Jericho Rosales prepares for his role as a soldier in "Baler"

Young actor Jericho Rosales makes his first movie after two years. He is in the cast of Viva Films' Baler, an entry in the 2008 Metro Manila Film Festival.



Ang Balerang ikatlong movie ni Jericho Rosales na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF); ang first two ay ang Tanging Yaman (2000) atBagong Buwan (2001) na parehong mula sa Star Cinema.

Ginawa ang story conference ng Baler sa 6th floor ng VivaFilms sa Tektite Bldg., Pasig City, kahapon, July 31. Present din ang ibapang cast ng pelikula na sina Phillip Salvador, Anne Curtis, Carlo Aquino, Desireedel Valle, at Mark Bautista.

Si Direk Mark Meily and scriptwriter Roy Iglesias angnagkuwento tungkol sa bago nilang pelikula, na base sa mga tunay na pangyayari satinatawag na "Siege of Baler" na nangyari noong 1898 hanggang 1899.

Thorough research daw ang ginawa nila, mula samga sunud-sunod na events na nangyari noong Spanish-American war, kung saan nagsagupaan ang mga Spanish soldiers at ang puwersa ng mga Filipino, hanggang sa pagpapatayo nila ng set sa Tanay, Rizal, kung saan gagayahin nila ang look ngBaler (now Aurora), Quezon Province.

Magsisimula silang mag-shooting sa third week of August.Pupunta rin sila sa Aurora dahil nakatayo pa rin ang simbahan na pinangyarihanng story.

ECHO'S PREPARATIONS. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Echoafter the story conference. Ano na ang paghahandang ginagawa niya para sanalalapit nilang pagsu-shooting ng Baler?

"Kailangan ko pong magpapayat, at least from my 160-pounds weight, magbabawas ako ng 10 pounds para tumama sa character ko na isanghalf-Indio, half-Spanish soldier, na nakipaglaban noong panahong iyon sa war nasalat sa pagkain

"Siguro po uunahin naming i-shoot ‘yong payat ako dahilmarami rin pong babaguhin sa looks ko. Kahit ang buhok ko, babaguhin din at,siyempre, ang costume noong panahong iyon.

"May three weeks po ako to prepare, mag-aaral din akongmagsalita ng Spanish, at big thing talaga sa akin ito, excited na ako. Hindi kopa tapos basahin ang second draft ng script, pero inihahanda ko na ang sariliko na parang pupunta ako ng karnabal sa pagsu-shooting nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ini-expect ko na po sa shooting na baka kumain kami ngdaga, uminom ng tubig-ulan dahil nga wala kaming makain habang nakikipagdigmaankami. Pero kung ‘yon po ang mangyayari, paghahandaan ko talaga at gagawin kokung ano ang hihingin sa akin ni direk Mark, na first time ko ring magigingdirektor," mahabang kuwento ni Jericho.

FIRST MOVIE WITH ANNE. Kumusta naman sila ni Anne Curtis na first time niyangmakakatambal sa pelikula?

"Nakaka-excite po kasi nga, hindi pa kami nagkasama niAnne sa alinmang teleserye, kaya ‘hi!' and ‘hello!' lang kami kapag nagkikitasa ASAP. Wala pa akong masasabi tungkol sa kanya dahil hindi ko pa siyamasyadong kilala. Ngayon pa lang kami magkaka-bonding kapag nagsimula nakaming mag-shooting."

SUPERSTAR IN MALAYSIA. Paano ang taping niya ng Malaysian TV-ABS-CBN teleserye na ATime For Us?

"Tatapusin ko pa rin ‘yon, may two weeks pa kamingtaping dito at sa September, babalik ulit kami ng Malaysia dahil may mgasequences pang kukunan doon. Pagkatapospo ng teleserye, tuluy-tuloy na ang shooting ko ng Baler."

Biniro namin si Jericho na "superstar" na ang tawag sakanya sa Malaysia.

"Para na pong second home ko ang Malaysia dahil ngamarami nang nakakakilala sa akin doon. Nakatulong po talaga ‘yong pagpapalabasng Pangako Sa 'Yo namin ni Kristine [Hermosa] doon kaya tuwing pupunta akodoon, parang kaibigan ko na ang lahat ng tao dun," lahad niya.

Nilinaw rin ni Jericho na hindi totoong niligawan niya angMalaysian actress at katambal sa A Time For Us na si Carmen Soo.

ECHO'S HEART HAS MOVED ON. It seems na maluwag nang sinasagot ni Jericho ang mgakatanungan tungkol sa kanyang mga naging girlfriends. Naka-move on na ba siyasa breakup nila ni Heart Evangelista?

"Medyo naka-recover na po ako, hindi na ako madalasnalulungkot," sagot ni Jericho. "Saka ginagawa ko na lang busy ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindipa kami nagkikita kahit by chance ni Heart at hindi pa rin kami nagkakausap. Satext nga po lamang natapos ang relasyon namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang isinauli na ni Heart kay Jericho ang lahat ng mgaregalong ibinigay niya noong sila pa?

"Huwag na po," pag-iwas ni Jericho. "Kapag nakita n'yosiya, sabihin po ninyong huwag na lang niya isauli. Gamitin na lang niya,masaya na ako doon."

Mas okay ba siya ngayon without Heart?

"Siyempre po, iba pa rin ‘yong may ka-share ka sa mgagood times na tulad noon. Pero maramipa rin akong natutunan sa paghihiwalay namin. Natutunan ko po ang value ngmaraming tao sa paligid ko na tumulong para maging positive ang tingin ko aboutthe breakup. Wala po akong bitterness sa nangyari sa amin ni Heart," pahayagniya.

REUNION WITH KRISTINE. Kinumpirma naman ni Jericho na may gagawin silang proyektong dati niyang ka-love team at kasintahan na si Kristine Hermosa.

"Meron po, movie yata with Gabby Concepcion," sabiniya. "Nang magkausap nga po kami sa Star Magic Ball noon, nabanggit ko sakanyang may gagawin daw kaming movie. Sagot niya, ako lang naman daw angayaw. Pero ready na po kami, we're justwaiting for a nice story. Last movie namin ni Kristine ‘yong Ngayong NanditoKa. Wala pa kaming alam na gagawingteleserye ni Kristine."

Bakit daw tumanggi siyang isayaw si Kristine noong StarMagic Ball?

"Nailang po kasi ako kay Diet [Diether Ocampo,ex-boyfriend of Kristine] na siya pang humihila sa akin para isayaw siKristine. Saka ‘yon po ang first time na nagkausap kami ni Kristine after along while. Hindi po ako nakasayaw, parang nanigas ang mga paa ko. Pero walanaman pong problema sa amin ni Diet, okay kami at madalas kaming nagkakausap saASAP."

Si Angelika dela Cruz na ex-girlfriend din ni Echo, maycommunication pa ba sila?

"Si Kulit?" tanong ni Echo. "Kulit kasi ang tawag kokay Angelika. Nawala ko na po ang number niya, pero happy ako dahil ang balitako masaya siya sa boyfriend niya ngayon. Ayoko na pong kunin ang number niyabaka magalit ang boyfriend niya. Kapagnakita n'yo na lang siya at kung totoong magpapakasal na sila, sabihin na langpo ninyo, ‘Congratulations!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REBEL DAYS. May pinagsisihan ba siya nang medyo naging rebelde siya noonkaya naapektuhan ang kanyang career?

"Wala po, wala akong pinagsisihan kung naging rebeldeman ako for a while. Instead, marami akong natutunan noon. Nabalingan ko po angmusic at natupad naman ang dream ko na makapag-record ng album at nakapag-showabroad. Naisip ko ring magdirek, natupad po ‘yon sa concert namin ni Kuya Gary[Valenciano] na kaming dalawa ang nagdirek."

Sa ngayon, nakalipat na pala ang 28-year-old actor-singer sa bahay na ipinatayoniya sa Loyola Grand Villas, Quezon City.

Malapit na rin daw ipalabas ang movie nila ni Brianna Eviganna kinunan dito sa Pilipinas, ang Subject: I Luv You. May concert din daw siyasa Italy and Canada at baka makasama rin siya ni Gary sa coming shows nitoabroad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN