Marian Rivera knows the price she has to pay for fame

"Ito ang kailangan kong bayaran sa pagiging ako, yungsimpleng intrigang ‘yan. Pero wala akong magagawa ro'n. As long as wala akongnatatapakang tao, marami akong napapaligaya at alam ko na totoo ako sa sariliko, lalo na ang pamilya ko na kilalang-kilala ko, solved na ako ro'n!" says Marian Rivera about being famous.



Pagkatapos na pagkatapos ng birthday special nina MarianRivera at Dingdong Dantes sa SOP sa Studio 3 ng GMA Network kahapon, August 3,nagtuloy sila agad upang harapin ang ilang entertainment press sa second floorng para sa maikling interview. Ito ay kaugnay ng kanilang two-in-one birthdayspecial, Let's Celebrate Dingdong & Marian's Birthday Blowout, na gaganapinsa August 27 sa Araneta Coliseum.

Marian will turn 24 on August 12 and Dingdong turned 28last August 2.

Kuwento ni Marian, "Sa August 27 po, may free admission ‘yanfor the fans. Tigpi-pitong numbers po ang gagawin namin ni Dingdong."

Bukod sa kanilang production numbers, wala pa raw talagasilang idea kung ano ang actual na mangyayari sa birthday show nila.

"Wala pa, e, wala pa kong idea. Actually, kinausapnaman ako ni Direk Louie Ignacio, naaliw naman ako. Ang galing! Ang ganda!"masayang sabi ni Marian.

MONEY MATTERS. Bukod sa malaking tagumpay ng kanilang fantaserye naDyesebel, na follow-up sa phenomenal hit na Marimar, kaliwa't kanan din angproduct endorsements nina Marian at Dingdong. Bukod sa kani-kanilangendorsements, magkasama rin ang dalawa sa San Mig Light and soon sa GranMatador Brandy.

Tuloy, biro ng ilang press kay Marian, ang yaman na niyasiguro. May nag-attempt na magtanong sa young actress kung magkano raw angtalent fee niya per commercial.

Nakangiti namang sinabi ni Marian na, "Huwag na po yun. Akinna lang yun. Basta ano, nag-iisip ako at alam ko kung paano ko hawakan ang perako sa mabuting paraan at para sa future ko."

May business na ba siya?

"Actually po, hindi business, e. May mga lupa, investmentpo. Basta marami akong mga plano sa buhay. Siguro hindi naman mawawalakung ilalagay ko sa bangko. At least, may interest pa kung ita-time deposit kosiya. Hinay-hinay lang. Mahirap din naman kasi yung bili ako nito, biliako nun. At saka basta naman may pera, madaling bumili kahit na ano pa anggusto mo," pahayag niya.

Hindi pa raw napag-iisipan ni Marian ang pagnenegosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga ni Direk Joyce Bernal sa akin, ang business ko,yung hitsura ko. Yung mukha ko na dapat kong alagaan. Ngayon, kung wala na akosa showbiz at ayaw ko na, yun lang ang time na dapat mag-business ako para akomismo, mai-manage ko nang tama. Kasi kung ngayon, wala raw po, e."

BIRTHDAY WISH. During Marian's birthday celebration sa SOP, isa sanabanggit niyang birthday wish niya ay sana ay humaba pa ang buhay ng lola niya,na present sa Studio 3 kahapon. May napansin ba si Marian na naging pagbabago salola niya ngayong isa na siya sa maituturing na pinakasikat na artista ngPilipinas?

"Wala naman pong nagbago sa lola ko," sabi ni Marian. "Angnabago lang, palaging nagpapa-develop ng picture! Pagdating sa akin, ‘Anak,pirmahan mo ‘to.' Parang, ‘Lola naman, ang dami naman...' So sige, pirma, pirma!"

Marian's grandmother is now 78 years old, pero malakas parin daw ito. Matagal na rin daw hinihikayat ni Marian na sumama sa kanya attumira sa condo niya ang kanyang lola, pero ito raw mismo ang tumatanggi.

"Ang sabi niya sa akin, mahirap daw sa isang katulad niya napalaging nasa garden, nag-aalaga ng mga halaman at pagkatapos biglang sa condolang siya, nood ng TV... So baka raw lalo lang siyang manghina.

"So, pinabayaan ko siya. Yung normal na buhay niya,ganoon pa rin siya. Nakakaalis pa rin siya. Nakakapunta pa rin siya kungsaan-saan, nag-a-outing sila ng mga tropa niya. Ang tawag kasi nila sa kanya, Kapitana. Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya,"lahad ni Marian.

Sikat na rin ba ang lola niya sa kanila sa Cavite?

"Mas sikat pa nga po siya sa akin, e!" natatawang sabi niMarian.

THE PRICE OF SUCCESS. May nagtanong naman kay Marian kung ano naman ang mga nabagosa kanya ngayon sa tinatamasa niyang tagumpay.

"Wala namang nabago," sagot niya. "In terms of intriganaman, tanggap ko na yun palagi. Kahit ano naman ang sabihin ng mga tao saakin, wala akong magagawa. Bilang isang artista, yun naman angpinaka-koneksiyon. Kung hindi ka artista, kung simpleng tao ka lang, wala namansigurong ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito ang kailangan kong bayaran sa pagiging ako, yungsimpleng intrigang ‘yan. Pero wala akong magagawa ro'n. As long as wala akongnatatapakang tao, marami akong napapaligaya at alam ko na totoo ako sa sariliko, lalo na ang pamilya ko na kilalang-kilala ko, solved na ako ro'n!

"Di ba nga, palagi kong sinasabi, pulaan na ako ngibang tao, sabihin na nila ang gusto nilang sabihin sa akin, ang importante saakin, malinis ang puso ko at wala akong sinasagasaan. Okey na ko ro'n,"pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN