FIRST READ ON PEP: Ryan Agoncillo and fiancee Juday will be apart as he tapes "Pinoy Fear Factor"

Ryan Agoncillo will leave the country for Buenos Aires,Argentina, to fulfill his role as the host of Pinoy Fear Factor. This is the first timethat he and fiancée Judy Ann Santos would be apart for the longest time sincethey became a couple.



Matapos ang kanyangwell-publicized engagement sa kasintahan na si Judy Ann Santos ay tutulak namanpapuntang Buenos Aires, Argentina, ang actor-host na si Ryan Agoncillo paramag-taping ng Pinoy Fear Factor.

Nabili ng ABS-CBNang rights ng popular reality show FearFactor na patok na patok sa cable subscribers dito sa Pilipinas.Mismong sa Endemol—isang Netherlands-based production outfit—nakipag-ugnayanang Kapamilya Network para makuha ang license ng programa. Bukod sa Fear Factor, ang Endemol din ang may-ari ngfranchise ng Big Brother, Dream Academy, at Deal or No Deal.

MORE THAN A MONTH. Isang buwan mawawala si Ryan kasama ang napiling 12 contestants at ilangcrew ng nasabing show. "Actually, more than one month," mabilis nasambit ni Ryan nang makaharap ang entertainment press kaninang tanghali, August 1, satraining room ng ELJ Building, ABS-CBN, Quezon City.

Dahil matagal-tagaldin siyang nabakante ay sinabi ni Ryan na sabik na sabik na siyang muling sumabak sahosting. Huling napanood si Ryan bilang isang aktor sa Ysabella samantalang ang huli niyang hosting gig ay two years ago pa,sa maiden season ng Philippine Idolna noon ay nasa ABC-5 pa.

"'Yong six months nanabakasyon ako from TV work, ano ‘yon, e, it was very humbling na parang 'ika ngasa Ploning, e, hindi ibibigay sa ‘yohangga't hindi handa ‘yong puso mo. Parang sa akin, the way I see it, ‘yongsix months na wala akong show, it was a very humbling part on my end na parangsinabi ng Diyos kasi na siguro kung ibinigay Niya sa akin 'to nung January,malamang hindi ko ma-handle, baka lumaki ulo ko," katuwiran ng TV host-actor.

Looking back, sinabini Ryan na bagamat nag-alala siya that time dahil sa kakulangan ng projects,naging blessing naman din daw ang lahat sa dahilang napaglaanan niya ng panahonang kanyang personal life.

"Pero it really gaveme the opportunity to find out ‘yong mga totoo kong kaibigan. And I got to spendtime with them and I saw how my family stood by me, 'tapos si Juday nandiyanthrough thick and thin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AWAY FROM JUDAY. Katulad nga ng sinabi ni Ryan, may maganda rin namang naidulot angkanyang panandaliang pamamahinga bilang artista at TV personality. Dahilmaluwag ang schedule ay nabigyan nila ni Juday ng sapat na oras ang isa't isa.Nito nga lang May 11 ay officially engaged na ang celebrated couple afterdating for three years.

Subalit dahil sakanyang Pinoy Fear Factor commitmentay walang choice ang magkasintahan kundi ang maghiwalay—physically speaking, thatis.

Kuwento ni Ryan, "Kamini Juday, we've never been apart for more than a week since we've been together.Buti na nga lang nakapagpondo kami ng six months na constantly we were together. Soat least, itong isang buwan may pagkakataon namin ma-miss ang isa't isa."

Sa pagkakatanda niRyan, huli siyang bumiyaheng mag-isa noong siya ay 20-anyos pa lamang. Nag-shootsiya that time sa Israel for Penshoppe at namalagi siya roon for two weeks.

More than thephysical demands of the job, mas kinakabahan si Ryan sa kanyang mental andemotional state pagdating sa Argentina. Maging si Juday nga raw ay inihahandana rin ang sarili para sa kanilang temporary separation.

"Hinahanda namin angsarili namin for that kasi matagal, e. Usually kahit nag-a-Amerika siya onag-a-Amerika ako noon, in six days nakabalik na, e, talagang gagawin lang namin 'yongtrabaho 'tapos balik na [dito sa Pilipinas].

"Wala akong kasamangbarkada, ‘yon yung mahirap. Kasi usually, kahit wala si Juday noon, at leastkasama ko ang mga barkada ko or ‘yong family ko. Ito, lahat sila maiiwan ko ditosa Pilipinas."

Dinadaan na nga langmuna ni Ryan sa biro ang lahat at kagaya nga ng mga mahal nating kababayan nanakikipagsapalaran sa ibang bansa, "Sabi ko, hayaan mo muna, mangingibang-bansamuna ko para kumita, para sa kinabukasan ng pamilya... Magpapaka-OFW muna ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN