Eugene Domingo may be lucky in her career, but not in love

"I think, fairlang si Lord. Para bang sinasabi, 'May trophies ka na,huwag ka nang mag-boyfriend.' Parang sign yun," says Eugene Domingo about having a successful showbiz career but zero love life.



Panahon ngayon ngcomedienne na si Eugene Domingo. After 15 years in showbiz at saka langnatitikman ni Eugene ang fruits of her endeavor.

Sa 7107 Island cruise ship saPier 6 ng Manila North Harbor last Monday night, July 28, para sa press launchng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You), nagkaroon ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng pagkakataong makapanayam si Eugene tungkol sa kanyangnewfound popularity.

"Ganoon?Newfound popularity?" sabi ni Eugene na namimilog ang mga mata."Sipag lang siguro. Tinitiyak ko lang na yung mga taong nanonood sa akin,nasusulit yung ibinabayad nila sa takilya, o yung panahon nila kung sa TV mannila ako napapanood.

"Gusto ko langmagpaligaya ng mga tao. Ipagpatuloy lang yung credibility na hindi silanabibigo sa mga inaasahan nila. Ganoon lang ang patakaran ko," saad niya.

Nakatakda na nganggawin ni Eugene ang Demetria, M.D. para sa Viva Films. Launching movie itoni Uge (palayaw ni Eugene) at si Wenn Deramas ang direktor.

"Salamat sabreak. This September na raw ang shooting. Malapit-lapit na. Tinatapos lang niDirek Wenn yung soap niya sa Dos," pagbabalita niya.

Ang sikreto lang niUge ay yung hindi nagmamadali. Kung ano ang dumating sa kanya, pinagsisipaganniya at pinagsisikapan.

"Katakut-takotna experiences muna ang dinanas ko bago ko marating ito," nangingitingkuwento niya. "From theater to TV to film, fifteen years din talaga, atkahit radyo, sinubukan ko na.

"Hindi ko parin masasabing handang-handa na ako para sa big break na magsosolo-bida na ako.Not until nariyan na, nagsu-shoot na ako, at hinaharap ko na ang pagsubok, doonko pa lang masasabi 'yun. I'm really thinking that it will still surprise me.It's magical! Naku, ganoon na lang daw ang nasabi ko! Imagine!" tawa niyana kinopya ang famous line niya sa isang TV commercial.

FUTURE BOX-OFFICE QUEEN? Nai-imagine ba ni Ugena siya ang susunod na Box-Office Queen?

"Ay, gusto ko'yan!" sambit niya. "Isa pang gusto ko, manalo ako ng Darling of thePress. Ay, paano kaya manalo ng ganyan? Lumaki ako sa ganyan kapag nanonood ngTV, may award-award na Box-Office Queen, Darling of the Press ek! Wow!"tawa nang tawa si Eugene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pamimiliin sa dalawa,ano ang gusto niya: Box-Office Queen title or more acting trophies?

"Ay, puwedebang hindi na lang mamili?" bulalas ni Uge. "Puwede namang magingBox-Office Queen ka at nagkaka-acting awards ka, di ba?"

Pero nararamdaman niUge na hindi ibibigay ng Diyos ang lahat sa kanya. Katulad niyan, sunud-sunodna acting recognitions ang natatanggap niya, nangangahulugan lang daw na walana naman siyang boyfriend niyan.

"I think, fairlang si Lord," sabi niya. "Para bang sinasabi, 'May trophies ka na,huwag ka nang mag-boyfriend.' Parang sign yun."

EUGENE'S SEX LIFE. Pero napapagkatuwaanng press ang tungkol sa sex life ni Uge, na napapatili naman ang aktres kapaginuusisa sa kanya.

"Ay, I don'twanna talk!" at saka siya natawa nang malakas. "Wala akong boyfriend.So, open ako.

"Kakasabi kolang nga na type ko si Mark Herras, kasi kinukulit nga ako kung sino raw samale cast ng I.T.A.L.Y ang parang feel kong maka...yun na! Sinabi kong si Mark,kasi yun naman ang nararamdaman ko!" tawa niya ulit.

Para nga rawnababago na ang image niya sa mga pinagsasasabi niya.

"Hindi ko namaniniisip na may kapalit din itong magagandang bagay na dumarating sa akin. Hindiako nag-iisip ng negative. Ang iniisip ko, nangyayari ito kasi may purpose paako rito. I should keep on doing this kasi marami ang nagkakagusto at natutuwa,"pahayag niya.

Hit na hit din siUge bilang suporta ni Regine Velasquez sa Ako si Kim Samsoon ng GMA-7. Hindi batalaga siya naghahanap ng boyfriend?

"Naku, neverkong hinanap 'yan. Naiisip ko lang kung minsan, pero never akong nag-crave.Kasi kung may darating na love life, darating na lang 'yan. Hindi kailanganghanapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ipinagdarasal ko na lang sa Diyos na kungano yung nakatakda sa akin, Siya na ang bahala. Susunod lang ako. Maganda angcareer ko, kasi nga, may mga taong umaasa sa akin, at marami ang natutuwa kayapinagbubutihan ko," pagwawakas ni Uge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN