Karylle amazed by audience reaction to boyfriend Dingdong Dantes in the "Blackout" show

"Pero noong lumabas siya, hindi rin ako nakapalakpak, hindirin ako naka-cheer. Siguro, nagulat na lang din ako na lahat ng tao, angganda ng response sa kanya," says Karylle about boyfriend Dingdong Dantes's catwalk in Blackout.



Once again, punong-aligaga na naman si Karylle sa grandopening ng second KTV bar and restaurant nilang Centerstage na ngayon naman aynasa Jupiter Place sa Jupiter Street, Bel-Air, Makati City. Abala nga sapag-eestima ng kanilang mga bisita ang dalaga kagabi, Wednesday, July 30.

NOT BUSINESS-MINDED. Although aminado siKarylle na she's not really the business-minded type at itinuturo si Dingdongbilang mas maalam sa negosyo sa kanilang dalawa, marami naman daw siyangnatututunan from Dong and from their business partners. Tulad ng husay sapag-o-organize at pamamalakad sa kanilang negosyo.

Aniya, "Maraming blessings talaga na nangyayari, so, masayakami. At tulad nga ng opening ng Jupiter St. branch namin, it's really in timefor his birthday. Although hindi naman talaga sinadyang itapat kasi, one monthna rin siyang soft opening."

Ang location nila ngayon is the former location of IO (ktvbar) noon.

"Even when it was closed, marami ang nagtatanong kung bukaspa ba, marami ang umaakyat, kaso, sarado siya. That's where we got the idea attalagang minadali ang opening niya. Nagkataon lang na kasabay ng birthday niDong."

Malaki, bagung-bago ang mga designs at high-tech din ang mgagamit ng Centerstage.

"Yes, and it has 26 big rooms yata. The biggest room canhold up 50 to 60 people," ani Karylle.

SUCCESSFUL. Masasabi na ngang successful both intheir showbiz career and business sina Karylle and Dingdong.

"I guess, masuwerte kami sa mga business partners namin, yungGarcia Family. Masaya kami na palagi nila kaming isinasama."

Obviously, mukhang hindi rin applicable sa kanila yungsinasabing kapag nagsosyo sa isang business ang mag-sweetheart pa lamang,puwede raw mag-suffer ang relationship.

"May kasama kasi kaming family na matagal na sa foodbusiness. [We have] their guidance. Ang ganda ng family nila, kasi, hindilamang sila negosyante. Si Tita Marivi is also into the spiritual side ofthings. Kaya yung guidance nila sa amin, siyempre, tinuturuan din nilakami sa negosyo, pero, gina-guide din nila kami spiritually. They are Catholicat meron silang healing ministry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, madalas kasi nakakalimutan yung aspect na yun.Especially, nowadays na mahirap ang buhay. Kailangan palagi mong naaalala yun."

Para kay Karylle, okey na raw siya na ang Centerstage business munanila ang meron siya, unlike Dong na may iba pang pinaplano.

"Siya ang marami...marami pasiyang pinaplano. Mahirap din kasi na hindi mo linya, so, focus na lang munarito."

BENCH FASHION SHOW. Dahil isa nga si Karylle, alongwith Dingdong's family, na nanood ng Bench fashion show noong Biyernes, madalastuloy siyang natatanong how she felt sa nakaraang pagrampa ng boyfriend.

Aniya, "Matagal siyang nag-prepare for that at nakita konaman how much it paid off kasi, ilang araw ko rin siyang nakasama na halos angkinakain niya everyday ay giniling na beef na walang lasa, walang seasonings.Kaya nga ang ginagawa ko talaga that time, dinadala ko siya sa favoriterestaurant niya at kinakain ko ang pinaka-paborito niya para lang kumain pasiya.

"Kasi ang family niya, nag-aalala sakanya dahil sobrang payat na niya. Siyempre, may traveling, jetlag,puyat, workout pa nang workout. So, siyempre, may sungit factor na."

PEP asked kung isa ba siya sa pinagsungitan ni Dingdong?

"Hindi naman. Minsan...pero, sinasabi ko na, ‘Uy, diet, sungit...'Natatawa na lang siya. Meron na kaming keyword na natatawa na langsiya. Siyempre, sanay na kami sa isa't isa."

SHOCKED BY THE RESPONSE. When she heard the applauseat Araneta, as a girlfriend, ano ang naramdaman niya?

"Honestly kasi, noong time na yun, yung show, medyo shockingsiya. So, by the middle, hindi na ‘ko humihinga masyado. Iniisip ko, bakaganoon din ang gawin niya, di ba? Although, alam ko naman na iba anggagawin niya, kasi, kasama ko siya during rehearsal."

Karylle was referring to the other models na nagsihubaran.She was thinking na baka nga ganun din ang gagawin ni Dingdong.

"Pero noong lumabas siya, hindi rin ako nakapalakpak, hindirin ako naka-cheer. Siguro, nagulat na lang din ako na lahat ng tao, angganda ng response sa kanya," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "May time kasi na naging chubby rin siya,so, for a lot of people, especially guys na nakakausap ko, una, sinasabi nila,nahihiya sila to look at his billboard. Pero in the end, ikinukuwento nila nanai-inspire sila sa kanya. Kasi, nakita nila na nag-transform siya even at hisage, nakakabigay ng hope doon sa iba."

DINGDONG IN THE CENTER. Now that, nagiging sentro nang intriga si Dingdong, paano naman niya ito maide-defend?

Sa puntong ito, natatawa pang nagbiro si Karylle naprinaktis na raw niya ang sasabihin niya dahil alam daw niyang tatanungin siyarito. Pero sey nga niya, nakalimutan din daw niya

"Basta siyempre, we are just focusing on the good things.The secret...nagpo-focus na lang ako na pumalakpak talaga ang mga tao at nagulatako. At nagpapasalamat ako sa kanila na na-appreciate nila siya, huwag na langsanang agawin or anything," biro pa niya.

TEACHERS MIGHT GET MAD. Sa huli, hiningan ng PEP si Karylle ng mensahe naman niya sa mganang-iintriga naman kay Dingdong ngayon.

"Ako kasi, masaya lang talaga ako sa naging turnout. Kungmay mga nagre-react man, they are entitled to their own opinion. Pero,magagalit kasi ang mga teachers ko sa school kung pangit ang sasabihin ko, e."

Dugtong pa niya, "Parang sayang naman po ang pinag-aralanko," nakangiti pero may diin niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN