Kapuso star Richard Gutierrez relates his work with Star Cinema

"Wala namang masyadong ipinagkaiba saibang mga production outfits. Siguro ako ngayon, ine-experience ko lang yungworking with a different group of people, different group of filmmakers na ibarin yung tactics nila, na iba rin ang applications nila," says Richard Gutierrez about working with Star Cinema.



Teaser pa lang ng first movietogether nina Richard Gutierrez and KC Concepcion na For The First Time,curious na agad ang dalawa na malaman ang reaksiyon ng publiko. Unang nasilayanang teaser ng For The First Time sa premiere night ng A Very Special Love, kungsaan namangha ang audience sa magandang kumbinasyon nina Richard at KC sascreen.

"Talaga? That's good. I'm excitedna!" sabi ni Richard habang katabi si KC sa presscon ng For The First Time last Thursday, July 31, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ayon sa teaser, ang love story ninaRichard at KC "is something that everyone thought would never happen." SiRichard kasi ay contract star ng GMA-7 samantalang si KC naman ay identified saABS-CBN.

"Yun nga, e, kaya talagangmasayang-masaya ako," sabi ni Richard. "Masayang-masaya rin kaming dalawa kasinga natupad yung pangarap namin, na finally nangyari yung pangarap namin nagumawa ng pelikula uniting the two networks [ABS-CBN and GMA-7].

"I mean, isa siyang... Parang ang layokung iisipin mo. Pero yun ang gusto naming nangyari and I think it's also goodfore the industry na sana tuluy-tuloy na ganun, na we're breaking down the wallin between them na din, we're uniting the two networks and sana tuluy-tuloy nga.

"Kasi sa mga interviews ko before inthe past, lagi kong sinasabi ‘yan e, na sana makatrabaho ko yung mga artista sakabila, sana ganun. At ngayon nangyari na. So, I'm very blessed, I'm verythankful," pahayag ng young actor.

Dapat magpasalamat si Richard kay KCna nakipaglaban din para sa kanya na maging first leading man niya sa kanyanglaunching movie sa Star Cinema Productions.

"Oo, siyempre I‘m very thankful toher, di ba? First movie niya ‘yon. First movie niya ito ‘tapos ako ang kasamaniya. I'm very happy and very blessed and sabi ko sa kanya, we'll gonna havefun. I promised her that. And I promised her na I will do my best. So, ayun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CROSSING THE LINE. How does it feel working with StarCinema?

"Well, I'm very happy to be workingwith Star Cinema. Yun nga, nabigyan nila ako ng opportunity na makapagtrabahosa kanila at isa yun sa mga privileges ko siguro as an actor," saad niya.

Kumusta naman siya sa set at working relationshipniya with Star Cinema's staff and crew?

"Wala namang masyadong ipinagkaiba saibang mga production outfits. Siguro ako ngayon, ine-experience ko lang yungworking with different group of people, different group of filmmakers na ibarin yung tactics nila, na iba rin ang applications nila.

"So, natututo ako. And natututo akomaki-mingle sa mga tao, sa ibang mga klaseng filmmakers. And that's very goodfor me. Kasi na-experience ko na ang GMA, na-experience ko na ang Regal, atngayon naman Star Cinema."

Dahil sa paggawa niya ng movie saStar Cinema, marami raw tuloy ang nainggit kay Richard, ang ibang mga artista ngGMA-7.

"Ay, well..." natawa na lang siya.

RICHARD'S DREAMS. Seven years na si Richard since hemade his comeback as a teen actor. Marami pa rin daw siyang dream at pelikulanggustong gawin.

"I wanna do another...marami pa akong rolesna gustong gampanan. Siguro mas serious ng konti, mas heavy ng konti. I want an action movie."

Idol daw niya sina Leonardo DiCaprioat Rusell Crowe.

"Pero hindi ko naman minamadali, e.For me, darating din ako doon. Ngayon, kung ano ang ibigay sa akin ni Lord, tatanggapinko," aniya.

What about gay role?

"Hindi ko siya gusto," mabilis niyangtugon. "Pero kung may darating sa akin na magandang-maganda at maganda yungtreatment, siyempre kung maganda yung project pero hindi ko namanhinahanap-hanap... ‘Tsaka siguro hindi pa kasi tugma sa career path ko ngayon, yunlang."

RICHARD'S TOUCH. Habang kausap namin si Richard ay panaynaman ang hipo niya sa hita ni KC. Kaya tinanong namin si Richard kung ano angibig sabihin ng paghawak-hawak niya sa hita ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ibig sabihin noon ay pagmamahalat paglalambing," ngiti ni Richard.

Bakit sa hita?

"Hindi, sa tuhod lang naman, e. Ganunlang talaga ako. I show how I feel. Malambing lang talaga ako," paliwanag niya.

IDENTICAL NECKLACE. Ipinakita rin sa amin ni Richard angidentical necklace nila ni KC na binili niya sa Santorini Is., Greece, kung saansila nag-shoot ng movie nila.

"Ito yung ‘loveahh.' Galing sa lava‘yan ng Santorini. Kasi Santorini is made up of three volcanoes. The wholeisland is a volcano. Yeah, kaya laging may earthquake. There's always eruptions.

"And when you swim in the Aegean Sea;the Aagean Sea, yung dagat po nila doon, and then...it's very salty. And then,‘pag dumive ka, walang corals, it's pure lava. Sobrang clear ng water pero graylang siya na parang lava siya na gray. ‘Tapos yung mga isda, nasa corners lang.Walang isda anywhere," kuwento niya.

Bakit yun ang napili niyang ibigaykay KC?

"Ito [sabay hawak sa suot niyangnecklace] yung symbolism nung kasi ng Santorini. Ito yung buong island nila. Thewhole island is made up of lava, so this is part of Santorini," paliwanag niya.

Ganyan din ba ang hitsura ngidentical bracelet nila ni KC?

"Hindi. Yung bracelet is made up ofmay mga symbols.

Ano yung mga symbols?

"Yung symbol kasi noon, may isangbabae, may isang lalaki ‘tapos parang it means daw that through rain or shine magkasama silangdalawa. "

Parang sila ni KC, rain or shine, lagingmagkasama?

"Parang ganun," nakangiting pagsang-ayon ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN