Meryll Soriano welcomes dad Willie Revillame's new flame with open arms

"Sabi ng papa, ‘pag21 daw, lola na siya. Binata naman si Papa at kung di ka naman ganun ka-bagetsmag-isip, okey lang yun. According to papa, the girl is very proper daw, verydecent, and mabait daw talaga. Openarms naman ako lagi sa makakapagpasaya sa papa ko, never akong nakialam sa lovelife niya," says Meryll Soriano about her dad Willie Revillame's latest objectof affection Nadine.



Sa balitang lumabas na may bagong inspirasyon daw ngayon angWowowee host na si Willie Revillame sa katauhan ng 19-year-old CEUstudent na si Nadine, agad na inabangan ng publiko kung ano ang reaksyon niMeryll Soriano sa bagong kabanatang ito ng buhay ng ama.

Pagkatapos ng annulment ng kasal nila ni Liza Almoro, nagingmaingat na noon si Willie na mapaugnay sa sino mang babae na inili-link sakanya mapa-showbiz man ito o non-showbiz. Kaya nga laking-gulat ng mga nakakitasa kanya sa nakaraang Star Magic Ball nang rumampa si Willie kasama si Nadine. Hindi man diretsahang aminin ng TV host ay kitang-kitang may espesyal napagtingin sa kanya ang comedian-TV host.

HAPPY FOR PAPA. Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Meryll, inamin ni Meryll na di pa niya personal nanakikilala ang nababalitang bagong girlfriend ng ama, pero nagbitaw siya sa PEPng salita na inirerespeto niya ang desisyon ng ama at hindi siya hahadlangkahit kailan sa kung anuman ang makakapagpaligaya dito.

"Hindi ko pa nami-meet nang personal si Nadine, peronaikukuwento na siya sa akin ni Papa. Basta ako I'm happy lang na happy siya,kasi he deserves din naman na maging happy. I only wish for his happiness, sakabuhay ng Papa ko yun, nirerespeto ko kung anuman ang desisyon niya sa buhayniya. He worked hard, mag-isa lang siya sa buhay niya so he has to be happy.Ano pa ang dapat nating maramdaman but to be happy for him."

Sa malaking age gap nina Willie (in his late 40s) at niNadine, marami tuloy ang nag-iisip na baka hindi rin daw mag-work ang relasyonng dalawa. Bagay na agad namang tinutulan ni Meryll.

"Sabi ng papa, ‘pag 21 daw, lola na siya. Binata naman siPapa at kung di ka naman ganun ka-bagets mag-isip, okey lang yun.

"According to papa, the girl is very proper daw, verydecent, and mabait daw talaga. Openarms naman ako lagi sa makakapagpasaya sa papa ko, never akong nakialam sa lovelife niya. Kumbaga kanya-kanya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naghahanap din naman siya ng partner na mag-aalaga sa kanyasaka yung aalagaan din naman niya. Yung pantay lang sila na magbibigay ng sapatsa relasyon na yun."

WILLIE'S LAST WILL. Marami ang ginulat at nag-aalalanung mabalita na nagpagawa na raw ng last will and testament niya si Williekung saan kasabay ng balitang ito ay ang kumpirmadong problema sa puso ng TVhost kung saan inamin niya sa amin na may isang ugat siyang ‘di dinadaluyan ngdugo. Lumabas din na pinamamana pala ng TV host ang isang bahay niya sa QuezonCity kay Meryll.

"Regarding ‘yang heart ailment niya, di naminnapag-uusapan. Yun kasi ang lagi niyang sakit at ‘yung sa lalamunan niya sakasa tiyan, kasi nga di siya madalas nakakakain on time.

"Ayokong mag-worry kasi lahat naman tayo dapat may last willand testament, lalo na ‘pag marami kang properties. I guess ginawa niya yun parasigurado siya. You'll never know what's gonna happen."

NO SUPPORT FROM BERNARD. Nalalapit na ang 1stbirthday ng anak niya na si Elijah. Sa tanong namin kung may tulong bangino-offer si Bernard Palanca para sa nalalapit na kaarawan ng anak, ito angtapat na sagot sa amin ni Meryll.

"Wala pero kinukumusta naman niya si Elijah from time totime. Malapit na ang birthday ng baby ko, ang dami-dami ngang dapat gawin kasimabusisi nga ako. Mabusisi ako na as early as possible, dapat nagpe-prepare naako.

After giving birth to Elijah at unti-unting pagbababalik sashowbiz, kasali na rin si Meryll sa serye ng Dos na I Love Betty whereshe will play the role of Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN