Rhian Ramos admits considering boob job

"Yeah, I'mconsidering it, too. I'm also an actress, remember? Again, kung gagawin ko man'yan, I won't hide it. Sasabihin ko talaga sa press na nagpagawa ako ng boobs,o nagparetoke ako ng ilong. What's the point of hiding it? " says Rhian Ramos about breast augmentation.



Marami na angnaghihikayat sa young actress na si Rhian Ramos na sumali sa BinibiningPilipinas. She's honest enough to tell PEP (Philippine Entertainment Portal)that she's giving it a thought. In fact, kinausap na niya ang mother niyatungkol sa ideyang ito.

"Hindi niyagusto," nangingiting sabi ni Rhian. "When the right time comessiguro, since my mom doesn't like me to try modeling at first. Pero okay na rinsa kanya. Ganoon din sa pag-aartista ko, hindi niya talaga gusto, peropinayagan pa rin ako.

"My modellingstints really influenced me to try more exposures. Magandang preparation dinito for something more exciting, like joining a beauty contest perhaps. Let'ssee."

Binanggit namin kayRhian na iba na ang labanan sa international beauty pageants. Nearly allVenezuelan representatives sa Miss Universe ay laging nakakapuwesto dahil, sapagkakaalam namin, talagang nireretoke ang karamihan sa kanila.

Kailangan na rin sigurong lumaban sa ganitong punto ang Pilipinas. Kakayanin kaya ni Rhian ito kungsakali?

"There'snothing wrong with cosmetic surgery, and all that," palagay ni Rhian."But I won't go through scalpels just for the intention of joining abeauty contest. Kasi it defeats the purpose, na para bang sa parteng yun langako lalaban.

"But you know,iniisip ko rin magpa-augment ng boobs. Sa modeling, hindi naman ito big deal.Most models don't have overwhelming breasts, but if it's going to make me feeland look better, why not? Nasa akin naman yun, e.

"Yeah, I'mconsidering it, too. I'm also an actress, remember? Again, kung gagawin ko man'yan, I won't hide it. Sasabihin ko talaga sa press na nagpagawa ako ng boobs,o nagparetoke ako ng ilong. What's the point of hiding it? Kung tatanungin ako,kung totoong nagparetoke ako, kung totoo naman, ano ang masama doon para i-denyko pa?" pahayag ni Rhian.

As of now, wala patalagang definite plans for her to go through surgery. Ang gusto lang naman niRhian, ma-enhance pa nang husto ang personality niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi namankasali roon yung pagpapa-augment ng breasts, pero marami rin kasi angnag-e-encourage sa akin. Kaya minsan, pinag-iisipan ko. Pero sa ngayon, dahilmarami akong ginagawa, hindi masyadong pumapasok sa utak ko!" tawa ni Rhian.

ON RUFA MAE & MARK. Impluwensiya kayaito ni Rufa Mae Quinto na nakatrabaho niya sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust and LoveYou)? Hindi umaamin basta si Rufa Mae kung may ipinagawa man siya sakatawan niya, pero marami ang nakakapuna na well-maintained ang pigura nito.

"Oh, I can'tsay anything about that!" nakangiting pag-iwas ni Rhian. "Sabi konga, kahit na sino pa 'yan, even Rufa Mae, if they want to do it, why not? Kunggusto rin nilang i-deny, that's their life. Yung sa akin ay yung paniniwala kolang, na kung nagparetoke man ako, bakit ko itatago?

"I wouldrather comment sa working relationship namin ni P-chi [palayaw ni Rufa Mae].Napakasarap niyang kasama, lalo na sa cruise noong mag-shoot kami. Napakatotooniya. Kung ano yung nararamdaman niya, yun ang sinasabi niya, and she's alwaysfunny.

"I like her alot. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kaya she's the type na puwede ringmasabihan ng problema, na alam mong hindi basta ikakalat. Kung ano yung paralang sa magkakaibigan, she will definitely keep it," nasabi pa ni Rhian.

Sa I.T.A.L.Y. ngGMA Films, sina Rhian at Mark Herras ang magkapareha. Pero wala raw talagang kunganumang seryosong namamagitan sa kanila.

"Wala namankasi talaga," diin ni Rhian. "Ewan ko, nagki-click naman kami as friends.Masaya kami palagi 'pag magkasama. Hindi rin siya pumoporma sa akin. Wala lang.Mahina ang radar ko pagdating sa ganyan. I'd rather work and have fun, kaysaisipin kung manliligaw ba sa akin ang isang lalaki. Kaya siguro I don't have aproblem with that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN