Jericho Rosales: "Hindi pa ako handa for another serious relationship."

"Nag-moveon na ako. But I must admit, minsan, naiisip ko siya [Heart]. Hindi namanganoon kadali rin yun, pero wala akong magagawa but to gather myself and starta new life, na matagal-tagal ko na ring nagawa," says Jericho Rosales about his breakup with Heart Evangelista.



Kitang-kita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kinikilig at halos maglupasay sa hysteria na si Carmen Soo habangnagpe-perform si Jericho Rosales noong Martes ng gabi, July 29, sa SpicyFingers sa Greenbelt 2.

Naka-set si Jericho nang gabing yun at naimbitahan ang PEPni Jemuel Salterio, publicist ng Manila Genesis Entertainment na siyang namamahala sa career ng young actor-singer. Base reaksiyonni Carmen, mukhang totoo ang lumalabas na balita na "crazy for Jericho"ang Malaysian model-actress, na katambal ng batang aktor sa Malaysian-Filipinoteleserye na ipalalabas sa October pa sa ABS-CBN.

"It's not true na lagi kaming magkasama,"paglilinaw ni Echo nang makausap siya ng PEP. "Nagkataon lang na gumigimiksi Carmen with some friends, at napasyal sila sa venue ng show ko. Otherwise,baka nagpapahinga na lang siya."

Marami tuloy ang nagko-conclude na baka totoo ang lumalabasna balitang si Carmen ang third party involved sa paghihiwalay ni Echo at ngdating girlfriend na si Heart Evangelista.

"There's no third party, basta we just have to move on,"nangingiting sabi ng young actor. "Lahat na yata ng interviews sa akin,hindi na nawawala ang mga tanong about Heart. It has been months na rin, perotalaga yatang gano'n."

Nasabi namin kay Echo na it's just normal kasi kahit kayHeart, siya ang laging natatanong ng press. Nagkibit-balikat lang ang aktor, naunti-unti na rin yatang natatanggap bilang singer.

"About Carmen, unfair yung mga lumalabas. You know,she's new here. Nakatrabaho ko siya at maganda ang ipinakisama niya sa akin,when I was in Malaysia, noong nagtatrabaho kami roon. Kaya dapat lang sigurothat I show naman gestures kapalit ng magandang trato nila sa akin, when I wasin their country.

"It's not true na bubuntot-buntot siya sa akin, thatshe's crazy for me. Natutuwa lang siya sa akin, the same way na natutuwaako sa kanya," paliwanag ng actor-singer.

MANONG GILBERT. Nakatakdang magbalik sa Malaysia si Echo para sa ilan pangbagay na may kinalaman sa Malaysian-Filipino project na binubusisi, nakinamatayan na nga ng una nilang direktor dito na si Gilbert Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaction ni Echo sa mga nasusulat na parang paninisisa kanya dahil naging cause of pressures daw siya ni Manong Gilbert?

"Hindi ko pinapansin 'yan dahil hindi totoo,"direktang sabi ni Echo. "Hindi ko pinapansin kasi yung mga nagsasabiniyan, wala naman sila roon sa set habang nagtatrabaho kami.

"Ang mahalaga sa akin, yung kaming malalapit atnakatrabaho niya, nagkaisa kami para tulungan siya noong panahon na kailangantalaga ng suporta dahil sa pagkakaospital niya. Sana huwag na lang lagyanng intriga."

Bago sa Malaysia, tutungo sa Singapore si Echo, then, saCanada for some commitments habang hinihintay ang pag-ere ng teleserye nilani Carmen.

MOVING ON. Bali-balita na nakikipag-date na diumano si Heart, but not Echo,who is concentrating more on his career right now.

"Naririto ang focus ko," diin niya. "Nag-moveon na ako. But I must admit, minsan, naiisip ko siya [Heart]. Hindi namanganoon kadali rin yun, pero wala akong magagawa but to gather myself and starta new life, na matagal-tagal ko na ring nagawa.

"Hindi pa ako handa for another serious relationship,kaya wala rin akong panahon para makipag-date. I can't afford to mess around.First things first."

Ang sinasabing naging therapy ni Echo ay yun ngang maspinalakas na spirituality niya, yung faith sa Diyos, na mahimalang masmatitinding blessings ang kapalit ng nawala sa kanya.

"Nakapag-usap na kami ni Heart noon pa man, kaya taposna yun. I just don't want to talk about it and elaborate. Hindi na lang dapatsabihin pa sa buong mundo ang tungkol doon," sabi ng aktor.

COMEBACK MOVIE. Para sa fans ni Jericho na nami-miss siya sa pelikula, theydon't have to worry dahil kinu-consider ng management group niya ang Baler,isang project ng Viva Films para sa 2008 Metro Manila Film Festival, kung saanmagtatambal sila ni Anne Curtis.

"It's a new combination, in a new kind of a movie. Maypagka-historical, but it's more of the love story that happened in such abackdrop. Sana nga maumpisahan na namin agad ang shooting," pagwawakas niEcho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN