpleto na...kumpleto na talaga. Wala na kong bibilhin talaga.Lahat ‘yan, galing sa mga kaibigan ko."

Kung gamit nga lang daw ang pag-uusapan, masasabinghandang-handa na si Jen sa kanyang panganganak.

"Meron na ring bags na naka-ready para sa baby at saka parasa akin. Anytime na manganak ako, diretso na sa hospital or dadalhin na lang."

Kung may ikinakatakot man daw si Jen ay ang posisyon ngkanyang anak kung saan naka-baligtad pa rin ito.

"Naku, baligtad pa rin, breech or suhi. Sana nga, umikot siya,e."

May message naman si Jennylyn sa kanyang mga tagahanga:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malapit na, malapit na malapit na ulit akong lumabas.‘Tapos, abangan nila ang unang labas ko, siyempre sa GMA pa rin. At saka sana tulungan n'yo akongmagdasal na safe yung magiging delivery ko at siyempre, yung baby rin."

Kung ang mga gamit at magiging room ng baby ay nakahanda na,siya kaya ay masasabing ready na rin?

"Minu-motivate ko na ang sarili ko na huwag kabahan, huwagmatakot. Huwag nerbiyusin masyado, kasi natatakot na ko," natatawang pag-aminni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN