John Lloyd Cruz says Sarah Geronimo is a revelation in "A Very Special Love"

"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit bybit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangangi-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kamingpromotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula naminpero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito," says John Lloyd abouthis "Avery Special Love" leading lady Sarah Geronimo.



Sa malaking tagumpay at init ng pagtanggap ng publiko sapremiere night ng A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films,inaasahan nang isang blockbuster movie na naman ang madadagdag sa listahan ngmga pelikulang sinuportahan at tinanggap nang husto ng mga manonood.

Magandang senyales daw kasi ang pagma-mature na ng atingmovie viewers pagdating sa pagkilatis ng isang magandang pelikula. Hindi na dawtulad ng dati na ang personal na relasyon ng mga bida lang ang tinitingnan ngmanonood sa isang movie. Concerned na rin sila sa husay ng mga nagsiganap naartista, ganda ng script, at galing ng pagkaka-direct nito.

THE END OF JOHN LLOYD-BEA? Katulad na lang ngmagandang onscreen chemistry at mahusay na pagganap nina John Lloyd at Sarah sa A Very SpecialLove. May nagbigay tuloy ng komento na may katotohanan nga yata angkinatatakutan ng mga John Lloyd-Bea [Alonzo] fans na baka tuluyan nang buwaginang tambalan nilang dalawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay JohnLloyd sa nakaraang premiere night ng A Very Special Love, siniguradoniyang hindi naman mangyayari ang pinangangambahan na ito ng mga tagahanga nilani Bea.

"Dumaan man ang ilang pelikula ko na wala siya [Bea] o kahitmagkaroon siya ng pelikula na wala ako, gagawa at gagawa pa rin kami ni Bea namga projects, mapa-pelikula man o TV na kami ang magkasama."

Masayang-masaya sa mainit na pagtanggap ng tao nang gabingiyon sa tambalan nila ni Sarah, para kay John Lloyd ay naihatid nila angintensyon nilang maiparating sa publiko. Ito ay ang pagbibigay ng puso sapelikula.

"Siguro kung naging masaya ang lahat ng nanood, doble angsaya namin so maraming-maraming salamat sa kanila," sabi pa ni John Lloyd.

SARAH IS A REVELATION. Sa obserbasyon ng marami,lutang na lutang ang natural na husay sa pag-arte ng aktor pero kapansin-pansindin daw ang galing na ipinakita ng Pop Princess. Bagay na sinang-ayunannaman ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ang alam ko si Sarah, nag-shine siya sa movie na ito.She's the biggest revelation in this movie. Iisipin mo napakasimplelang ng role niya, kahit siya sinasabi niya na ‘di malayo sa kanya. Light lang pero kung paano niya binigyan ngbuhay ‘yung light na sinasabi niya, kung alam ninyo lang kung gaano kahirapyun... I think any performer or actress will agree with me na ‘di porke'tsinabi mong light, ‘di lang puro light ang atake talaga. Dalawangdimension yung atake niya, ang galing-galing.

"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit bybit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangangi-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kamingpromotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula naminpero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito."

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa isang bagong proyektona magkasama sila uli ni Sarah, nakakatakot ang isinagot sa PEP ng aktor.

"Nakakatakot kasi kung maging successful ang movie na ito,paano mo mapapantayan yung una? Nakatakot, but I would definitely welcome theidea of doing another movie movie with Sarah."

STAYING OR GOING? Naging kontrobersyal ang nakaraang BenchBlackout kung saan nagreklamo si Annabelle Ramana ipu-pull out na raw niya ang anak niyang si Richard Gutierrez sa nasabingclothing line dahil daw may favoritism na nangyayari dito. Nagkataon namanna katulad ni Piolo Pascual na dapat sana'y nasa fashion show, wala rin si JohnLloyd doon. Kinabukasan after the show, may usap-usapan nang kasabay daw niRichard ay aalis na rin daw si John Lloyd as a Bench endorser.

"'Di ako nakasama because obviously it's matter ofpriority. May ipapalabas akong pelikula, gumagawa ako ng mga post-prod natrabaho sa pelikulang ito, ‘di pa tapos ang post prod, I was dubbing. Satingin ko naman naiintindihan ng Bench na kailangang gawin ‘yun. Kung ‘di kotinapos ‘yun [movie post-prod], ‘di magiging ganito yung pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kong offers sa iba, wala akong planong lumipat. Walaakong tampo kay Ben Chan. I'm happy with Bench."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN