PEP EXCLUSIVE: Dingdong Dantes doesn't want to talk about Annabelle Rama's comments regarding "Blackout"

"I do not know her that much to criticize or to judge herfeelings towards what happened, that's why, I do not want to talk anythingabout that," says Dingdong Dantes about Annabelle Rama (inset).



Six days after the Blackout: Bench Denims and UnderwearShow sa Araneta Coliseum ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyu kungsino ang mas pinalakpakan nang husto among the celebrities na rumampa noong gabing yun.

Kagabi, July 30, sa grand opening ng Centerstage JupiterPlace, sa Jupiter St., Bel-Air Makati City ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Dingdong Dantes. He was with girlfriend Karylle and other business partners na co-owners nila sa second and newest branch ng Centerstage; the first one is located atTimog corner Tomas Morato in Quezon City.

BLACKOUT COMMENTS. Sa puntong ito, hindi na maiiwasan ni Dingdong na kahit paano ay magbigay ng ilang pahayag kaugnay ng mga naglalabasang isyu sa kauna-unahang pagrampa niya sa isang Benchfashion show.

Umpisa pa lang, sinabi na ni Dingdong sa PEP na, "Masaya ako sa nangyari safashion show after knowing yung response ng tao pagkatapos mismo ng fashionshow. Pero during that time [the show itself], wala talaga akong kaalam-alamtalaga kasi nga yung focus ko, sa pagrampa ko.

"Kumbaga, lahat ng comments, these are all comments.Kumbaga, iba-ibang tao ang nagsasabi sa akin. Maaaring yung nagsabi sa akin,yun ang tumili. Walang nagsabi sa akin na tumili. Lahat sinasabi nila,nagustuhan nila.

"But on the other hand, para sa akin, hindi importante saakin kung ano ang naging reaction. Basta ginawa ko ang kailangan kong gawin asa model. Nag-rehearse naman ako."

Speaking of rehearsals, wala raw lihim sa naganap niyangpagre-rehearse para sa Blackout.

"Hindi lihim yun. I even rehearsed on the day itself. Idon't think there's an artist who rehearsed on the day [of the show] itself.Pero ako, nag-rehearse pa ako sa mismong araw na yun."

UNFAIR TREATMENT. Two days after ng Bench event,lumabas ang isyung hindi raw naging fair ang Bench sa ibang celebrityendorsers, partikular na sa exposure na ibinigay sa bawat artista na rumampa. Ano angmasasabi ni Dingdong sa bagay na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know what, Bench is an institution. It's a globalcompany that wouldn't engage itself to intrigues or whatever that willjeopardize its beauty or the brand. They should know better.

"Para sa akin, hindi sila magpapagulo kahit kanino, lalo nasa akin na bago lang ako. Sino ba naman ako? Bago lang ako sa Benchfamily. Ako, I gave what was assigned to me with artistry and taste. Parasa akin, yun lang.

"Kasi, meron akong gustong gawin. Meron akong gustongpatunayan and it ends there, without meron akong gustong patunayan sa iba, wala, kundipara sa sarili ko lang," paliwanag ng young actor.

OWN OPINION. Kinuha rin ng PEP ang reaction niDingdong sa statement diumano ni Annabelle Ramana kaya hindi raw niya pinahintulutang makasabay sa finale number ang anak na siRichard Gutierrez kina Dingdong at Piolo Pascualay dahil "mas matanda" na raw ang dalawa sa anak niya at di hamak namandaw na "mas malaking star" si Richard than the two.

Ayon kay Dingdong, "People will always have their owninterpretation, and I respect that. What matters most to me is that ginawako kung ano ang gusto ko—allowed, verified, and patented by Bench. Para saakin, that's all that matters. Nag-enjoy ako, nag-enjoy ang pamilya ko.Nag-enjoy ang mga mahal ko sa buhay na nanonood. Para sa akin, yun angimportante dahil nang rumarampa ako, wala naman akong ibang naririnig.

"People will always have their own opinionno matter what," patuloy niya. "Even the best thing in the world, may be the worse for otherpeople. As long as for those who believe that this is good, as long as itmatters... And for me, I believe that what happened to me was good. For people nanandoon para tumangkilik, it was good din and thank you sa kanila."

SABOTAGE. Sa lahat ng ito, hindi maitatanggi na kay Dingdong bumabagsak yung isyu na tipong may pinaborandaw ang Bench among them kung kaya't tila may nasabotahe raw o nadehado. Pero hindi siya naniniwalasa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, I don't believe na may sabotage na nangyari.Because kung meron man, kahit ako, hindi ako papayag. Because in everythingthat I do, I'm fair. With what explained to us, we just follow all the rulesand wala namang nangyaring ganoon."

How does he feel now towards Richard's mom, Annabelle?

"I do not know her that much to criticize or to judge herfeelings towards what happened, that's why I do not want to talk anythingabout that," maingat na sabi ni Dingdong.

How about Richard?

"Richard never said any bad things about me. Since hestarted, I've been his supporter. In fact, bilib ako on how he handles hiscareer. Even before the show, we've been supporting each other."

Sa isang interview, sinabi rin naman ni Richard na happy siya forwhatever is happening to Dingdong's career. In fact, during the Bench event,nag-wish pa nga raw si Richard ng good luck at nag-congratulate din after kay Dingdong.

"Oh, yes, ako rin naman... In fact, in every endeavor of his,kino-congratulate ko siya because we're on the same industry. I know he has hisown niche and to his niche, he excels. No one else will replace him.Nag-umpisa siya, inalagaan niya at nag-iisa siya riyan," sabi ni Dingdong.

TEAMMATES, NOT RIVALS. Obviously, hindi na ngamaiwasang sina Dingdong at Richard ngayon ang pinagkukumpitensiya. Parang sa bawat gagawinnila, nandoon ang tila "pagsasabong" sa kanilang dalawa. Ano ang masasabi ni Dingdongsa bagay na ito?

"Alam n'yo, sana huwag, e. Kasi ako, I consider ourselves asteammates rather than rivals. The truth is, we're on the same network. Infact, naging director pa niya ako nang maging star siya ng Kakabakaba. Atnoon pa lang, nakita ko na ang potensiyal niya and, honestly, natutuwa ako sa lahatng nangyayari. I believe we're part of the same team, so sana huwag namanlagyan na parang pag-personalin kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BRIGHTER SIDE. Noon pa ma'y sinabi naniyang pinaghahandaan niya nang husto ang Bench fashion show. Isang buwan siyahalos na under his trainor, gym, at talagang sobrang strict diet, reason namankung bakit na-achieve nga niya ang kanyang desirable body.

In fact, ang mga taona sa paligid niya at that time ang tila naaawa sa ginagawa niyang sakripisyoat preparation, pero heto nga ngayon at naiintriga pa ang anumangmagandang response or sukli ng mga tao sa ginawaniya.

Was he hurt by all these?

"Hindi ko alam, e," sagot ni Dingdong. "I feel that instead of us pondering onthe time na ma-hurt tayo, dapat hindi, e. Dapat we should actually lookat the brighter side of it. Na there's a possibility for us na magkasama-samana kaming mga Kapuso at Kapamilya. Kasi bihirangmangyari yun. Let's just do it for fun.

"Malayo kasi sa interpretasyon nila yun. Nirerespeto ko yun.Wala akong kinokontra. But at the end of the day, there are facts and there arepeople who will attest to what they believed in. So, hindi natin puwedengbaguhin yun. But I do not take it against anybody.

"At the end of the day, I will respect kung anuman angsabihin nila, much more my friendship with the gentleman, Richard Gutierrez," saad ni Dingdong.

Sa huli, PEP asked Dingdong kung ano naman ang mensahe niyasa mga detractors niya.

"In the end, the truth shall prevail," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN