Maja Salvador clarifies Jon Avila is not courting her

"Wala naman po talagang ligawan. Wala po talaga... Yun nga pokasi ang lumalabas. Pero, bakit nga ba kay Jon lang ako naiintriga? E, sweetnaman po ako sa lahat, pare-pareho lang," clarifies Maja Salvador.


Back-to-back ang ginanap na press conference sa 9501Restaurant kagabi, July 28 para sa dalawang shows ng ABS-CBN, ang KapitanBoom at Varga. Back-to-back din kasi ang mapapanood saSabado sa pagtatapos ng Kapitan Boom at pagpasok naman ng bagongfantaserye na pagbibidahan ni Mariel Rodriguez, ang Varga.

EVERYONE'S HAPPY. Sa presscon nga para sa farewellepisode ng Kapitan Boom, present dito ang leading lady nina Jon Avila atJay-R Siaboc na si Maja Salvador. Siyempre pa, una nang itinanong sa kanyaay kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng mga isyu tungkol sa kanya at sadalawang leading men niya.

Aniya, "Naku, wala po, sawi pa rin po, pero masaya," nakangitiniyang pahayag sa press na naroon, kabilang ang PEP (Philippine EntertainmentPortal). "At saka, alam naman natin na masaya si Jay-R. Masaya rin naman siJon. Sa Kapitan Boom, siyempre po, nag-end-up ako sa kanilangdalawa dahil iisa lang naman po silang dalawa."

Naintriga naman ang entertainment press dahil sa sinabi niMaja na masaya si Jay-R. Tila kinumpirma na raw ni Maja na meron nganggirlfriend ang singer-actor? Kaya nang tanungin ng press tungkol dito si Jay-R,nakitanong na rin mismo si Maja at direkta ngang tinanong si Jay-R kung meronnga ba itong girlfriend.

Game namang sumagot si Jay-R, "Meron, oo!"

THE COURTING ENDS? Kay Jon naman, samantala, posiblekayang matapos na rin ang pagli-link sa kanila ni Maja ngayong matatapos na rinang Kapitan Boom? Balita kasing nanliligaw raw si Jon kay Maja habangkasagsagan ng Kapitan Boom.

"Wala naman po talagang ligawan. Wala po talaga... Yun nga pokasi ang lumalabas. Pero, bakit nga ba kay Jon lang ako naiintriga? E, sweetnaman po ako sa lahat, pare-pareho lang," nagtataka pang tanong ni Maja.

Bakit nga ba?

"Well, siguro po kasi, si Jon kasi, mahilig po kasi siyangmagbasa ng mga diyaryo. ‘Tapos, kinabukasan, sasabihin niya sa akin, ‘Uy,Maj, me lumabas sa atin sa diyaryo, sorry ha, naiintriga tayo.' Ako naman,natatawa lang sa kanya. Like, ano ka ba, okey lang yun, ganoon talaga..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Jon na isa si Maja sa mga crush nito. Kung sakalinga bang ligawan siya ng binata kahit tapos na ang series nila, magugustuhankaya niya ang binata?

"Tingnan na lang po natin kung manliligaw ngapo. Depende naman po kasi yun sa intensiyon ng lalaki. Siguro po siJon, gusto ko pa po siyang makilala as a person, hindi lang as Kapitan Boom."

WORKING RELATIONSHIP. Ayon kay Maja, kung maymami-miss man daw siya sa Kapitan Boom, ito ay ang working relationshipnilang lahat.

"Mami-miss ko pong talaga ang mga cast, staff.... Kapag hindipo kami nagte-take, sobrang kulitan kaming lahat, tawanan. Masaya potalaga. At saka, mamimiss ko rin katrabaho si Jay-R kasi, yung scenenaming dalawa, palaging ang kulit, para kaming aso't pusa."

On the other hand, marami ang nakapansin kay Maja nablooming siya lately, pero siya na mismo ang nagsabi na kung anuman ang reasonng sinasabing pagiging blooming niya, hindi raw ito 'sino' kundi 'ano'.

"Siguro po, masaya lang po ako ako dahil hindi akopinapabayaan ng ABS-CBN. Siyempre po, magaganda po ang ibinibigay nilangshows sa akin. So, siyempre po naman, kailangan ko po itong suklian din atmagpaganda pa po ako dapat," nakangiti niyang sabi.

NEW LOVE TEAM. Halatang ayaw pang-i-divulge ni Majakung ano ang bagong show na gagawin niya, pero siya na mismo angnagkumpirma na kahapon daw ay nag-story conference na sila for a newshow.

And from a PEP source, ito na nga raw ang napapabalitangfamily drama na pagbibidahan ni Maja at posibleng maglu-launch sabagong team-up nila ni Geoff Eigenmann.

Happy ba siya sa mga nangyayari sacareer niya?

"Opo naman! Dati, nag-start po ako, supporting lang poako. Yun nga po yung sinasabi ko na ang ABS, hindi po nila ko pinapabayaan.Kaya sobrang suwerte ko pong talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN