KC Concepcion surprised by rumor that she got irritated with Heart Evangelista

"Hindi naman po ako ganung tao. Saka ‘pag nagkikita kami,nagbabatian naman po kami kahit hindi ko pa siya nakikilala," says KC Concepcion about rumor that she got irritated with Heart Evangelista.



Kay Heart Evangelista naman naiintriga ngayon si KCConcepcion.

Ikinagulat ni KC ang nalamang balita na nairita diumano siyakay Heart habang sinu-shoot nila ni Richard Gutierrezang For The First Time sa Greece, kung saan nanatili sina KC at Richard ngsiyam na araw.

Ayon sa lumabas na report, ilang beses daw na tumawag atnag-text si Heart kay Richard, na siyang ikinainis ni KC.

Nang marinig ni KC ang naturang balita sa presscon ng ForThe First Time kahapon, July 31, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBNcompound ay napakunot-noo ang young actress-singer sa gulat.

"Ha? Hindi ko alam yon, ah!" nakangiti pa rin niyangreaksyon.

Bago pa nag-comment si KC, sumingit na si Richard paraipagtanggol ang kapareha sa Codename: Asero.

"Busy si Heart sa Asero. I'm sure hindi siya ‘yon,"sabi ng young actor.

Hindi mapaniwalaan ni KC na may isyu sa pagitan nila niHeart kaya naman nagbigay na siya ng pahayag tungkol dito.

"I respect Heart bilang aktres. Pinapanood ko po angmga pelikula niya, yung mga TV shows niya. Kahit hindi ko pa siya kilala,I'm sure mabait siyang tao.

"Hindi naman po ako ganung tao. Saka ‘pag nagkikita kami,nagbabatian naman po kami kahit hindi ko pa siya nakikilala," pagtatanggol niKC sa sarili kasabay ng paglilinaw niya sa issue.

Naaliw naman si KC sa narinig na balitang nagbiro raw angate ni Richard na si Ruffa Gutierrez na"binetray" raw siya nito. May usapan raw kasi sina KC at Ruffa na magtatawaganat mag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Richard sa Greece.

Hindi raw kasi sinasagot ni KC ang mga tawag ni Ruffa atpati reply sa text ay walang ipinadala ang dalaga. Gusto raw kasingmaki-tsismis ni Ruffa sa mga latest developments ng closeness ng kapatid niyaat ni KC.

Sabagay, open naman si Ruffa sa pagsasabing boto siya sa anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng aktor na si Gabby Concepcion para sa kapatid na si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap po kasi doon. Hindi ako makasagot ng call,"nakangiting paliwanag ni KC.

Sinuportahan naman ni Richard si KC sa pagpapaliwanag nito.

"Habang gumagawa kami ng romantic movie, would you like toanswer the call, di ba? Gusto mo ba yun?" sabi ng binata.

Ayon kina Richard at KC, kahit may mga free time silasa shooting ay abala sila sa kani-kanilang mga trabaho doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN