KC Concepcion says okay to interview with Bianca Gonzalez

"Oonaman. Nagkita na kami ni Bianca and okey naman siya, sobrang bait. Noissue, sobrang okey sa akin si Bianca," says KC Concepcion about herex-boyfriend's ex Bianca Gonzalez.



Naginghonest si Sharon Cuneta sa pag-amin na iniwasanniya talaga na magkrus ang landas nila ng dating asawang si Gabby Concepcion sa nakaraang birthday bash ni Cristy Fermin. Ayon sa Megastar, para na rin iwas-intrigaat huwag silang pagpistahang parang karnabal ng media.

Samut-saring mga reaksyon ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)tungkol sa naging aksyong ito ng Megastar, may ilang nagsabi na tama lang angginawa ni Ate Shawie para nga naman maiwasan na rin nito na patuloy na maungkatpa ang nakaraan nila ng ex-hubby. May ilan din namang nagsasabi na mukhang hindipa raw yata nakaka-move on talaga ang aktres sa kinauwian ng pagsasama nila niGabby.

STILL HOPING. Sa nakaraangpresscon ng For The First Time ngStar Cinema, agad naming hiningan ng reaksyon si KC Concepcion tungkol dito.

"Naiintindihanko siya sa nararamdaman niya, naiintindihan ko yung gusto niyang mangyari atayaw niyang mangyari, naiintindihan ko ang mom ko. Anyway, sobrang di akoinvolved sa kung ano ang nangyari sa marriage nila, yung history nila or yungpast nila. Basta ako, good vibes lang ako lagi. Talagang nandito ako para maging tulay sa kanilang dalawa atnangyari naman yun, nakapag-usap na rin sila at okey naman. Respeto na lang posa pamilya namin."

KCis open to the possibility na maaaring isang araw talaga ay magkita atmakapag-usap uli ang mga magulang.

"Kungmangyayari yun, mangyayari talaga. We have faith in God, the fact nanandito yung papa ko after thirteen years, si God talaga ang gumagawa ng lahatng yun. May plano si God sa relationship naming tatlo and bahala na langtalaga. Kung anuman ang mangyayari, yun ang hahayaan naming mangyari."

DUET WITH MEGA. Kumpirmado namay special number sina KC at Sharon saMegathirty; makikipag-duet si KC sa isangtheme song ng isang pelikula ng kanyang mga magulang. Sa tanong namin kung okey ba sakanya na pumunta ang ama at manood dito, heto ang pahayag sa PEP ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ofcourse, welcome siya kung gusto niyang magpakita ng suporta. Yun nga lang maymga complications if ever na pumunta siya.

"Maymalaking surprise na hinanda sina Tito Louie Ocampo. Magdu-duet kami ng mom kong magandang kantang kilalang-kilala ng lahat. Basta may kuneksyon sapagpasok niya sa pelikula bilang artista for the past thirty years."

SWEETNESS WITHRICHARD.Kapansin-pansin ang sobrang sweetness nina KC at Richard na halos di naumaalis ang kamay ng aktor sa baywang at kapansin-pansin din ang paghawak-hawaknito sa hita at braso ng kapareha. Aminado naman si KC na sobrang kumportablesiya talaga sa aktor, marami siyang natutuhan dito pero sa ngayon ay ayawnilang madaliin ang mga bagay-bagay.

"Kumportbaleako sa kanya and kumportable siya sa akin. Angdami ko ring natutuhan kay Richard kasi matagal na rin siyang nagtatrabaho dito.But more than that, masaya naman ako na nakapag-bonding nga kami and, like hesaid, araw-araw may pinag-uusapan kaming magaganda, at masaya yung experiencena first movie ko dahil masaya-masaya ako. So thankful ako for that kasiforever ko na yung maaalala sa bawat pelikula na gagawin ko. Siyempre yungpinaka-first yung maaalala mo lagi."

INTERVIEW WITHBIANCA.Open book that after Bianca Gonzalez and Direk Lino Cayetano's relationship ay naging girlfriend ng huli siKC. Di maiiwasang isipin na kahit papaano ay may rift sa pagitan nina Biancaat KC, bagay na agad nilinaw ni KC and nagbigay pa ito ng pahayag na handasiyang magpa-interview sa TV host kung saka-sakaling may ganitong oportunidad.

"Oonaman. Nagkita na kami ni Bianca and okey naman siya, sobrang bait. Noissue, sobrang okey sa akin si Bianca."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN