Boy Abunda dismisses rumors that "Boy & Kris" will be axed

"Hindi totoo ‘yon andthe show is okay and so far so good. Although hindi ko sinasabi napanghabambuhay ang Boy & Kris, hindi naman. Everything comes to an end,pero hindi totoo ang balita," says Boy Abunda about rumors that his show with Kris Aquino (in photo, carrying Baby James) will soon get axed.



Unaffected ang TVhost na si Boy Abunda sa tsismis na mawawala na sa ere ang morning show nila niKris Aquino sa ABS-CBN na Boy & Kris. Pinabulaanan ni Boy ang balita nangdalawin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Boy &Kris para sa week-long pagdiriwang ng first anniversary ng show nila—nanagsimula noong Lunes at matatapos sa Biyernes—sa Fernwood Gardens lastTuesday, July 29.

"We're celebratingour first year now at wala naman silang sinasabi," sabi ni Boy na nagmamadalinang mag-change ng outfit para sa spiels nila ni Kris. "Kung meron man[katotohan sa balita], I think we deserve to be informed. Pero wala naman.

"Hindi totoo ‘yon andthe show is okay and so far so good. Although hindi ko sinasabi napanghabambuhay ang Boy & Kris, hindi naman. Everything comes to an end,pero hindi totoo ang balita," diin niya.

May tsismis din naang bagong show ni Lorna Tolentino na isang talk show din daw ang ipapalit saBoy & Kris.

"If the show willcome to an end, if LT has a talk show, I don't know. Boy & Kris will stay,"saad ni Boy.

Nakadagdag pa saisyu ang balitang pagpunta sa U.S. ni Kris kasama ang kanyang mister na siJames Yap.

"No, they're going totake a vacation. Nakapag-tape na kami ng magagandang episodes," paliwanag niya.

Kumusta ang samahannila after one year sa Boy & Kris kasabay ng mga pinagdaanang personalissues ni Kris?

"E, kasama ko naman‘yan ang tagal-tagal na."

May nagbago ba kayKris?

"Okay naman. She'sbeter now. Alam n'yo ang pananaw ko lang sa buhay, I think we all ought to bethe best and sometimes it's hard. It takes a journey to be the best. And youcan't be the best tomorrow. Para sa akin, ang mahalaga, you have to be betterthan the last minute. You should be better than what you used to be andbecoming whoever you are. Ang mahirap kasi yung nagde-degenerate ka. Youshould always aim to be better."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS VS. AI-AI. Tinanong namin siBoy kung type niyang mag-comment sa nababalitang tampo raw ng talent niya na siAi-Ai delas Alas kay Kris.

"Hindi, ah!" kasunodang buntunghininga ni Boy. "Ang comment ko diyan is not really about Kris, it's about James [Yap]. Kasi sabi niAileen [real name of Ai-Ai), hindinaman niya talaga babawiin. I explained that to Aileen, you know, na hindibabawiin ni Aileen and she will standby what she said because she said what she said on behalf of Kris."

Nasusulat din sa mgapahayagan na iniiwasan ni Ai-Ai si Kris na makita. Totoo ba ito?

"Ai-Ai is Ai-Ai. Imean, I will have to respect that also. Pero sa tagal namin ng pagsasama niAileen, ‘pag napapaliwanagan ‘yan nang husto at bigyan mo ng tamang panahon, may mga bagay na nauunawaan‘yan. Pero may mga bagay din ‘yan na pinaninindigan.

"Pero ang alam ko,ang problema ni Ai-Ai si James dahil doon sa nangyari nga. Pero huwag na natingbalikan ‘yon. Tapos na ‘yon," pakiusap ng TV host-talent manager.

Sa tingin ba niya aymaaapektuhan siya ng kung anumang gap ngayon between Ai-Ai and Kris?

"Ang dami nang nag-away,nagkabati sa gitna ng aking buhay. Hindi ako natibag, hindi ako naapektuhan dahil I come from the pointof view of true and friendship. Hinditootoo ‘yan. Ang dami talaga, ang dami-dami nang close friends ko ang... mula kayDawn [Zulueta] at Gretchen [Barretto]...ang dami."

GRETCHEN'S MOVIE. Speaking ofGretchen, tuloy na ba ang movie na gagawin niya sa Star Cinema?

"Until it's there,it's not tuloy. But I'm hoping na matuloy. Hangga't hindi nag-uumpisa at hindinatatapos, di ba, hindi tuloy ‘yon."

Totoo rin ba na siSen. Bong Revilla Jr. ang makakapareha ni Gretchen sa pelikulanggagawin niya sa Star Cinema?

"I don't know."

Tanggapin kaya nilani Gretchen ang proyekto?

"Oo naman! I thinkGretchen is okay with that. Gretchen and Bong are friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang gusto rawni Gretchen na makatambal sa pelikula ay si Piolo Pascual.

"Alam mo naman yun.Go, go, go! Alam mo naman ako, kunsintidor!" natatawang sabi ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN