"Boy & Kris" director linked to Roxanne Guinoo and Rachelle Ann Go

GB San Pedro, the "Boy & Kris" director is reportedly dating Roxanne Guinoo. He used to go out with Rachelle Ann Go. Direk GB used to be a "That's Entertainment" member.



Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si GB San Pedro, ang elusiveand controversial director ng morning show nina Boy Abunda at Kris Aquinosa ABS-CBN na Boy & Kris. Nauugnayngayon ang guwapong director sa dalawang female celebrities na sina RachelleAnn Go at Roxanne Guinoo.

Saktonaman na special guest din sa first anniversary presentation ng "Boy &Kris" this week si Rachelle. Kaya panay ang tukso ng ilang entertainment press nanaimbitahan sa set ng Boy & Krissa Fernwood kay Direk GB at kay Rachelle.

"Magkaibigankami noon pa kasi matagal na kaming nagkatrabaho. Nagdidirek ako ng concertniya and yung music video niya," bungad ni Direk GB.

Peronabalita na rin ang madalas na pagdi-date nila ng Ligaw na Bulaklak star na si Roxanne. At last Sunday sa The Buzz nagsalita na si Roxanne sa tunayna relasyon nilang dalawa.

"Hindi.Hindi ganun. Walang relasyon," pahayag ni Roxanne sa show.

Readingbetween the lines sa mga sinabi ni Roxanne sa The Buzz last Sunday, maaaring masabing binasted na niya si DirekGB.

"Hindiganun yun. Nag-usap lang kami na ano...kasi magkaibigan kami nun, e. Nasaka na muna yung mga ganun. Hindi rin niya ako pinatitigil [sa panliligaw].Napanood ko ang The Buzz.

"Perowala naman akong masasabi sa interbyu niya. Siyempre, nabigla rin siya sainterview. Matagal na magkaibigan kami noon pero siyempre hindi maiiwasan nanade-develop ka rin dahil kaibigan mo, ‘di ba?"

Lagiba silang magkasama?

"Nag-uusap," ngiti ni Direk GB. "Pero talang magkaibigan na kami noon. Ako naman sinabiko sa kanya na kumbaga, parang siyempre gusto ko siya siguro mas mahigit sakaibigan pero alam ko naman na parang right now imposibleng maging kami."

Unangna-link si Direk GB kay Rachelle kaya marami ang nagulat na sila na ni Roxanneang magkasama kapag lumalabas. Tuloy pinagbibintangan si Roxanne na inahas siDirek GB kay Rachelle.

"Hindinaman. Hindi naman ganun," pagtatanggol ni Direk GB kay Roxanne.

Sinoang mas gusto niya between Rachelle and Roxanne?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho."

Ano'ngmeron si Rachelle at si Roxanne na gustung-gusto niya?

"Mahabaang buhok," sabi ni Direk GB.

Anoang masasabi niya sa sexy cover ni Roxanne sa isang men's magazine?

"Actually,ako talaga hindi ko siya binasa. Nakita ko yun pero hindi ko binasa. E, siyempreparang masyadong....yun na nga masyadong daring daw yung ano.

"Kumbagaako, bilang kaibigan niya, ako sumusuporta ako sa ginagawa niya pero sigurohindi para magbasa ng kung ano."

Napaka-conservativena boyfriend ba niya?

"Well,siguro may pagka-conservative nga ako."

Kungnagkataong boyfriend siya ni Roxanne bago kunan ang sexy pictorial niya saisang men's magazine, papayagan ba niya ang young actress na gawin yungpictorial?

"Ay,hindi. Kasi siyempre career niya yun , e ."

Sinoang mas matimbang sa puso niya ngayon?

"Kasisi Rachelle, lately hindi kami nagkakasama. Once in a while nagkakatawagan perohindi kami as close siguro ngayon ni Roxanne."

Walaba siyang planong bumalik sa pag-aartista? Naging bahagi ng youth-oriendtedshow na That's Entertainment noon si Direk GB.

"Wala,"diin niya. "Dati yun nung bata pa ako."

Sabini Roxanne, hindi pa siya ready for another commitment. Handa ba siyangmaghintay kay Roxanne?

"Hindi,hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado kung ano ang mangyayari."

Patuloypa rin daw sila sa paglabas-labas ni Roxanne. Nagtatawagan at nagte-text kapag may trabaho. Feeling ba niya siya ang nakapag-move on kay Roxanne mula sabreakup nila ni Jake Cuenca?

"Hindiko alam. Hindi ko alam kasi hindi naman nga kami, e," tapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN