Mariel Rodriguez says playing superhero will not change her image in "PBBCE2"


"I don't know, e, and I think, yung mga nangyari dun,honestly, I don't think that my image changed. It's still me. So, kungmabubura...okey lang kahit hindi. Kasi, pinagdaanan yun ng career ko, e. So,bakit ko yun iibahin?" says Mariel Rodriguez about the idea that Vargacould erase the negative image she left on the viewers of Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2.



Mapapanood na nga si Mariel Rodriguez bilang superhero na siVarga sa Sabado, August 2, kunsaan, sa pilot episode nito ay back-to-back silang Kapitan Boom na magpe-farewell episode naman. Ang eksena raw ay tilamagkakaroon ng pagsasalin ng tungkulin sa dalawang superhero para si Varganaman ang magpatuloy ng pagliligtas sa mundo.

PRESSURED WITH VARGA. Aminado si Mariel na maypressure siyang nararamdaman now that ABS-CBN is launching her as an actress at sa isang superhero role pa.

"Siyempre may pressure kasi, Kapitan Boom did sowell. So, I want it also to do well. And I'm so grateful sa trust naibinigay ng ABS-CBN, si Sir Deo [Endrinal]...so, I don't want to let them down. Andalso sina Direk Trina Dayrit, Direk Dondon Santos, they've been working so hardtalaga and they've been so nice. So, masaya talaga kami kapag nagte-taping,"ani Mariel nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May plano raw yatang "Kapitan Boom meets Varga"?

"Thats what they should watch sa August 2, kung paano yungpagkikita nila," excited niyang sabi.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa mga fight scenes niyadahil prior to their taping, nag-aral daw siya ng martial arts at nakatulongdin daw ang naging experience niya ng six months doing the drama series na Rougesa Singapore, way back 2004 noong nasa MTV pa siya.

Bagamat mas naunang ginawa ni Mars Ravelo ang character naVarga kaysa sa Darna, hindi maitatangging ang huli ang mas popular among his femalesuperhero. Pero, sey nga ni Mariel, sana nga raw ay maka-level din ang Varga saDarna.

Sana...sana, di ba? Pero hindi naman natin maaano siDarna, kasi, matagal na naman siyang na-establish. Matagal na siyanglegend na si Darna, di ba?

IT'S STILL MARIEL. Hindi lingid sa lahat na duringher stint as guest housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2,nagkaroon siya ng negative image sa publiko. By doing a superhero role now,hindi naman daw niya iniisip na rason ito para tuluyan na ngang mabura saisipan ng mga manonood ang anumang nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I dont know, e, and I think, yung mga nangyari dun,honestly, I don't think that my image changed. It's still me. So, kungmabubura...okey lang kahit hindi. Kasi, pinagdaanan yun ng career ko, e. Pinagdaanan yun ng lahat ng tao, so, bakit ko yun iibahin?"

NO CONFLICT WITH WOWOWEE. Nagkakaroon ngimpression na kapag co-host ng Wowowee, since it's a daily noontimeshow, tila nagkakaroon ng limitasyon ang mga co-host dito na tumanggap ng ibangshows, especially if it's a series. Hindi raw ba talaga nagkaroon ng conflictsa Wowowee na may Varga na siya?

"E, kasi, every time po na nagte-tape ako, katulad kanina,natapos po ako ng 5 a.m., nasa Wowowee pa rin ako. It's never an excuse.And when I'm there, sa stage, I never showed na parang lutang ako, na parangkung anu-ano na lang ang sinasabi ko sa show.

"I think, it depends on how you handle it. Yung wala silangmasasabi sa ‘yo. Yung wala silang maipipintas. Na, ‘E, kasi puyat, e, kayalutang!' So, kailangan mapanindigan niya yun."

Mariel was asked, kung may basbas daw ba ni Willie yungpagsusuot niya ng sexy costume?

Oh, no... I don't think so. I don't think he was actually,parang.... Hindi ko naman po manager si Papi, di ba? Si Tito Boy [Abunda,her manager], may blessing po niya."

ZANJOE MARUDO. When it comes to her relationship withZanjoe, wala raw silang sine-celebrate na mga "monthsary." Kasi hindiraw nila alam kung kailan nila masasabing one year na pala silangmag-sweetheart.

"No, we don't have that! Kami na...kasi, wala naman siyang iba,wala naman akong iba. So, ano pa ba? I have a time naman, its timeless,Ha-ha-ha! Kasi, walang ganunan. And every day is anniversary," natatawa niyangsabi.

Sinagot din ni Mariel ang usap-usapang nagli-live-in na raw silang dalawa niZanjoe.

Aniya, "I dont know! Maybe kasi, I also had an issue that Ihad an abortion, so, maybe, that's the next best thing, pero no, thats nottrue."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sey pa ni Mariel, siya raw ay sa Wack-Wack, Mandaluyong City,pa rin umuuwi at si Zanjoe naman ay sa Valle Verde, Pasig City. But if ever,pabor ba siya sa live-in arrangement?

"I dont know...I never really thought about it. Whateverfloats your boat. Kung gagawin mo yun, dapat you're comfortable with it.Kailangan yung family mo, comfortable sila sa ganoon or whatever at saka...Mahirap kasi, we're in showbiz. So, people will judge. People willspeculate, di ba?"

But would she say na si Zanjoe na nga talaga ang man forher?

"I think, it's too early to tell. I'm only 24 pa lang," veryMariel pa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN