Piolo Pascual explains non-participation in Bench fashion event

"But, for the record, hindi talagaako kasali sa Bench fashion show. Bago man ito naplano, wala talaga ako sashow. Also that day [July 25], I was doing a commercialshoot. So there was no chance for me to do the show," says Piolo Pascual.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang matinee idol nasi Piolo Pascual sa launching ng bagong TV commercial ng Max's, na napapanoodna ngayon, sa branch ng naturang restaurant sa Trinoma Mall, Quezon Citykahapon, August 1. Siyempre pa, ang mainit pa ring pinag-uusapan ngayon nakontrobersiya tungkol sa Bench denim and underwear fashion show sa AranetaColiseum ang naging topic namin.

Usap-usapan kasi na kaya hindi nakasali sa Piolo sa naturang fashionevent, bagamat isa siya sa top endorsers ng Bench, ay dahil nag-backout diumanosiya. Ayon sa lumabas na balita, hindi raw nagustuhan ng kampo ni Piolo angilang detalye sa fashion show kaya siya nag-backout sa Blackout.

Nagpaliwanag si Piolo tungkol dito.

"I didn't back out," paglilinaw ni Piolo. "I really didn't wannajoin. Beforehand, I told Mr. Bench Chan [Bench owner]already, it's my personal conviction not to join. But since endorserka, they did expect you to be there sa show.

"But for the record, hindi talagaako kasali sa Bench fashion show. Bago man ito naplano, wala talaga ako sashow. Also that day [July 25], I was doing a commercialshoot. So there is no chance for me to do the show."

Nabanggit din ni Piolo na noong una siyang pumirma ng kontrata sa Benchay talagang hiniling nito na hindi siya pasalihin sa biennial fashionshow na ginagawa ng Bench.

"Nothing against anyone or what it's all about. It's justsomething I just don't wanna do," paliwanag niya.

Nilinaw rin ni Piolo ang balitang kaya hindi siya sumali sa fashionshow ay dahil may mga demands ang Star Magic, na namamahala ng kanyang career,na hindi naibigay ng Bench.

Aniya, "I know nothing about that. As far as I am concerned, fromthe very start, I've decided not to join the fashion show. Not foranything else, it was my personal decision not to join long before they plannedor they did the sequencing. So, wala po talaga ako sa show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa grand launch ni Billy Crawford bilang Human endorser last Thursday, July 31, ay kinausap ngPEP si Mr. Ben Chan tungkol sa kontrobersiyang naganap sa Blackout. Pero kahitanong pilit sa kanya, talagang umiiwas ito na makapagsalita ng anumantungkol kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, lalo sa balitang pagba-backoutdiumano ni Piolo sa show.

"I think it's better that way," sabi naman ni Piolo nang hingan naminng reaksiyon. "Kami na lang ang magsalita kasi kami naman ang artista, e. Siya [BenChan] naman, owner lang siya. And he's also in a position not to comment,it's his right."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN