It's still work for Dingdong Dantes on his birthday


"Yun nga, sa mismong birthday ko, nasa taping ako. Nakainkasi lahat ng oras noong nasa Amerika kami, so, kailangan naming maghabol ng mgaaraw sa mga eksena. So, magte-taping ako on my birthday," says DingdongDantes (in photo, with girlfriend Karylle).



Double purpose na para kay Dingdong Dantes ang pagpasok sanegosyo tulad nga ng Centerstage na ngayon ay may dalawang branch na. One onTimog Ave., Quezon City and their new branch on Jupiter Street, Makati City. Kasosyoniya sa negosyong ito ang girlfriend na si Karylle at iba pang mga kaibigan.

Sabi ni Dingdong nang tanungin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kung bakit naisipang nilang dalawa ni Karylle na makisosyosa Centerstage KTV Bar & Restaurant, "Isang paraan na rinkasi ito para mag-enjoy kami. Kung gusto naming magdala ng mga kaibigan namindito, kung gusto naming mag-relax, mag-enjoy, mag-unwind, nandito kami.Especially, palagi kaming pagod sa mga ginagawa namin."

Ipinagmamalaki nga ni Dingdong ang mga puwedeng makita ngmga customers sa Centerstage Jupiter St. May V.I.P. room ito na perfect forparties.

"Wala pa siyang pangalan,actually. But we call it V.I.P. or Mega or Super room. It can hold 60 people.It has its own billiard table, a poker table, a bar. Perfect for parties, forbirthdays...for any function.

"At puwede rin kayong mag-record. Pagkalabas nyo, iaabot nasa inyo ang CD."

Nasubukan na ba niya yun?

"Hindi pa! Pero meron akong top favorites, nandoon,nakalagay."

Bukod sa Centerstage, may iba pang business si Dingdong atpatuloy pa raw siya sa pagpasok sa mga bago at iba pang puwedeng magingnegosyo. Nakakaya naman daw niyang i-divide ang panahon sa kanyang showbizcareer at mga negosyo dahil may mga pinagkakatiwalaan naman daw siyang tao.

"There are people naman who are handling it. That's why wetrust our partners very much. Ganoon din naman ang pagtitiwala nila saamin na imbitahan kami na mapasali kami sa grupo na ito na very vibrant. Atlahat ng opportunities na puwede, napupuntahan nila."

EAT BULAGA! IN L.A. Hindi pa rin nawawala angisyu sa nakaraang Eat Bulaga! show sa L.A. at ang pagkukumpara sa kungkaninong show raw ang mas tinao-ang E.B. or ang Wowoweenaman sa New Jersey? Kailan lang din ay nagsalita na rin ang host ng EatBulaga! na si Joey de Leon. Mapapanood dinang naturang show nila bukas, Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And since Dingdong was part of the show dahil special guestssila ni Marian dito, ano talaga ang masasabi niya sa nakita niyang audience saLos Angeles?

"Puno siya! In fact, meron din po akong mga kaibigan atrelatives na sinasabi sa akin, as early as two or three weeks, yung mga taongdumarating, wala na raw silang makuhang tickets."

Dugtong pa niya, "Ako mismo, saksi ako ro'n. Lahat ng puwedemong makita na may butas na upuan, walang butas. Magkakaroon man, siguro sapinakataas, pero hindi naman nila binenta yung side na ‘yun."

WORKING BIRTHDAY. Tomorrow, August 2 ay birthday ni Dingdong. Pero sa mismong kaarawan niya,nasisiguro niyang he will spend it with his Dyesebel family dahil araw yun ng taping nila.

"Actually, the day after ng birthday ko, may launching namagaganap. Isa itong launching na bigay sa akin ng sponsor, so, isa sa akingmga ie-endorse. Pero siguro sa mismong araw ko na lang din iri-reveal.

"Sa umaga naman, nasa SOP kami ni Marian dahilcelebration naman yun ng birthday naming dalawa ni Marian. After SOP,I'll be in SM Fairview para naman sa grand fans day. Ito yung yearly naginagawa ko. Parang birthday treat ko na sa mga kaibigan nating patuloy nasumusuporta. This time nga lang, sa SM Fairview gagawin."

Pero kung August 2 raw mismo ang pag-uusapan, "Yun nga, samismong birthday ko, nasa taping ako. Nakain kasi lahat ng oras noong nasaAmerika kami, so, kailangan naming maghabol ng mga araw sa mga eksena.So, magte-taping ako on my birthday."

NO SURPRISES. Natawa si Dingdong when we told him nabaka may "surprise" na darating sa kanya on theday ng birthday niya.

"Ayoko ng mga surpresa, e. Ako yung taong ganoon, siyempre,kung sinuman ang mag-isip ng maganda para sa katawan ko, thank you sa inyo,"natatawa niyang sabi.

Since si Marian Rivera angsiguradong makakasama niya sa mismong birthday niya dahil nagte-taping ngasila, baka ito ang may inihahandang surprise for him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yan ang hindi ko alam, Ha-ha-ha! Pero, sa totoo lang dinkasi, sa ngayon focused kami ngayon sa pagte-tape ng Dyesebel and, at thesame time, para paghandaan din yung mga mangyayari sa end of August."

Ang tinutukoy nga ni Dingdong ay ang grand birthdaycelebration nila ni Marian sa Araneta Coliseum on August 27.

"GMA plan kasi yun that we will have a sort of jointbirthday celebration ni Marian. Although, kahit kami ni Marian, hindi parin namin alam kung ano ang mangyayari, pero, siguradong magiging excitingnaman ‘yan. It's something that is different from what they usually see in TV.Everybody is invited."

JUST THANK YOU. Sa magagandang nangyayari sa careerniya, sa success ng business nila, kanino niya puwedeng i-attribute ang lahatng ito?

"Ayoko namang sabihing successful na ako sa ngayon, e. Alamkong marami pang room for improvements, marami pang dapat gawin. Pero foreverything that is happening, I'm very thankful at wala naman akong hinihilingpang iba. Nagpapasalamat lang ako.

"Pero siyempre, in everything that I do, kailangan hindinatatapos yung pag-strive mo in wanting to do better things and wanting to domore all the time. At siyempre, para sa kapakanan ng sarili ko at kapakanan narin ng industry."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN