Richard Gutierrez shares the same vision with "For The First Time" leading lady KC Concepcion

"Isang moment, isang vision na nakita naminni KC na posible. Nangyari yung usapan namin ni KC na usapan lang...yung alammong, kaya nating gumawa ng movie. Walang imposible. And we shared the samevision na ang ganda ng intention na one day, sana makatrabaho ako sa ABS-CBN atsi KC sa GMA. To unite, na magkapit ang dalawang network na never mong nakitangmagkaisa, for the first time," says Richard Gutierrez.



Napakaraming "firsts" sa pelikulang ForThe First Time ng Star Cinema. Isa na nga rito at masasabing major first ayang pagkakataon na nakagawa ng movie ang isang Kapuso star sa bakuran ngKapamilya network.

Kung i-describe ni Richard Gutierrez angpaggawa niya ng pelikulang For The First Time, na magsisimula nangmapanood sa mga sinehan on August 27, ay "exciting, fun, adventure, andmemorable."

"Talagang I feel very blessed working withStar Cinema, working with KC Concepcion on her first movie. At talagangenjoy lang kami kahit mahirap ang shoot namin sa Greece, talagang enjoy kamibawat step ng paggawa ng pelikulang ito. Hanggang ngayon,nandito pa rin kami sa journey namin."

Suot-suot ni Richard ang isang bagay naibinigay raw sa kanya ni KC noong nasa Greece pasila. At ito ay ang necklace na may pendant na gawa sa pinatuyong lava ngbulkan.

"Si KC actually ang nag-introduce ngnecklace na ito sa akin. Kinuha niya ‘ko at binigyan ko rin siya ng isa.Souvenir namin from Santorini. At meron pa..." natatawang sabi ni Richard."Abangan n'yo sa movie. Makikita n'yo sa movie kasi suot-suot namin sa buongmovie."

Sinabi rin niyang, "Binigyan ko siya ngbracelet at binigyan niya ‘ko ng necklace. May meaning po yun, pero binigyanna lang namin ng sariling meaning. Ibig sabihin, first time in Greece and withspecial someone at very positive, optimistic, and adventure."

Isa pa sa first na nagawa ng pelikula nilaay ang pag-imbita sa press conference nila ng TV crew ng Kapuso network. Nasa loob na nga mismo ng compound ngbuilding at compound ng Kapamilya ang Kapuso reporters.

So, how does it feel na dahil sa pelikulanila, nagawa nilang pagsamahin ang parehong networks in covering their presscon?

"Para sa akin naman po, ito na po siguroyung moment na dumating na yung parang panaginip lang. Isang moment, isangvision na nakita namin ni KC na posible. Nangyari yung usapan namin ni KCna usapan lang...yung alam mong, kaya nating gumawa ng movie. Walang imposible.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And we shared the same vision na ang gandang intention na one day, sana makatrabaho ako sa ABS-CBN at si KC sa GMA. Tounite, na magkapit ang dalawang network na never mong nakitang magkaisa, forthe first time," natawa niyang sabi upon using the title of their film.

"Ang sarap lang ng feeling na finally, wecome to this point. Na ginagawa na natin ang movie. Nandito na tayo sa pressconat up to now, natupad na ang mga pangarap namin."

Sabi pa ni Richard, hindi lang daw alam ng mga tao kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila paramagawa lang ang movie.

"Siguro, ginawa lang din naminito for the moviegoers and for the movie industry. Di ba, let's do somethingdifferent na magkaisa at mag-unite? Ipakita rin natin sa taong-bayan na kahitsa movie, kahit na ang industriya natin, nagkakaisa. Siguro kahit paano,mai-inspire rin natin ang ibang tao na magkaisa. Yun lang, masayang-masayalang po akong talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN