Ogie Alcasid defends "Pinoy Idol" against critics

"I take allthose things constructively. Opinyon 'yan ng mga tao,na kailangang pinapakinggan din. Idol is such a huge franchise. A lot ofexpectations are going into it," says Ogie Alcasid on criticism about Pinoy Idol.



Ibinalita ni OgieAlcasid sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na all systems go na para sanalalapit na 20th anniversary concert niya sa Araneta Coliseum, ang 20/20 sa September 27. Natutuwa nga si Ogie dahil ngayon pa lang, marami naraw ang bumibili at nagpapareserba ng tickets.

"Magge-guestsiyempre si Regine Velasquez [Ogie's girlfriend]," sabi ni Ogie. "Kasama sina GaryValenciano, Piolo Pascual, Michael V., Marian Rivera, Kyla, Jaya, andmore."

OGIIE'S OPM ALBUM. Finally, nag-numberone na sa charts at airplays ang carrier single ni Ogie na "KungSakali." Kabilang ito sa iba pang revivals sa hit album niya na The GreatFilipino Song Book produced by Universal Records. Alay ito ni Ogie sa mga kompositorna nakaimpluwensiya nang husto sa kanyang musika, gaya nina Ryan Cayabyab, ReyValera, Willy Cruz, George Canseco, Louie Ocampo, at iba pa.

"Personalfavorites ko sa album yung songs ni Rey Valera," pag-amin ni Ogie."Kay Vic Sotto yung 'Kung Sakali,' and I like it. Naaalala ko noongkinakanta pa yun ni Pabs Dadivas. Ang lakas-lakas niya sa radyo, at maski samalls kapag nagpu-promote ako, nararamdaman ko ang pagtanggap ng mga tao, andI'm so happy.

"Sa YouTubenga, I'm so surprised, maganda ang comments ng mga bata. Nakakatuwa dahilmaganda ang response doon sa 'Kung Sakali', lalo na't yung music video, kami niMarian Rivera ang magkasama, di ba?" nangingiting banggit ngsinger-songwriter.

Gustong magbalik niOgie sa pinagkunan ng inspirasyon niya sa paggawa ng mga awitin.

"Mas kilala nakasi ako ngayon as a songwriter," sabi niya. "First love ko, singing,kaya gusto ko lang balikan. Palagay ko, okey naman ang response ng newgeneration. For the past twenty years din kasi, tinutugtog ako. Ngayon,inilabas itong bagong album at yung carrier single, talagang marami angnagre-request. Mukhang tanggap siya ng mga kabataan. Nasa approach din. Binagoko kasi ang interpretation. Mahirap tularan yung mga original, so I have tosing it na magaan lang pakinggan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITY DUETS. Naibalita ni Ogie naibabalik din pala ang Celebrity Duets nila ni Regine. Magkakaroon ito ng Season2 pagkatapos ng Pinoy Idol, kung saan isa sa judges si Ogie, at pagkatapos dinng Ako si Kim Samsoon na si Regine naman ang bida.

"This is whynahirapan kaming isingit ang schedule para sa movie na dapat ay gagawin naminni Regine for Viva and GMA Films," ani Ogie. "Hindi ko rin alam kungano ang pupuwedeng mangyari. Let's just wait and see, kasi tingnan mo naman angsupport sa amin ng GMA-7. Pareho kaming hindi na nawawalan ng trabaho niRegine, kaya yung ibang offers, talagang mahirap isingit."

PINOY IDOL. Speaking of PinoyIdol, kung anu-anong batikos na ang tinatanggap ng programang ito. Ano angmasasabi ni Ogie about it?

"I take allthose things constructively," sagot niya. "Opinyon 'yan ng mga tao,na kailangang pinapakinggan din. Idol is such a huge franchise. A lot ofexpectations are going into it.

"Mayroon namangpositive comments. Lately, medyo gumaganda na ang mga nasasabi, kaya ibigsabihin, we're taking the criticisms well. We're learning.

"Yung mgabatikos kina Jolina [Magdangal] at Wyngard [Tracy], ang tingin ko kasi riyan,walang maling comments. Opinyon 'yan na dapat ay nirerespeto rin naman natin.Kung sinasabi rin ng iba na mali ang sinabi ni Jolens o ni Wyngard,rerespetuhin din namain yun. Marami rin kasing factors that we have toconsider.

"Habangnaroroon kami sa gala, iba yung tunog. Sa TV, iba rin yung tapon. May aspectsna ganoon that we really have to consider. All in all, maganda ang resulta ngratings namin, kaya happy na rin kami roon."

Very frustrated siOgie kapag may napapatalsik na mas deserving contestants, na ma-retain sana sa PinoyIdol.

"I can't hidethe feeling," sabi niya. "Wala naman sigurong bayarang nangyayari, kasi malinawnaman 'yan na text votes ang pagbabasehan ng lahat. Nakakalimutan lang ng ibangcontestants na hindi lang ito talent search. You really have to campaign. It's partof the mechanics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, kung hindika nangampanya, matatanggal ka. Si Gian Magdangal sa Philippine Idol, binanggitniya 'yan sa akin, na on his own, kailangan niyang mangampanya. Ganoon din saAmerican Idol. Kung walang bumoboto roon sa magagaling, baka may kasalanan dinsila. Hindi puwedeng mag-rely na lang sila sa galing nila," paliwanag niOgie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN