Rhian Ramos says sexy photos on the Net are from "Marimar" audition, not from Singapore pictorial

"I remember thosephotos na. Kuha ‘yan when I auditioned for Marimar last year. That happened inone of the studios in GMA-7. Hindi kuha ‘yan sa Singapore," says Rhian Ramos about the sexy photos (insets) that came out on the Net.



May mga kumakalat nasexy photos sa Internet ang isa sa mga bida ng pelikulang I.T.A.L.Y. (I TrustAnd Love You) ng GMA Films na si Rhian Ramos. May titulo na "Tikiman SaSingapore" ang naka-attach sa mga photos na ito ni Rhian.

Ayon sa blog site kungsaan matatagpuan ang mga naturang larawan ni Rhian—pero naka-block na itongayon—ay mga kuha raw ‘yon nang magpunta ang young actress sa Singapore kasamaang celebrity lensman na si Jay Tablante. May ginawa raw sila roon na specialpictorial at may mga na-involve pang ibang mga pangalan ng mga lalake.

Ipinakita ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Rhian ang mga litrato niya at naalaala niyakung saan galing ang mga sexy photos na ‘yon, kung saan nakasuot siya ng putingSwiss eyelet-laced top at puting sarong.

"I remember thosephotos na. Kuha ‘yan when I auditioned for Marimar last year. That happened inone of the studios in GMA-7. Hindi kuha ‘yan sa Singapore. Noong unang nasabisa akin about these photos, hindi ko na ma-remember kung kelan ako nag-pose nangsexy. Never pa naman ako nagpapakuha na naka-two piece bikini. Now, that I'veseen the photos, alam ko na.

"When they asked menga to audition, wala akong dalang ganyang ka-sexy na damit. E, kailangan palakaya sila na nag-provide. Sa totoo lang, I was really nervous noong pinasuotnila sa akin ‘yan. Kaya noong nasa dressing room ako, just for fun na mawalaang kaba ko for the audition, nagpakuha ako sa camera phone ko. Kumbaga, I wasjust playing around. Kasama ko pa nga ang isang stylist na kumuha ng picture.

"'Tsaka kung ano ‘yangsuot ko, pinasuot din nila ‘yan sa ibang nag-audition for Marimar. Well,eventually the role went to Marian Rivera. Kaya old na ang mga photos na ‘yan,"lahad ni Rhian nang makusap siya ng PEP sa second presscon ng I.T.A.L.Y.kagabi, July 28, sa 7101 Island Cruise na nakadaong sa Pier 6 ng Manila NorthHarbor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May idea na raw siRhian kung paano kumalat ang personal photos niyang ito.

"Nawala kasi yungphone ko na laman ang mga pictures na ‘yan," paliwanag ni Rhian. "I don't knowif somebody stole my phone or na-misplace ko and somebody hacked into it kayanakuha nila ang mga laman ng phone ko. Nakalimutan ko na nga ang mga photos na‘yan, e. Plus, hindi lang naman mga pictures ang nakuha nila roon but a lot oftext messages from friends na kabiruan ko. So yun ang reason why this is allhappening again sa akin."

Hindi kasi ito angunang pagkakataon na nasangkot si Rhian sa mga ganitong klaseng intriga. Ayonkay Rhian, hindi na siya magpapaapekto sa mga taong gustong sumira ng kanyangpangalan.

"I don't want to get affected anymore kasi alamko na natutuwa sila kapag umiiyak ako sa TV or nagagalit ako. Para kasingnapagbibigyan ko sila. I'm praying for them na lang. Bahala na ang Diyos sa mgaginagawa nila sa akin at sa ibang tao.

"Basta ako, I'm working and doing what Iknow is best. If that is not enough for them, it's fine. As long as wala akongnasasaktan na mga tao, nothing can break my spirit," pahayag ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN