FIRST READ ON PEP: Star Cinema's "A Very Special Love" graded "A" by Cinema Evaluation Board

Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz team up for the first time in Star Cinema's A Very Special Love.



In time for tonight's (July 29) premiere of StarCinema's latest offering, A Very Special Love, at SM Megamall, lumabas na ang resulta ng review ng CinemaEvaluation Board (CEB) para sa naturang pelikula. Nakakuha ang pelikulangpinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ng Grade "A" at binigyandin ito ng rating na General Patronage (GP).

Malaking bagay para sa isang pelikula ang makakuha ng "A" dahilnagpapahiwatig ito na maganda at dekalidad ang pagkakagawa nito. Ibig sabihin, nakaabot sa mapanuring panlasa ng mga miyembro ng CEB ang A Very Special Love.

Dahil sa pagbibigay ng grade na "A" sa A Very Special Love,nakasisigurado na ang Star Cinema na makakuha ng 100 percent amusement-taxexemption. Malaki ring bagay ang GP na rating nito dahil ibig sabihin ay mas marami ang puwedeng makapanood nito.

Magkasunod na pelikula na halos ng Star Cinema angnakatanggap ng "A" mula sa CEB. Matatandaang ang Caregiver ni Sharon Cuneta ay binigyan din ngganitong grado.

Bukas na, July 30, ang simula ng regular showing ng A Very Special Love sa mahigit 100 theaters nationwide.

A Very Special Love is a romantic comedy movie na unangtambalan nina John Lloyd at Sarah. John Lloyd plays the owner-boss of a publishingcompany while Sarah works as his personal assistant. In one instance,John Lloyd asks her to pretend she's his girlfriend in an event. Dito na magsisimula ang nakakakilig na pagmamahalan ng dalawang pangunahing bida.

Bukod kina John Lloyd at Sarah, kasama rin sa castsina Joross Gamboa, Matet de Leon, Gio Alvarez, Marianna del Rio,Al Tantay, Irma Adlawan, at Miles Ocampo. A Very Special Love is directed byCathy Garcia-Molina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN