Dr. Vicki Belo shrugs off intrigue about Dingdong Dantes's grand launch as endorser

"His eyes, ever since talaga yung mata niya. Iba kasisiya kung tumingin. At saka sa mga launch namin from the past, ngayon lang yungmga doctors namin sa bawat clinic, e, pumunta pa rito," says Dr. Vicki Belo (left) about new celebrity endorser Dingdong Dantes (right).



A few minutes before Dingdong Dantes was formally launchedas the newest celebrity of Belo Medical Group kagabi, August 3, sa NBC Tent,nakausap muna ng entertainment press ang "doctor of the stars" na si Dr. VickiBelo.

Nagpahayag ng kasiyahan si Dr. Belo na kahit kasagsagan nglakas ng ulan, hindi ito naging hadlang para dumating pa rin ang mga press,sponsors, at lahat ng invited guests nila for the dual celebration last night.Bukod kasi sa paglu-launch kay Dingdong ay nagsilbi na rin itong birthday bashng young actor who turned 28 noong August 2.

Ayon kay Dr. Belo, matagal na raw nilang kinukuhang modelosi Dingdong, noon pa man na nagpupunta ito sa kanilang clinic para magpa-treat.But it was through their other endorser Zsa Zsa Padilla kaya finally ay nakontrata nila ang young actor to be their endorser. Zsa Zsa, of course, is themother of Karylle, Dingdong's girlfriend.

They thought of James Bond theme for the launch dahilnakikita raw nila kay Dingdong ang mga qualities gaya ng sa sikat na secret agent. Para raw kasing si James Bond si Dingdong—matipuno, guwapo, at maliksiang pangangatawan.

GRAND LAUNCH. Siyempre pa, hindi maiiwasang mapansin at maikumpara angparaan ng paglu-launch ng Belo kay Dingdong sa mga nakaraang launching nila.Obviously, napakaganda ng launching ni Dingdong na sa NBC Tent pa ginanap,inspired by the James Bond movie Casino Royale ang theme; complete with gamingtables, guns on display, sexy ladies, and even a Martini bar that James Bond isknown for.

Pero nilinaw ni Dr. Belo na nagkataon lang talaga na anglaunch ay sumabay sa birthday ni Dingdong.

"Well, natapat lang talaga. It's also Dingdong Dantes'sbirthday, kaya naman ganoon. At the same time, depende rin naman kasi sa manageron what's their deal to us," paliwanag niya.

Expected na rin daw ni Dr. Belo na may "selos issue" namaglalabasan after the grand launching of Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, marami naman talagang nagseselos! Palagi namantalagang may nagseselos. Pero wala naman talagang dapat pagselosan. SiHayden [Kho, her boyfriend] na lang yata ang hindi nagseselos!" natatawang birong cosmetic surgeon.

NON-SURGICAL PROCEDURE. Ayon kay Dr. Belo, simula nang maging endorser nila siDingdong, isa pa lang ang ipinapagawa nito sa katawan—ang ini-endorsenitong Body Shape, a special and unique combination of treatments to tightenskin and remove fat; o surgical and non-invasive body shaping procedure.

Alam daw ni Dr. Belo na hindi mag-a-undergo si Dingdong ngmay surgical procedure, although naniniwala ang doctor na wala namantalagang dapat gawing surgical procedure sa katawan ng young actor.

When asked kung ano sa palagay niya ang best feature niDingdong, mabilis ang naging tugon nito.

"His eyes, ever since talaga yung mata niya. Iba kasisiya kung tumingin. At saka sa mga launch namin from the past, ngayon lang yungmga doctors namin sa bawat clinic, e, pumunta pa rito," saad ni Dra. Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN