Dennis Trillo on Cristine Reyes: "Magkaibigan lang talaga kami."

Sa panayam ng PEP kay Cristine Reyes na inilabas noong ika-24 ng Hulyo, heto ang sinabi ng dalaga tungkol sa relasyon nila ni Dennis Trilli (in photo): "Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po iyon,hindi ba?"


Hindi pa naman daw ganoonkalalim ang friendship na namamagitan kina Dennis Trillo at Cristine Reyes. Nasabi ito ni Deenis noong nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pressconng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), na ginanap sa 7107 IslandCruise sa Pier 6 ng Maynila.

Ayon sa aktor, may pinagsamahan sila ni Cristine, pero hindisapat na dahilan yun para humantong ang lahat sa mas malalim na relasyon.

"Alam din natin na maygulong nangyari dati," ang sabi ni Dennis. "Naayos na yun, kayaokey na sa amin ni A'a [Cristine] yung ganito, nagkikita kami...Pero hinditotoong may malalim na kaming relasyon. Magkaibigan langtalaga kami."

Very vocal siCristine sa pagkukuwento tungkol estado ng pagkakaibigan nila ni Dennis. Okey naman daw silani Dennis ngayon, pero ang interpretasyon sa mga sinasabi ng dalaga ay mayroon na ngangdevelopments sa kanila.

"Magkaiba naman kasikami ni Cristine. As much as possible, gusto kong maging pribadong tao. Ganoonlang," ang sabi ng Kapuso talent.

Dagdag pa niya, "Pagdating doon sa mgasinasabi niya, hindi ko naman mai-express yun ng ganoon din. Ayoko ringma-misinterpret, as much as possible."

Alam naman ng karamihan na medyo marami ang hindi nagkakagusto sa ugnayan nila ni Cristine kaya't negatiboang dating nito. Hindi kaya, parang umiiwas si Dennis sa anumang maging epekto nito sa career niya?

"Hindi ko alam,"pakiusap na lang ni Dennis. "Siguro, hindi ko na lang sasagutin. Pasensyana. Hindi lang magandang sagutin. Wala naman kasingpressure. Okey lang kami ni Cristine."

Pero hindi man magsalita si Dennis, halata naman na gusto nitong ipaglaban si Cristine.

"Ganoon naman kasidapat, eh. Yung friendship, ipaglalaban ko pa rin. Marami kasing negative nanaririnig at nasusulat, kaya kung ano yung totoo, yun lang ang sinasabiko," tahasang sabi pa ni Dennis.

Gustong linawin ni Dennis nahindi niya kinokontra ang sinasabi ni Cristine.

Aniya, "Hindi lang ako bastanagku-comment. Sabi ko nga, iba ako sa kanya. Kasi, iba-iba ang pupuwedengsabihin, at nag-iingat lang naman ako. There was a time nahindi nga kami madalas magkita. Pero, hindi ko sinasbaing hindi na kaminagkikita. Ayoko lang pag-usapan,kasi, makatutulong ba yun sa akin, dito sa movie namin, o maski sakanya?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi rin naman kasi maiiwasang tanungin siya tungkol sa nakababatang kapatid ni AraMina dahil yung huling balita, nakita pa silang magkasama.

"Napapasama lang kasi,inilalabas ng kabilang network. Wala naman silang ginawa kung hindi pasamainang image ng artista. Kasama lang 'yan sa network war! Nalalagyan ng malisya.Maliliit na bagay, pinupuna, para makitaan ng butas. Trabaho nila yun, kaya okey lang," paliwanag niya.

Magtatapos na ang Magdusa Ka at ang kasunod nito ay Gagambino, kung saan si Dennisang magdadala ng naturang project. Si Katrina Halili pa rin daw ang leading lady niya sabagong teleseryeng ito ng GMA-7, na pang-primetime na.

"Ipapalabas na rin daw yung sa amin ni Judy Ann [Santos], yung Kulam," dugtong pa ni Dennis."Horror yun, na natagalan din kami sa pagtatapos niyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN