PEP EXCLUSIVE: Jake Cuenca not bothered by relatively lukewarm reception in "Blackout"

"Naiintindihan ko naman na hinahanap nila ang ginawa kodati, pero naging test din naman po sa akin ito na at the end of the day,parang siyempre nandoon yung question sa utak ko na baka tinitilian lang nilaako dahil naghubad ako. Pero alam ko naman po na ang mga taong nagpupunta saBench fashion show, gustong makakita ng naka-brief. Doon ako masaya," says JakeCuenca.



Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)kahapon, July 30, ang young actor na si Jake Cuenca bago siya umalis patungongAmerika for his 10-day stint with the Coverboys in a series of shows nagagawin nila sa iba't ibang lugar doon.

AFTER THE BLACKOUT. Kinumusta agad ng PEP si Jakeafter the Blackout fashion show ng Bench. Aniya, masaya rawsiya sa nangyari rito.

"Okay! Masayang-masaya po ako sa nangyari sa Bench.Siyempre, masaya rin ako na masaya ang network ko sa akin. Napaka-weirdnung night. Siyempre ang daming pressures sa lahat ng artista, peromasayang-masaya po ako sa lahat ng nangyari."

Naramdaman ba naman niya na naging fair ang Bench sakanilang lahat na celebrity endorsers nito?

"Sobra! Sa akin, bale binigyan po ako ng dalawang finalespot at salamat sa Diyos na sa dalawang finale spot ko naman po, mukhangnagustuhan naman ng mga tao. In fairness,nakadamit naman po ako roon at hindi ako naka-brief, kaya sabi ko,masayang-masaya ako. Sabi ko nga, ako po kasi, pagdating sa Bench,ibibigay ko pong lahat dahil nagsimula naman talaga ang lahat ng ito sa Bench,e. Doon ako nakita, doon ako nadiskubre..."

WHERE IS "DARING"? Pinaalala ng PEP kay Jake na sahuling interview namin sa kanya, nagpahayag siyana "more daring Jake" ang puwedeng mapanood sa kanya. So what happened dahil,obviously, di hamak na napaka-tame ng ginawa niya ngayon kung ikukumpara sa BenchFever two years ago?

"'Yun nga, e...yun nga. Pero siyempre, ibinigay ko na po yunsa mga taong nag-underwear. Hindi naman po ako pupunta roon para manapaw ngibang stars. Siguro yung ipinakita ko po roon, yun lang naman po ang kulang nahindi ko pa ipinapakita, e. Bale, nagawa ko na ang lahat.

"What I did is, nag-50/50 ako at hindi ako nag-overboardtulad ng palagi kong ginagawa. Pero siyempre ano rin, hindi akomagdi-disappoint ng mga taong nag-aabang, naghihintay ng gimmick. Sa tingin ko,hindi ko naman sila nabigo dahil wala naman po akong naririnig na masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPETITION AMONG MODELS. Ika-apat na Bench event naraw ito na kasama si Jake. Posible nga raw at hindi maiiwasang may kumpetisyontalaga sa pagrampa. Although hindi raw siya nakikipag-competekahit kanino.

"Ako po, personally, hindi po ako nakikipagkumpitensiya.Kasi ako po, bago po ako makipagkumpitensiya, gusto ko munang maayos ang trabahoko. At yun naman ang tinitingnan ko palagi, ang trabaho ko."

Pero dugtong din niya, "Siyempre, meron...may healthycompetition, pero more than anything else, ako kasi, ayoko ng nakikipagkumpitensiyadahil nakakadagdag lang ng pressure. Siyempre, kapag nagko-compete ka,masyado kang nagmamadali. At the end of the day, madadapa ka rin sa kakamadalimo. Mas mainam na yung iniisip mo lang kung ano angkailangan mong gawin."

NOT AS WARM. Bagamat masasabing isa si Jake sa mgaartistang nakatanggap ng tili at palakpak, meron pa ringnagsasabi na hindi na raw kasing-init ng mga natanggap niya sa kanyang mga nakaraang pagrampa.

Pero para kay Jake, "Basta ako, masayang-masaya na ako sanaging reaction ng tao sa akin. At masaya ako dahil nandoon ang nanay ko,tatay ko. First time nila kong nakita sa ganoong klase ng environment. Atpag-uwi ko naman, proud naman sila sa akin.

"At maging ang mga tao sa ABS, they called me, they said, itwas a good show. At least daw, hindi ako sumobra. Masaya! Everyone was happy."

As compared sa last year, mas happy raw siya na kahit maydamit siyang rumampa ngayon, nandoon pa rin daw pala ang magandang pagtanggapsa kanya ng mga manonood.

"May nabasa nga ako sa isang diyaryo na 'laos' na daw kaminina Sam [Milby], nina Diether [Ocampo]...ang sa akin lang, hindi akomag-e-elaborate kung tinilian ako or hindi. Napakapangit naman no'n. Sigurodoon na lang tayo sa dami ng tao sa Araneta. Since sold-out siya, alam nila angtotoong nangyari at lahat naman, happy.

"Naiintindihan ko naman na hinahanap nila ang ginawa kodati, pero naging test din naman po sa akin ito na at the end of the day,parang siyempre, nandoon yung question sa utak ko na baka tinitilian lang nilaako dahil naghubad ako. Pero alam ko naman po na ang mga taong nagpupunta saBench fashion show, gustong makakita ng naka-brief.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon ako masaya..." sabi niya.

KARMA. May naglitanya pa raw na "karma" niya kunghindi siya tinilian ngayon as compared before sa Bench?

"Kung meron man nagsasabi na kinarma ako sa Bench fashionshow, nagpapasalamat ako dahil napakaganda ng karma ko nung gabing yun, dahillahat ng gusto kong mangyari ay nangyari nung gabing yun.

"Well, all I could say is I'm happy with what happened withBench. I gave my best and I gave my 100 percent at na-appreciate ko po ang suporta nggabing yun sa Araneta."

Bago namaalam ay binanggit nito na pag-uwi niya from theStates ay sisimulan na niya ang pagsasamahan nilang soap opera ni ShainaMagdayao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN