Mickey Ferriols says she's secure with partner Archie Alemania

"At saka mas secure na nga kami sa isa't isa. Ako kasi,hindi ko sinasabing santo 'yang si Archie. Huwag lang siyang pahuhuli sa akin,kung nagloloko man siya, dahil gulo talaga 'yan. But, for as long as alam kongsa amin siya umuuwi, hindi niya pinababayaan ang obligasyon niya sa amin,walang magiging problema," says Mickey Ferriols about her live-in partner ArchieAlemania.



Hindi naman na-offend si Mickey Ferriols nang tanungin ngPEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit hindi pa nila kino-consider nglover niyang si Archie Alemania ang magpakasal. Two years and seven months na ang anak nilang si Brent, at baka nga masundan na rin ito.

Hindi pa naman daw siya buntis. Pero, tungkol sa marriage,palagay ni Mickey, makapaghihintay pa rin ito.

"Siya na mismo ang nagsabi sa akin, 'Hon, let's getmarried!' Music to my ears yun. Siyempre, bawat babae, nangangarap namagpakasal. Pero, aaminin ko, noong una, siyempre, hindi pa namin kaya, at hindipa kami talaga sigurado.

"Matagal-tagal na rin kaming nagsasama, at hindi konaman siya pine-pressure. Noong una, yeah, I was kind of insecure. Kasi, walapa ngang kasal. Pero, nakikita ko naman na wala na sa kanya yung stage naparang magloloko pa.

"Before, konting bagay lang, problema na sa amin.Ngayon, dedma na lang. Kasi, maliliit na bagay na lang yun na dapat aytinatanggap na namin dahil mahal namin ang isa't isa," sabi pa ni Mickey.

WEDDING IN 2010. By 2010, balak na nilang magpakasalni Archie. Bakit sa 2010 pa?

"Kasi, yung sister ko, nagpakasal last year, civilwedding. They're planning to have their church wedding next year. So, baleparang dalawang taon 'yan na may sukob on my part. So, we decided na sa 2010 nanamin gawin ang kasalan," paliwanag ng aktres.

Maganda pa rin si Mickey kung tutuusin, despite some addedpounds. Pero, accepted niyang puwede na siyang tumanggap ng mother roles.

"I see nothing wrong with that," sabi pa ni Mickey."Rito sa Dyosa, I play the role of Anne's mother, as MariangSinukuan.

"I must be proud to play Anne's mother dahil magandasiya. Siyempre, kailangang hawig o magkamukha kung mother and daughter anglabas namin, di ba" at natawa na lang si Mickey.

MICKEY WARNS. Positive ang attitude ni Anne dito.Kasi, hindi siya pinababayaan ng ABS-CBN. Talagang pagkatapos ng Kung FuKids, heto siya at may bagong fantaserye na namang kinabibilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy naman ako sa buhay ko. Wala kaming problema sapagsasama namin ni Archie. Wala na yung selos-selos na gaya dati. Dati kasi,maliit na bagay lang, pinapatulan namin. Nakatulong din yung lumalaki na anganak namin, kaya mas importante yung kapakanan niya kaysa yung magpapatol kamisa tsismis.

"At saka mas secure na nga kami sa isa't isa. Ako kasi,hindi ko sinasabing santo 'yang si Archie. Huwag lang siyang pahuhuli sa akin,kung nagloloko man siya, dahil gulo talaga 'yan. But, for as long as alam kongsa amin siya umuuwi, hindi niya pinababayaan ang obligasyon niya sa amin,walang magiging problema.

"Yun na ang nai-set kong patakaran. Huwag lang talagasiyang papahuli," at natawa si Mickey sa tila pagbabanta pa niya saposibleng pagloloko ni Archie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN